PROLOGEO

950 13 1
                                    

"hindi na kita mahal clent pabayaan mo na akong umalis kasama ang anak mo ,wala kang pera ..wala kang maibubuga"       iyak kong sabi sakanya.alam kong nasasaktan ko siya nang sobra sa mahigit tatlong taon na pagsasama namin, ay mauuwi lang pala sa hiwalaay na di niya inaasahan pero hangad ko ng kanyang kaligayahan.     

  "hindi mae.hindi ka aalis i know that you love me.wag mo akong iwan mae wag niyo akong iwanan nang anak natin"nakaluhod niyang pagsusumamo saakin.nasasaktan akong nakikita siyang ganito kahit ako ay nasasaktan dahil na pakahirap nitong naging desisyon ko.Hindi kami kasal ni clent sapagkat kung ituring namin ang isat isa ay isa nang legal na mag asawa.             
   "Mga bata pa tayo clent marami pang mangyayari ,makakahanap ka pa nang mas hihigit pa saakin na nararapat sa isang katulad mo."kahit ako ay nasasaktan ako sa sinasabi ko.   

     "tangna louisse!ikaw pa lamang ay sobra sobra na at wala na akong ibang hihihilingin pa kundi makasama ka,kayo nang anak natin louisse"
Umiiyak niyang sabi habang naka hawak sa aking kamay.
Umiling ako sa Sinabi niya bilang di pag sang ayon sapagkat yun din ang pinangarap ko ang makasama siya at makapiling.
Pero hindi,kailangan ko itong gawin,alang-alang sa kaniya.

"Hindi client kahit mag sama pa tayo sa isang bubong ay wala naring saysay iyon.iba na ang lalaking mahal ko clent at di na ikaw,kaya please pakawalan no na ako hayaan mo na ako."nakikiusap Kong sabi sa kanya natatakot ako na bumigay agad ako sa ganitong sitwasyon namin dahilan upang di mangyari ang pinaplano ko.
Oo,plano kong iwanan siya alam kung masakit pero kailangan kung gawin.

"Si Alexandre ba Mae Louisse.!"tanong niya saakin na agad namang binitawan ang kamay ko, agad siyang naglakad sa center table upang inumin ang natitirang alak nito.
Nasasaktan akong nakikita siyang ganito sobra sobra...
"Si Alexander ba!"ulit niyang tanong hinarap ko siya nang buong tapang kaylangan Kong panindigan ito.kailangan sapagkat para rin ito sakaniya.ako ang naging dahilan kung bakit siya naghihirap nang ganito kung kayat kailangan ko itong gawin para matupad ang kaniyang mga pangarap.

"Oo clent siya nga" I lied.

Paninigurado kong sagot sakanya .agad naman siyang napamura *fuck!"
"Bakit siya Louise ..tatlong taon tayong nag sama tapos ipagpapalit mo lang ako sa isang ka chat mo na di mo man lang nakilala nang personal!"galit niyang sabi sapagkat may bahid parin iyon nang pagtitimpi.

"Oo clent Mayaman siya kayang kaya niya kaming buhayin ni red at mabibigay pa niya ang lahat nang pangangaylangan namin,di katulad sayo na hanggang pagkain Lamang ang pera mo."
Totoo iyon sapagkat masaya na ako kung anung meron kami pero Hindi ngayon hinding hindi ngayon.

"Please Mae Louise nakikiusap ako, mahal ko wag mo akong iwan"nakaluhod niya nang pakikiusap sa harapan ko.umiling iling lamang ako kahit sa totoo ay gusto ko na siyang mayakap hangkan,ipadama sa kaniya ang siyang tinitibok nang puso ko.

"Sasaktan ka lang nang lalaking iyon .ayokong nasasaktan ka Mae.kasi m-mas na sa -sasaktan ako please dito kalang sa tabi ko Mae .mahal kita mahal na mahal susundin ko lahat nang gusto mo..
Wag ka lang lumayo saakin Mae.. Hindi ka mahal nang lalaking iyon papaasahin kalang niya"paliliwanang nito na Mas ikana iyak ko..
Lumakad na ako papunta sa bungad nang pintuan at hinayaan ko na Lamang siyang nakaluhod habang umiiyak..hindi ko na kayang makita siyang ganito.

"Mahal ko siya clent "sabi ko sakanya na naka pikit.kung kaylangan kong mag sinungaling para sa ika bubuti niya ay gagawin ko.pinihit ko na ang siradora nang pinto nang mag salita siya.

"Kapag lumabas ka rito siguraduhin mong wag na wag ka nang babalik pa dahil kapag bumalik ka ay wala kanang mababalikan pa ,kahit humingi ka man nang tawad umiyak kaman nang dugo ay hinding hindi na kita papatawarin pa sapagkat magiging impyerno ang buhay mo sa mga kamay ko."

Mahaba niyang paliwanag na buong buo ang determinasyon. nasasaktan ako gusto Kong isigaw na mahal ko siya pero di pwedi.

"Goodbye clent hangad ko'y matupad mo ang mga pangarap mo" pagpapaalam ko kasunod ang pagbagsak nang aking mga luha.. Lumabas na ako nang kwarto at doon na ako umiyak kinuha ko ang isang litrato niya sa lamesa at agad na ipinasok sa dala dala Kong bag.. Ang sakit napahawak na lamang ako sa aking puson agad napangiti nang mapait kahit hilam ako nang aking mga luha.

5 years later

CLR COMPANY

"Mr.CEO the bord member is now waiting on you to the conference room."

his secretary announced
Nakatalikod siya rito kung kayat di nakikita nito ang ekpresyon nang kanyang mukha.

"Again Mr.CEO Cedrick Clent Sandoval are you ready?"



"Yes I am"

Romancing The CEOWhere stories live. Discover now