Chapter 2: Enemies

Magsimula sa umpisa
                                    

At nakarating na din kami sa cafeteria, pagpasok namin napansin ko ang isang kumpol ng babae na nagtitilian at mga kinikilig

"Lovely? Alex?  Anung nangyayare dun? Bakit sila nagkakagulo? May nagaaway ba? O may artista dun na nagshu-shooting?" Tanun ko

"Nako Jane andyan yun kanina ko pa sayong kinukwento yung napaka gwapo na apo ng may-ari ng University na to" sabi ni Lovely

"Anung gwapo pinagsasabi mo dyan Lovely? Ang sabihin mo ang pinakamayabang at pinakasupladong nilalang na makikita mo dito sa University natin!" sabi naman ni Alex

"Napabitter mo talaga Alex, hindi suplado si Mark no? Sadyang tahimik lang talaga sya dahil focus sa pagaaral nya, alam mo ba Jane si Mark lang naman ang pinakamatalini dito, diba ganun sya ka ideal boyfriend, gwapo na, matalino pa at napa mysterious pa haaaaaay sino ba naman ang hindi maiinlove sa isang Mark Justin Erguiza" sabi ni Lovely

Ah! Mark Justin Erguiza pala ang pangalan! Erguiza? Sounds familiar, saan ko ba narinig yun?

"Tara? Bilis Jane puntahan natin sya para makilala mo sya" hila sakin ni lovely at wala na kaming nagawa ni Alex kundi sumama sa kanya

Pag dating namin dun nakipagsiksikan kami sa napakaraming babae na nakapaligid "excuse mga te padaan kami" paulit ulit na sabi ni Lovely para lang makalapit kami sa lalaki yun,

Hanggang sa kami na ang nasa unahan, pero natawa ako sa mukha ni Lovely medyo mukhang disappointed, paano ba naman nakatalikod samin yung Mark na sinasabi nya hahaha

"Anu ba yan bakit dito tayo pumunta nakatalikod sya eh" pagmamaktol ni Lovely

"Sisihin mo yang sarili mo? Ikaw kaya naghigit samin dito tapos magrereklamo kapa? Alam nyo umalis nalang tayo dito wala naman tayog mapapala eh! sabi ni alex na balak sanang umalis na

"Teka lang Alex hindi pa nakikita ni Jane ang mukha nya" sabi ni lovely

"Eh hindi naman interisado si Jane dyan eh, diba Jane?" Tanung sakin ni Alex

"Ah?? Eehh?" Hindi ako makasagot, medyo curious din naman ako kung anu nga bang itsura nya paano ba naman ang daming nagkakagulo sa kanya kaya for sure gwapo talaga to

"Nakow! Naloko na! Pati ba naman ikaw Jane?" Sabi ni Alex

"Hihi sorry na! Na-curious lang talaga ako"

"See? Gusto nya din makita si Mark anu kaba Alex yaan mo na kami" sabi ni Lovely

"Gwapo ba talaga sya?" Tanung ko kay Lovely

"Oo sobrang! Dali pakilala ka sa kanya" sabi sakin ni Lovely at tinulak ako papunta dun kay Mark, medyo malapit lang naman kasi yung lalaki samin kaya nung tinulak ako 
natamanan ko agad sya

Yun nga lang sabay ng pagkakatulak sakin at paginom ng softdrinks nung lalaki kaya nung natamaan ko syan natapon sa damit nya yung iniinom nya,

Nabwisit ata kaya biglang tumayo at humarap sakin, at dun ko lang napansin na eto parin ang lalaking kinabubwisitan ko kaya napasigaw agad ako

"IKAW NA NAMAN!?" Sabay pa kami

"Alam mo puro kamalasan nalang dinadaka mo sakin, ngayun tignan mo basang basa na ang uniform ko" sabi nya ng may halong galit

Bigla naman lumapit sakin sina Lovely at Alex "bakit jane anung nangyare?" Tanung nila sakin

"Alam mo Mark Justin Erguiza hindi mo ikamamatay ang pagkatapon ng softdrinks mo sa dapat mo, mas malala parin ang atraso mo sakin na muntik mo na akong mabangga!" Sumbat ko naman sa kanya

"Pwede ba! Wag mo ngang idahalinsakin yung nangyare kanina! Kung hindi kaba naman tatanga tanga edi sana hindi ka muntikan ng mabangga kanina!" pagkatapos nyang sabihin yun dapat aalis na sya ng biglang

"Walkout na naman? Huh? Kung nakadalawang beses ka ng mag walkout sakin pwes ngayun hindi kana makakawala sakin" sabi ko habang hinahabol ko sya, hindi parin sya tumitigil sa paglalakd kaya hinawakan ko na ang braso nya para humarap sakin, hinigit ko sya papunta sakin pero na out of balance ako kaya nahulog ako at dahil nga hawak ko sya ng mahigpit pati sya nahulog sakin

Pero grabe ang sama ng pwesto namin nasa ilan nya ako at sya sa ibabaw ko, buti nalang bigla nyang nalagay ang isa nyang kamay sa ulo ko kundi baka nabagok na ako

Pero grabe ang sakit parin ng pagkakabaksak na yun, dahil sa bilis ng pangyayari hindi ako makagalaw, nakatitig lang ako sa mukha

"Ano magtethank you kana ba sakin dahil kung hindi dahil sakin baka nga nabagok kana dyan at baka patay kana din" sabi nya

At bigla akong nagising sa katotohanan, suuus proud naman sya sa sarili nya "dapat talaga ginawa mo yun dahil ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ako muntik ng mabagok" at pagkatapos kong sabihin mo tinulak ko sya para makatayo ako, tinulungan naman ako nina Alex na makatayo

"Ganan kaba talaga? Lahat nalang ng bagay isisisi mo sakin kahit ikaw naman ang mali?"

"Humuhugot ka talaga eh no? Ewan ko sayo" sabi ko sabay walkout

"Mark anung nangyari sayo? Bakit ka nakaupo sa sahig ? At bakit basa ang dapat mo" parakbong nagaalala tong babae to, yun pala yung babaeng nakapagpainit ng ulo ko kanina

Girlfriend nya ba yun? Tss bagay sila! Parehas silang peste sa buhay ko " hindi talaga ako tutulungan tumayo dito?" Reklamo nung Mark sakin

"Kalalaki mong tao hindi ka makatayo mag-isa? Bakla kaba?" sabi ko sabay talikod, bumenta naman ang biro ko sa kanya dahil nagtawanan mga tao na nakapaligid samin, ngayun ko lang napansin mas dumami pala ang tao nanonood samin,

Narinig ko yung sinabi nung babaeng, "wag mo na syang pansinin Mark ako ang tutulong sayo"

"Hindi ko kelangan ng tulong mo" pabalang na sabi ni Mark, tss kahit kelan bastos sumagot sa babae to haaaay, at tuluyan ko ng nilisan ang lugar na yun

Habang naglalakad kami nina Alex "ang cool mo kanina aah!?" Sabi nya

"Huh? Sorry ah gumawa agad ako ng gulo kakahiya tuloy!"

"Anung gulo sinasabi mo? Well girl alam mo bang ikaw palang ang nakakaganun kay Mark"
sabi ni lovely

"Eh wala naman akong pakialam sa kanya, kahit sino pa sya!" Paliwanag ki

"Haaay nako  Jane, dyan nagsisimula yan" tukso sakin ni Lovely

Ano daw? Haaay nako HELL NO!

............

PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!

SALAMAT ^_^

Be my Girlfriend for 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon