Chapter 17: Andrei & Lovely #Awkward

202 9 0
                                    

(Day: 22)

Andrei's POV

"Oh buti naman Andrei nakarating ka ng maaga! Kumusta naman ang byahe mo wala bang naging problema?" Salubong sakin ni tita Cora, oo yung mama ni Jane

Nagtataka siguro kayo bakit ako nandito, siguro masasabi ko na simula ngayun dito muna ako kena Jane titira,

Nung nasa batangas ako nagtatrabaho ako sa call center eh siguro nakita nung manager namin na puspos ako sa pagtatrabaho binigyan nya ako ng mas malaking opputunity na makaipon ng mas malaki dahil mas malaki daw suswelduhin ko kung dito muna ako sa maynila magtrabaho,

Nag-stop kasi ako sa pagaaral, dahil nagkasakit si Mama, kami nalang dalawa eh kaya walang ibang aasahan si mama kundi ako lang, pero pinangako ko naman na babalik ako sa pagaaral, nagiipon lang talaga ako, pero mukhang matagal tagal pa yun,

Sa sweldo ko na 15 thousand yung half nun ay para sa gamot ni mama at sa mga check-up nya, yung half nun pambayad ng kuryente at pambili ng pagkain yung kalahati naman sa pagaaral ko nilalaan,

Pero ngayung andito na ako sa maynila na halos doble ang sweldo ko, hopefully mas mabilis ang pagiipon ko at makapagpatuloy parin ako sa pagaaral

"Jane anak andito na si Andrei" katok ni tita sa kwarto ni Jane

Pagbukas ng pinto "oh insan andito kana pala ano kumusta?"

"Ayus naman mukhang aalis ka ata ah?" Nakapang-alis kasi sya baka may pupuntahan

"Oo eh samahan ko lang si Mama mamalengke ok lang ba dito ka muna? Kung gusto mong magpahinga o maligo dito kana muna sa kwarto ko sakto bagong linis yan"

"Haha sipag insan ah! Sige sige ayus lang intayin ko kayo dito"

"Yaan mo Andrei iho padating na din tito mo intayin mo nalang sya kelangan na namin magmadali at baka maubusan ng fresh na mga isda" sabi ni tita at umalis na sila,

Pumasok ako sa kwarto ni Jane, mukhang kelangan ko nga talaga munang maligo bago magpahinga, nangamoy usok na ako sa sobrang daming sasakyan dito sa maynila, at ang init sobra kaya tagaktak na ang pawis ko,

Nakita kong may nakahanda ng tuwalya sa higaan ni Jane, kilalang kilala talaga ako ng pinsan ko haha kaya kinuha ko yun

Dumaretso na ako sa banyo at naligo, siguro maninibago ako dito, na di ko kasama si Mama, pero ayus lang andun naman si Lola di naman nya papabayaan si Mama, para sa kanya din naman to, tiis tiis nalang kahit medyo napalayo ako,

Natapos na akong maligo, shit nakalimutan ko yung brief ko at damit ko sa bag, nagtuwalya nalang muna ako, wala namang tao dito eh,

Paglabas ko ng pinto "HOOOOOY JANE!" Shit nagulat ako at bigla kong nabitawan ang tuwalya

"AAAAAAAAAAAAHHHHH" sabi ni Lovely na nakatakip ang mata

Kinuha ko agad ang tuwalya ko at itinakip ko kay junjun, nako naman nakakahiya sa kanya!

End of Andrei's POV

Lovely's POV

"Lovely ikaw ba yan?" Nagulat ako sa sinabi ni tito,

Di ko sya napansin na nasa likod ko pala, andito ako sa harap ng bahay nila, sarado ang pinto eh mukhang walang tao,

"Tito may kukunin lang po ako kay Jane pero mukhang walang tao eh"

"Andyan lang si Jane sa bahay siguro nasa kwarto nya sinira lang ng Mama nya ang pinto dahil pumunta ng palengke sige pasok ka" at pumasok ako,

Hinayaan ako ni tito na dumaretso na sa kwarto ni Jane para kunin yung naiwan kong folder,

Be my Girlfriend for 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon