Chapter 24 - Real love(August 05, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinutukoy nito ay sila Harley at Kent.

"Ano? Kanina ka pa salita ng salita dyan ng kung anu-ano?"

"Wala" -_- "Sinabi mo na ba kay Kent na mahal mo siya?"

"HA?! Di  ko pa siya mahal!"

"Mahal mo siya girl, kaya nga super hurt ka eh. Feeling ko dati mo pa siya mahal. Hindi mo lang alam sa sarili mo."

"Di ko alam. Naguguluhan kasi ako sa kanya. Lalo pa kanina nabadtrip ako kasi akala ko sweet, yun pala umaarte lang"

"Payo ko lang girl, sabihin mo ang tunay na feelings mo, kasi kawawa naman si Harley"

"Bakit si Harley?"

"Kasi sa mga nakwento mo, napaka-ideal ng isang Harley Villaluz. Kinikilig nga ako eh. Pero...."

"Pero ano?"

"Feeling ko din, mahal ka na ni Kent."

Bumilis ang tibok ng puso ni Phoebe.

"Bakit naman? Ang galing mo naman manghula leshe.. haha" Nagjoke pa siya dito

"Basta... masungit siya oo, sinigawan niya pa nga ako kanina eh. Pero there's something eh"

"Umaarte lang yun, artista eh." Sabi naman ni Phoebe.

"Ewan ko sayo girl! Basta aminin mo na"

"Inamin ko nang nagseselos ako"

"OHHHHH????!!!" Sobrang reaksyon ni Jhone kahit kailan na napatingin yung ibang tao.

"Eh anong nangyari?" dugtong nito

"Eto!" pinakita ni Phoebe ang hickey niya sa leeg.

"Oh my... love bite???" bulong nito\

"Di ko alam kung umaarte lang siya nun. Naguguluhan na ako."

"Puro ka naman umaarte, umaarte eh, eh pano kung totoo naman pala."

"Hindi ko na nga alam kung anong totoo kay Kent at kung ano ang arte lang"

"Eh di itanong mo, bopols ka forever girl."

Ngumiti na lang si Phoebe.

Nang natapos magpachek-up si Phoebe, nakitang marami-rami din siyang sugat.

"Ang taray teh! Parang biktimi ka lang talaga ng stampede." Biro ni Jhone

"Eh para naman talagang stampede yung kanina."

"Sige tara hatid na nga kita sa inyo."

"Iniwan kasi ako ni Kent, sorry ha!"

"Nagtampo pa kay Kent, nageffort nga siyang tawagan ako kanina eh. Paki-balik na lang sa akin yung mga pinahiram ko sa kanya ha, shades at jacket lang naman ni kuya yun."

"Wow, pinagtatanggol mo na si Kent ah!"

"Di naman sis, basta girl, tanungin mo na siya, either kasi umaarte lang siya or mahal ka na din niya! Pero hwag mong isnob-in sa Harley ha!"

"Ay ganun? Ang gulo mo ha!"

"Ang haba kasi ng hair mo friend. Kung ako lang yan, hello!!!! Dalawa kang artista yun, super fafa na, hawt pa!"

"Ewan Jhone."

Pagpasok ni Phoebe ng village, nagulat ang guard sa kanya.

"Uy Phoebe, nangyari sayo?

"Wala to, nadapa lang."' pagdadahilan niya.

Eh bakit kayo magkaholding hands ni sir kent kanina? Girlfriend ka na ba niya?" may pagka-using tanong nito. Nakita kasi nito ang paglabas nila kanina na magkahawak ang kamay.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon