Chapter 27 (August 08, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"It was just a great mistake..."

"So pagkakamali na siya ngayong alam ko na, eh mukha naman pala akong tanga na salita ng salita doon eh!"

"Kent, makinig ka naman kasi muna."

Sinasabunutan na nito ang sariling buhok.

"Kent! Please..." nasabi ni Phoebe

"Please what? Phoebe ha? I can't believe your very good at lying Phoebe"

Papalabas na sana si Kent ng pumasok na ang mga tatay nila.

"Pa, mauna na po ako..." paalam ni Kent sa ama.

"Kent naman! Please" humagagulgol na si Phoebe

"pa... sorry po" paalam ni Kent sa tatay ni Phoebe.

Parang nahihiya naman ang tatay ni Phoebe kay Kent kaya tumango na lang ito ng kaunti.

Tuluyan ng umalis si Kent.

"Phoebe?" tawag ng papa niya.

"Pa! It's not what you think pa.... I don't know what happened... I really don't know na nagawa ko yun.." niyakap ni Phoebe ang tatay niya.

"Shhhh Shhh! No baby.... I believe you... Shhh Shhh" niyakap din siya ng tatay niya.

Ang tagal bago kumalma si Phoebe.

Lumapit sa kanya si tito James.

"Tubig Phoebe.." binigyan ni si Phoebe ng glass of water

"Pa... sorry po... kasi---"

"It's okay iha, you don't have to explain to me. Sana lang maayos niyo ni Kent ito."

"Pa... Sorry.... Sorry po... Mahal ko na po si Kent...." parang nagsisimula na namang umiyak si Phoebe.

"Tama na, I don't know the whole story, pero kung mahal mo nga ang anak ko, explain everything, don't leave anything unsaid. Kung mahal ka din niya, he will understand and accept you...open arms."

"Mageexplain po ako..."

Biglang bumukas ang pinto

"FIBBS!!!!!!"

Pumasok na pala doon si Jhone

"Jhone!!!" niyakap niya ang bestfriend niya.

"Ang bruhang si Elisa!!! Siya ang may pakana! Kanina nung pinapagalitan yung isang tagaayos ng projection, sabi niya, lumapit daw si Elisa para ibigat yung isang flashdisk. Sorpres daw yun sau ni Kent. Dahil artista at na-starstucked yata si kuya, tinanggap ang flashdisk at on signal ni bruha, ayun! Shit siya!!!" mahabang paliwanag ni Jhone.

"Eh pano niya naman kaya nakuha yun???"

"Di ko alam Fibbs. Alam mo naman marami yang galamay. Haie kausapin mo si Kent. Sabihin mo lahat!"

"Eh hindi ko naman alam yung lahat-lahat ng nangyari eh"

"Basta mag-explain ka. Kasalanan mo naman yan eh. Aminin mo na kasi na mahal mo siya! Kapag hindi kayo nagkabati papatayin ko si Elisa!"

"Anong sasabihin ko?"

"Tell him you really love him."

"Eh pano kung wala akong makuhang sagot?"

"Ano ka ba!!!! Friend kasalanan mo yan. Basta sabihin mo na mahal mo siya!! At least you tried your best! Hwag ka ng maghintay ng sagot! Ang salitang "I love you" ay hindi isang tanong kaya hwag kang mag-eexpect ng sagot. Ipakita mo na mahal mo siya. Alam mo naman si Kent. Ikaw ang nakakakilala sa kanya ng totoo"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon