Chapter 8: Punishment.

233 17 3
                                    

Break time na, palabas na sana kami nina Lovely at Alex ng room ng biglang pumasok si Mark,

"Oh Mark anung ginagawa mo dito?" Tanung ko sa kanya

"Sumama ka sakin" at bigla nyang hinawakan ang kamay ko "teka Mark san mo ako dadalhin?" Tanung ko sa kanya pero di naman sya nasagot,

Hanggang sa nakarating kami sa rooftop, pag bukas ng ng pinto sinandal nya ako sa pader,

"Tela Mark may problema ba?" Tanung ko,

"Alam mo ba kung gaano ako pinagsabihan ng coach namin at sinisisi nila ako kung bakit kami natalo sa championship" sabi nya sakin

"Oh eh anung kasalanan ko dun kasali ba ako sa team nyo hindi naman diba?"

"Ikaw hindi pero ako oo"

"Yun naman pala edi kasalanan mo pala ako kinalaman ko dyan"

"Tanga kaba talaga o talaga slow kalang?"

"Alam mo daretsohin mo na kasi"

"Kita mo to?" Turo nya sa balikat nya, "dahil sayo kung bakit ako nabalian, dahil sayo kung bakit ako hindi nakapaglaro, at dahil hindi ako nakapaglaro natalo kami ngayun gets mo na?"

"Gets ko naman pero kelangan ba sisisihan mo talaga ako sa nangyare? Nagsorry na ako diba? Gusto ko naman bumawi kaso di alam paano, di ko naman sinasadya eh" at may luhang tumulo sa mata ko

"Ok sorry pasensya na, alam ko naman di mo ginusto lahat ng pangyayare, at hindi tama na isisi ko sayo lahat" sabi nya habang pinupunasan nya yung luha ko,

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko sa sinabi at sa ginawa na hanggang sa bigla nyang nilagay ang dalawang kamay sa kanan ng mukha ko ang isa at ang isa ay sa kaliwa at nakaharap sya sakin medyo malapit yung mukha namin sa isa't isa

"But I badly need you Jane para maging maayos ako sa coach ko at sa team ko, diba gusto mong bumawi eto na yung pagkakataon mo para bumawi, ano game ka?"

"Huh? Teka anong gagawin ko?"

"Basta sakyan mo lang lahat ng sasabihin at gagawin ko" sabi nya sabay kindat "ano ready kana?" Sabi nya

"Huh? Ewan"

"Ok na yan tara!" Sabi nya sabay higit sakin, ano naman kayang nasa utak netong taong to, kinakabahan ako eh,

End of Jane's POV

Mark's POV

"Lo, meet my girlfriend Jane!" Sabi ko

Andito kami sa office ni Lolo, eto nalang naisip ko para ma good shot ako sa team at kay coach, pag di ko to ginawa baka di na nila ako tanggapin sa team, malaking kakahihiyan kasi yung pagkatalo namin dahil ngayun nalang ulit kami natalo at isa ako sa sinisisi nila,

"Si Jane? Paano?" Tanung nya samin,

"Lo, oo alam ko hindi naging maayos yung una namin pagkikita ni Jane pero tinamaan talaga ako sa kanya, kakaiba kasi sya Lolo sa ibang babae, sa kanya ko nakita lahat ng hinahanap ko, kaya tinaya ko yung buhay ko lara maligtas sya nung muntik na syang mabangga kaya di ako nakapaglaro dahil hanggang ngayun nasakit pa ang balikat ko"

At nagpatuloy lang pakikipagusap namin, sya na daw bahala makipagusap kay coach, sa ngayun kelangan ko muna magpaliwanag sa babaeng to dahil kanina pa syang nanginginig sa kaba

Andito kami ngayun sa isang tago na tambayan namin nakaupo lang kami parehas at tahimik,

"Ok kalang ba?" Tanung ko sa kanya, pero di sya kumikibo "uy Jane ano na?"

"Bakit Mark?" Sabi nya sakin

"Huh? Anung bakit?"

"ANONG PINAGSASABI MO KANINA HUH? BAKIT MO SINABING GIRLFRIEND MO AKO HA? ALAM MO KUNG BALAK MO PALA AKONG GIRLFRIENDEN DAPAT NILIGAWAN MO MUNA AKO DI YUNG BINIBIGLA MO AKO, PURO SARILI MO LANG INIISIP PAANO AKO PANO NAMAN YUNG NARARAMDAMAN KO?" Sunod sunod na sabi nya

"Wag kang OA ha? Pakulo ko lang to! Di kita balak girlfrienden ok? Diba sabi mo gusto mong bumawi eto na oh binibigyan kita ng chance para bumawi!"

"Mark bakit eto? Anung bang mapapala mo dito?"

"Basta Jane ganito muna tayo ok? Ako bahala sayo basta atin atin nalang muna to, di pwede may makaalam na nagpapanggap lang tayo, 100 days lang Jane after nun wala na kelangan ko lang talaga to!"

"Mark kinakabahan ako, paano pag nalaman ng Lolo mo na nagpapanggap lang tayo tapos baka mawalan pa ako ng scholarship paano na pagaaral ko?"

"Jane don't worry" sabay hawak sa kamay nya, nanginginig na sya sa kaba ramda ko "ako bahala sayo ok? Hindi kita pababayaan basta magtiwala kalang ok?" At umalis na kami at hinatid ko na sya sa room nila

Habang naglalakad kami expected ko na na magiging ganito ang sitwasyon, madami titingin samin at magbubulungan, well sanay na naman ako pero yung kasama di ata sanay, dati pag ganan sila sakin wala na akong paki sa sinasabi nila dahil paniguro pinupuri lang nila ako pero ngayun alam ko ng may negative na lumabas sa bibig nila kaya di ako mapakali,

Ayoko ng ganitong sitwasyon para sa kanya dahil alam ko wala syang kasalanan pero wala naman akong magagawa eh, basta katulad ng sabi ko sa kanya, ako ang bahala!

Hinatid ko na sya at ako naman ay pumunta sa room namin kahit di ko sya kasama kami parin ang topic ng lahat! Ang bilis talaga kumalat dito ng chismis haaaaay!

............

PLEASE VOTE & COMMENT GUYS!!

FOLLOW NYO NA DIN AKO HAHA

SALAMAT ^_^

Be my Girlfriend for 100 DaysWhere stories live. Discover now