Chapter 1: First Encounter.

3.8K 49 12
                                    

JANE 's POV

"Jane gising na anung oras na, male-late kana nyan"

haaaay ang mama ko parang manok ang ingay lagi sa umaga -.- antok na antok pa ako eh, paano anung oras na ako nakatulog kagabi, inaayos ko pa kasi tong kwarto ko bagong lipat kasi

"Andyan na po bababa na po" sigaw ko kay mama

Asan ba cellphone ko? Antok pa talaga ako, anu oras naba? Baka pwede pa ako nyan matulog kahit 10 minutes

Pagkakuha ko ng cellphone tingin agad sa oras!

"GOOOSHHH LATE NA AKO" sigaw ko at biglang bangon at dali-dali na akong bumaba para maligo

Mamaya na ako magkukuskos ng mabuti haha late na eh wala ng magagawa -.-'

After kong maligo kinuha ko na agad ang uniform ko sa cabinet at madaling nagbihis, anu ba yan 1st day na 1st day late ako,

Pag baba ko nagpaaalm agad ako kena mama at papa

"Oh anak bakit ganan uniform mo gusot gusot na?"

"Sorry ma nagmamadali kasi ako magbihis eh late na ako"

"Yan na nga ba ang sinasabi ko sya bilisan mo na at kumain kana dito"

"Ma hindi na aalis na ako babye"

At lumabas na ako ng bahay, pagminamalas ka nga naman haaaaays!

Buti malang at malapit lang naman ang University dito sa bahay namin, kaya di na kelangan mag sakay lakad lakad nalang!

Tatawid na sana ako ng kalsada ng biglang

BEEEEEEEP

Bigla nalang akong napapikit at naistatwa sa kinatatayuan ko! Pag mulat ko ng mata, nakita ko ang magarang kitse na nakatigil sa harap ko.

Grabe tong lalaki nato, balak ba pumatay ng tao ang taong to? Pwes nagkakamali sya ng biktima!

"Hoy ikaw, hindi kaba marunong mag-maneho? Bumaba ka dyan!" Duro ko sa kaniya

Yan na medyo HOT na ako neto, umagang umaga ooooh pinapainut ulo ko, magbiro kana sa lasing wag lang sa babaeng di nag-agahan!

Bumaba yung lalaki sa kotse nya, di halos kasing-edad ko lang sya

"Miss, anu bang problema mo?"

"ikaw pa talaga ang may ganang magalit sakin? Hoy!" Sabay duro sa kanya "Hindi porket mamahalin ang kotse mo ay pwede kanang maghari-harian dito sa kalsada!" Sumbat ko sa kanya

pero infairness may itsura tong ugok na to, matangkad din tapos matangos ang ilong, at ang mata may pagkachinito

Pero teka Jane wag ka munang lumandi dyan, baka nakakalimutan mo muntik kana mapatay ng taong yan

Hindi sya nagsasalita at binigyan nya ako are-serious? Look, aba at wala ata talagang balak humingi to ng sorry no?

"Magsalita ka! Hindi kaba tinuruan ng magulang mo na humingi sorry?" Sumbat ko sa kanya at medyo lumapit na ako sa kanya, baka kasi bingi tong ugok na to

"Ikaw hindi kaba tinuruan ng magulang mo na tumingin muna sa daan bago tumawid?"

Teka ano daw? Ako pa ang tinuruan at pinagsabi, hindi porket pogi ka akala mo papalampasin mo to?

Be my Girlfriend for 100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon