Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ama ng anak mo? Mahal ako? bakit hindi mo hanapin si axel? Na mahal na mahal ka na hanggang ngayon e hindi parin nagpapakita? Natatakot na ata e na malaman ang katarantaduhang ginawa Nyo!" Sigaw nito saakin,Gusto kong magalit pero wag muna ngayon masama ang pakiramdam ko at isa pa baka makasama sa baby ko tinalikuran ko nalang sya at umakyat na kasama ng dala kong mangga.

"Tapos ngayon tatalikuran mo ako?!Gusto ko lang malaman mo na may mga rules ako dito!" Sigaw pa nito kaya humarap uli ako sakanya.

"Ano yun?" Simpleng tanong ko, handa naman ako sa mga magiging rules nya wag lang akong umalis sa bahay nato.

"Papayag akong tumira ka dito kasama nyang anak mo! Pero bilang isang katulong! mag lilinis ka dito! tapos Kung gusto mong makakain ka at mabuhay dito sa bahay na to! Humanap ka ng trabaho! Pero 8:00 pm nandito kana! kung ayaw mong duon matulog sa labas!" Paliwanag nito saakin agad naman akong tumango sakanya.

"Sige pero gusto ko lang ulitin sayo anak mo to travis sana balang araw mag karoon ka naman ng tiwala saakin at tanggapin mona ang anak natin" Sabi ko at tuluyan ng umakyat at pumasok sa kwarto ko at humiga heto nanaman ang luha ko nag uunahang maglabasan bakit ganon? ayaw nyang tanggaping anak nya to?! at pinagpipilitang sa iba?! ang sakit sakit na pero hindi ko sya magawang iwan dahil mahal ko sya.At dahil sa pag iyak at sa pagod ko nakatulog na ako.

Nagising ako,May liwanag na sa labas naalala ko ang sinabi nya,Kung gusto ko mabuhay sa bahay na to mag hanap ako ng trabaho agad ko naman tinignan ang orasan 11:59 na pala tinanghali na ako ng gising agad akong pumasok sa banyo at ginawa na ang dapat kong gawin pagkatapos nun nagbihis ako ng simpleng Floral dress na hanggang tuhod ko kasya pa naman saakin ang mga damit ko dahil hindi naman ganon kalaki ang tyan ko minsan nga hindi nila nahahalata na buntis ako.

Agad na akong bumaba nakita ko si travis na nanunuod ng tv sa sala agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng baso. kumuha ako ng tubig sa gripo at uminom nakita ko naman na ang daming hugasin kaya tinapos ko na muna iyong hugasan bago lumapit kay travis.

"Aalis lang ako" Paalam ko dito.

"Oh? Gagawin ko? Edi umalis ka mas maganda wag ka nang umuwi!" Sabi nito pero hindi ko nalang pinansin.

"Babalik ako bago mag 8" Sabi ko at lumabas na ng bahay at dahil nga wala akong pera naglakad ako teka! ang layo ng lalakarin ko sh*t malayo na ang nalakad ko pero malayo pa dito ang pupuntahan ko umupo muna ako tabi ng daan para magpahinga.

Wife's Cry (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon