Chapter Seventeen

Mulai dari awal
                                    

"Baby pagod na si mommy" Bulong ko sabay himas sa tyan ko may bigla namang humintong babae sa tapat ko.

"Hoy babae! ang ganda ganda mo nakaupo ka sa daan!" Sabi nito ng nakapameywang pa kaya napatayo ako at yumuko.

"Bakit kaba nandyan?" Tanong nito saakin.

"E kasi wala akong pamasahe maghahanap sana ako ng trabaho" paliwanag ko naman dito.Agad itong may kinuha sa bag nya 2 Card.

"Oh iyan puntahan mo yan naghahanap yan ng pwedeng magtrabaho sa kanila atsaka eto pa oh!" Sabi nito atsaka binigyan ako ng 200 pesos

"Naku! wag na nakakahiya" Tanggi ko sa pera pero Tinakbuhan lang ako nito kaya wala na akong nagawa kundi ang pumara ng tricycle atsaka binigay sakanya ang isang card ibinaba ako nito sa isang restaurant.Agad akong lumapit sa guard.Pero may nahanap na daw sila kaya malungkot akong umalis duon agad naman akong sumakay uli at ibinigay ang isa pang card ibinaba naman ako nito sa isang bar! Teka bar?!

"Anong kailangan nyo ma'am?" Ayy kabayo! Nagulat naman ako sa Biglang tanong saakin ng bantay nato.

"A mag a-apply sana ako" Lakas loob kong sabi para to saamin ng anak ko.

"Pasok po kayo sa loob tapos akyat kayo sa may hagdan sa gilid tapos pasok po kayo sa may office" Sabi nito saakin kaya sinunod ko,agad akong pumasok sa loob at agad kong naamoy ang naghalong usok at alak sa loob nito at ang ingay na nanggagaling sa dance floor agad ko naman tinakpan ang ilong ko at umakyat na sa taas at pumasok sa sinabing office.

"SINO KA!?" gulat na sabi ng isang lalake na may kahalikang babae.

"A e mag a-apply po" Sabi ko at inabot ang form ko.

"TSS.sige babe labas ka muna may aasikasuhin lang ako" sabi naman ng lalake kaya sumunod agad ang babae ng makalabas na ito binuksan nito ang form ko.

"Ikaw si vanessa fajardo?" Tanong nito obvious ba? Haha.

"Opo sir" Sagot ko nalang gusto kong sabihin na ALLEJE po ako pero di ko magawa.

"Aa maganda ka sexy pa ayos yan sige your hired pwede ka nang mag simula bukas" Sabi nito kaya agad akong napangiti at napalapit sakanya at niyakap sya.

"Hey! Hey! chansing ka!" Sabi nito atsaka ako tinulak ng mahina.

"Sorry po sir,Salamat din" Sabi ko at masayang lumabas ng bar.

Agad naman akong sumakay ng jeep pauwi.

Saktong 7:30 naman ako nakauwi ng bahay wala si travis duon malamang ay nasa trabaho pa yun Agad na akong umakyat ng maalala kong hindi pa ako kumakain kaya kumuha ako ng jeacket at lumabas muna uli ako pumunta ako sa isang tindahan para bumili ng skyflakes 3 Nang makarating na ako sa gate ng bahay namin nakalock na ito teka!? 8:20 na?! Sh*t At dahil wala naman akong magagawa umupo ako sa gilid ng gate at umiiyak na kumain ng pagkain ko.

Wife's Cry (Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang