Chapter Thirteen

20.3K 261 2
                                    

RIECA POV

Andito ako ngayon sa labas ng rest house inaantay si anica ayoko naman kasi sa loob mag intay baka kasi makita ko nanaman sya small world talaga! -.- Hayys!! Sa tagal ng panahon bakit kailangan ngayon ko pa sya makita! kung kailan naman naka-move on na ako.

"Rieca?" Rinig kong tawag sa pangalan ko kaya agad akong lumingon pero sana nga hindi nalang ako lumingon,Ayoko syang makita ayoko!! ayoko!! Agad naman akong tumalikod at lumakad ng mabilis pero agad nya din akong nahigit sa braso.

"Let's Talk" Sabi nito saakin pero tinanggal ko lang ang pagkakahawak nya sa braso ko.

"Wala na tayong pag-uusapan at mas lalong wala na tayong dapat pag usapan pa" sabi ko ng mahinahon pero may galit sa tono.

"Galit kaba saakin?" Tanong nito saakin,Talaga bang nakakaloko sya?!

"Hindi" Matigas kong sabi sakanya,Aalis na sana ako pero bigla nya akong hinila at niyakap agad naman akong napasubsob sa dibdib nya.

"Sorry rieca" Rinig kong sabi nito,Ramdam ko rin ang pag amoy nya sa buhok ko.Agad ko naman syang tinulak hindi naman kalakasan yung tama lang para magkalayo kami.

"Tama na sean!" Sabi ko sakanya gamit ang medyo mataas na tono.

"Gusto ko lang sana na-" Hindi ko na sya pinatapos pa tama na yung sakit na dinulot nya sakin dati tama na ayoko na!

"TAMA NA!!!" Sigaw ko sakanya atsaka tumakbo na papasok sa rest house nabunggo ko pa si xander pero hindi ko iyon pinansin pa at pumasok na sa kwarto namin ni anica.

Agad akong humiga sa kama at dumapa atsaka nag pakawala ng mga luhang kanina pa gustong lunabas.

Bakit??

Bakit ngayon pa??

Kung kelan...

Handa na akong kalimutan ang lahat......

******************************
VANESSA POV

Nagising ako sa sikat ng araw na nang gagaling sa kwarto,Agad kong nilibot ang paningin ko sa kabuuan nito ng mahagip ng mga mata ko si travis na mahimbing na natutulog sa tabi ko dahilan para mapabangon ako bigla....

Naalala ko nanaman yung nangyare......

iiwan nya ako........

Natatakot ako..........

Ayokong mawala sya sakin..........

"Oh? Gising kana pala" Nagulat ako sa biglang pag sasalita ni travis,Gising na pala sya.

"tra-travis?" Naiiyak kong tawag sa pangalan nya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nito saakin agad nya naman inangat ang kamay nya napapikit ako bigla sasampalin nya nanaman ba ako? Sasaktan nya nanaman ako? pero napadilat ako bigla ng maramdaman kong pinunasan nya ang mga luhang umaagos sa pisngi ko.

"Wag kang umiyak makakasama sa baby yan" Sabi nito na ikinagulat ko baby? anong baby?

"Baby? A-anong baby?" tanong ko sakanya na nagtataka.

"Buntis ka vanessa" Sagot naman nito saakin? ano? ako? buntis?

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon