Chapter Five

19.6K 324 13
                                    

Pagkasampal ko sakanya nun agad na nanginig ang kaliwang kamay ko na siyang lumapat sa mga pisnge nito.

“SH*T BAKIT MO GINAWA YUN!" galit na galit na sabi nito atsaka ako hinawakan sa braso ng madiin at kinaladkad papasok sa kwarto ko.

Agad ko naman hinila ang kamay ko dito atsaka siya hinarap.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sayo? Bakit mo ginagawa ang lahat ng to travis? Alam mo bang ang sakit sakit? Asawa mo ako travis paano mo nagagawa to? Hindi ba pagtatak-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang dumapo ang kamay nya sa pisngi ko.

"WAG NA WAG MONG MATAWAG TAWAG NA ASAWA KO ANG SARILI MO! DAHIL ASAWA LANG KITA SA PAPEL TANDAAN MO YAN!" Gigil na sabi nito saakin bago tumulo ang mga luha ko.

"Travis lahat na ng pagmamahal ko binigay ko sayo,halos wala na ngang natira sa saril-" hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko dahil sumigaw ito na dahilan para mapapikit ako.

"HINDI KO KAILANGAN NG LINTEK NA PAG MAMAHAL MO SAYO NAYAN!" Galit na galit na sabi nya sakin.

"Ano bang gusto mong gawin ko? Lahat gagawin ko travis" pagmamaka awa ko sakanya pero hindi ito sumagot kaya naman nanlumo ako siguro nga kahit anong gawin ko hindi nya ako mamahalin.

"Si...si...sabrina,si sabrina ang kailangan ko" malungkot na sabi nito at nakatingin sa kawalan.Kitang kita ko sa mga mata nito ang sakit at ang lungkot.

"Andito ako travis bakit si sabrina parin! Andito ako oh?!" Turo ko sa sarili ko at mangiyak ngiyak na,Desperada na kung desperada wala akong pakealam kahit ilang ulit o ilang beses ko pang ipagsiksikan ang sarili ko sakanya.

"I DONT NEED YOU!,SI SABRINA LANG ANG KAILANGAN KO! SYA LANG! ALAM MO BA KUNG BAKIT AYOKO SAYO!? KASI HINDI KA SI SABRINA! AT KAHIT KAILAN HINDI MAGIGING IKAW SI SABRINA!" Pagkasabi nya nun padabog nya akong tinulak sa paanan ng kama dahilan para mapaupo ako dun,at pagkatapos umalis na sya sa kwarto ko.

Si sabrina nalang ba lagi? Paano naman ako? Nagmahal lang naman ako e! Gusto ko lang naman maranasan na mahalin ng isang travis alleje pero hindi na ata nangyayare yun.

At dahil sa kakaisip ko ng kung ano-ano hindi ko man lang naramdaman na nakatulog na pala ako.

6:00 am bumangon na ako kahit masakit ang katawan ko kailangan ko pa kasing ipag luto ang asawa ko ng pagkain nya dahil papasok pa ito sa trabaho,Pumunta na ako sa kusina at nagluto ng ham,bacon,hotdog and fried rice.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon