Chapter Sixteen

18.8K 242 5
                                    

VANESSA POV

Nasa tabi ako ngayon ng asawa ko hinihintay kong mag ka roon na sya ng malay.Gusto kong sa pamulat ng mga mata nya ako agad ang makikita nya.

Habang tinitignan ko ang mukha ng asawa kong mahimbing na natutulog napansin kong nag vi-vibrate ang cellphone ko,Agad ko itong kinuha sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag ng makita ko ang pangalan ng kaibigan ko agad ko na itong sinagot.

"Hello anica ayos kana ba?" Tanong ko agad sa kabilang linya.

"Oo vanessa ayos na ako,Ikaw ba ayos ka lang? nalaman ko ang nangyare kay travis ayos na ba ang asawa mo?" Nag aalalang tanong nito saakin.

"Oo ayos na sya,Hinihintay nalang namin na mag kamalay sya" Paliwanag ko dito,Napansin ko naman na hindi na ito nagsalita.

"Hello May problema ba anica?" Tanong ko dito pero mabigat na pag hinga lang ang sinagot nya sakin.

"Anong problema?" Muling tanong ko dito ng hindi parin sya sumasagot nag aalala ako para dito.

"Umalis na si axel kanina lang,Hindi ko sya naabutan nabasa ko lang yung sulat na iniwan nya sa kusina,Vanessa? Galit kaba sakanya?" Kwento nito saakin at tanong.Oo galit nga ako kay axel dahil kung hindi dahil sakanya hindi mag kakaganito ang asawa ko.

"Oo galit ako sakanya,Kung hindi dahil sakanya wala kami sa hospital ngayon!" Matigas kong sabi sakanya

"Pero vanessa,Hindi mo naman nakita ang nangyare malay m-" Hindi ko na sya pinatapos pa dahil pinutol ko na ang tawag.

Bakit kailangan nya pang ipagtanggol ang lalake na yun? Mas paniniwalaan nya pa ba yun kesa saakin?

Naputol ang pag iisip ko ng biglang gumalaw ang hawak kong kamay ni travis agad akong napahawak dito ng madiin at hinintay na bumukas ang mga mata nya.

"Travis?" Tawag ko sakanya,Agad naman dumilat ang mga mata nya napangiti ako ng makitang gising na sya.

"Salamat gumising kana" Sabi ko dito dahilan para tumingin sya sakin pero napansin kong kumunot ang noo nito at nag iba ang timpla ng itsura saka tumingin sa tiyan ko.

"Salamat? Sana nga hindi nalang ako nagising" Hirap na sabi nito,Ano daw? Sana hindi nalang sya nagising? e kung nangyare yun ano nang mangyayare saakin? Sa baby namin?

"Ano bang pinag-sasabi mo? Wag ka ngang magbiro ng ganyan" Seryoso kong sabi sakanya pero umiwas lang sya ng tingin, maya-maya lang muli uli humarap sa akin.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon