Chapter 2: Enemies

1K 25 2
                                    

Pagkalabas na pagkalabas ko ng room na yun hindi ko alam kung lalakad ba ako papunta sa kaliwa? O sa kanan? Hindi ko talaga saan ako pupunta!

Basta bahala na nagsimula na akong maglakad lakad, kung saan man ako dahil ng mga paa ko bahala na!

Biglang may humarang sakin na dalawang babae, akala ko bubwisitin nila ako pero pagtingin ko naman sa kanila parehas naman silang nakangiti sakin

"Hi!" Sabi nung babae na sobrang ganda ng ngiti, grabe malaanghel ang itsura nya, kasing tangkad ko lang, medyo mahaba ang buhok na na tingin ko sobrang lambot, maayos ang suot nya talagang malinis at napakapiti nya pati ang mukha nya sobrang linis

Hindi ko alam kung anung sasabihin ko basta napangiti nalang ako

"Jane diba?" Sabi naman nung isa, maganda din sya pero medyo fierce ang itsura nya, hindi ganung kahaba ang buhok nya mga hanggang balikat kang, medyo maputi din sya at kasing tangkad ko para syang athletic tignan,

Grabe ang ganda nila parehas, nahiya tuloy ako sa sarili ko, tapos ganto pa ang damit ko medyo medyo gusot! Mga artista ba ang mga to? At ang kikinis ng mukha? Bat di ko sila kilala?

"Huh? Oo ako nga! Kilala nyo ako?"

"Actually kanina kalang namin nakita nung nagpakilala ka sa room natin?" Sabi nung mahaba ang buhok

"Huh so ibig sabihin..."

"Oo classmate mo kami, sigurosa dami natin kanina sa room di mo na kami napansin" sabi naman nung isa

"Ah ganun ba sorry talaga ah hindi ko kayo napansin"

"No that's ok we understand naman, by the way I'm Lovely Grace Della Fuente pero Lovely nalang for short" sabi nung mahaba ang buhok "at sya naman si Alexa Nicole Buenaventura" turo nya dun sa maikli ang buhok

"Jane Marie Malabanan naman full name ko, nice meeting you Lovely at Alexa"

"No! Just call me Alex" sabi nya

"Ah sorry!" Sabi ko naman

"Anu kaba Jane that's ok medyo may pagkatomboy talaga yan kaya Alex nalang tawag mo dyan"

"Lovely?" Sigaw ni Alex sabay siko sa kanya "wag kang maniwala dyan sira ulo nyan"

"I think wala kapang kilala dito right?" Sabi ni Lovely at tumango lang ako "good" sabi nya sabay ngiti "pwede mo kaming maging kaibigan if you want" dugtong pa nya

"Talaga? Oo naman gustong gusto ko! Hirap kasi ng wala kilala dito eh"

"I know right! So ano tara na?" Sabi ni Lovely

"Saan?"

"Basta kami bahala sayo tara!" At naglakad na kami

Masarap kakwentuhan sina Lovely at Alex, si Lovely yung tipong babaeng babae, kinukwento nya sakin yung mga crush nya sa University yung mga sikat at gwapo daw at tuwing may makakasalubong kaming lalaki na gwapo lagi nya akong sinisiko at tinuturo yung lalaki at sasabihin na "gwapo nya no?" Sabay kikiligin

Si Alex naman yung babae na medyo mysterious, bihira lang sya magsalit, siguro mas listener sya bilang isang kaibigan, pero minsan pinagsasabihan nya si Lovely na wag masyang malandi haha para syang older sister ni Lovely kung mapapansin mo, pag sya naman kausap mo medyo pang seryoso naman, tinuturo naman nya sakin sino yung nga dapat kong iwasan dahil mga nakabugbugan na daw nya, parang medyo paaway syang tignan base sa kwento nya! Napapaisip tuloy ako kung tomboy nga talaga sya katulad ng sabi ni Lovely haha

Be my Girlfriend for 100 DaysWhere stories live. Discover now