Chapter Four

19.4K 337 3
                                    

"Teka! Si xander nakabuntis?! Are you kidding me?" Gulat na gulat kong tanong sakanya kilala ko si xander babaero ito pero hindi to mambubuntis ng ganon ganon lang.

"Oo buntis sya kaya nga sya aalis ng bansa ee para mapalaki ang anak nya! O kailangan ko pang sabihin na anak nila!" Halata sa boses nya ang galit.

"Alam ba ni xander ang tungkol dito?" Tanong ko sakanya.

"Hindi,ayaw nyang sabihin kay xander,dahil alam nya naman daw na hindi matatanggap ng walanghiya mong kaibigan!" Paliwanag nito sa matigas na tono.

"Bakit hindi nyo i try? Malay nyo naman matanggap nya diba?" Sabi ko naman sakanya pero tumingin lang sakin to.

"Wag na sabi nga ni ashley kaya nyang buhayin ang anak nya! Hindi nya kailangan si xander! Gusto nyang marealize ng hayop na yun ang pagkakamali nya balang araw!" Galit na sabi nito sakin.

"Pero kailangan malaman to ni xander!" Pag pilit ko uli pero nag banta na ito.

"Dont you ever do that!" Sabi nito atsaka umalis,at eto nanaman po ako nilayasan.Mas mabuti siguro tawagan ko yung loko kong kaibigan.

"Oh kailangan mo?" Sagot sakin ni xander the great sa kabilang linya.

"May gagawin kaba? Gusto sana kitang kausapin ee? punta ako sa office mo." Sabi ko naman at i-end call ko na.

******************************

AT MONTEFALCON COMPANY

Papasok na sana ako sa pinto ng office nya ng harangan ako ng secretary nya.

"Mr.Fuentabella,May naka assign po bang schedule nyo?" Tanong nito sakin.

"Wala" sabi ko lang atsaka dinaanan sya at pumasok na sa opisina ng magaling kong kaibigan.

Nakita ko itong prenteng nakaupo at nag tytype sa laptop nya,napansin nya naman ata presensya ko kaya tumayo sya at lalapit sakin ng biglang uminit ang ulo ko dahil sa nalaman ko kanina kaya naman nasuntok ko ito dahilan para tumumba sya.

"Fvck! Para saan yun?" Sabi naman nito at hinawakan ang gilid ng labi nya na dumudugo,Gusto kong sabihin sakanya yung nabuntis nya kaso naalala ko yung sinabi ng kaibigan ni vanessa.

"Wala namiss lang kita" Sabi ko nalang atsaka umupo.

"Tangna pare ganyan ka pala makamiss?" Gulat na sabi nito habang pinupunasan ang gilid ng labi nya,atsaka umupo sa upuan nya.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon