Chapter 28

1.7K 51 0
                                    

Mika's POV

Pagkatanggal ko sa piring sa mata ko ay nagulat ako sa nakita ko. Well, more of namangha. Ang ganda. May red carpet papunta sa dun sa may nakaset na table for two. Tapos dun sa may red carpet puro petals ng rose na white at red. May mga nasa gilid din na mga candles.. Though hindi masyadong malinaw sa akin kung ano yung arrangement dun sa may table for two kasi hindi ko suot yung contacts ko, feeling ko maganda din yung arrangement.

Lumakad na ako dun sa may red carpet. Sakto namang pagtapak ko sa red carpet ay tumugtog yung music. Thousand years yata yun.. Tama... Yun nga yun.

Habang naglalakad ako.. May mga nasa gilid na nakalagay na parang poste at may mga nakasulat. Binasa ko yun isa isa.

Kung nakakamatay ang pagtingin ko sayo.. Malamang patay ka na.. Pero okay lang at least pareho tayo, Patay na rin naman ako.. Patay na patay sayo..

Hindi tayo tao.. hindi tayo hayop...Bagay tayo..

Bakit parang bumibilog ka yata.. At unti unting nagiging mundo ko.

Habang binabasa ko ito ay napapangiti ako.. Isa lang naman yung kilala ko na bumabanat nang ganyan kacorny eh.. Tinuloy ko na yung paglalakad at pagbabasa ko.

Corny na ba? Pasensya ka na ha..wag kang mag-alala last ko na yun.. Parang ikaw.. Last ko na.. ;)

Hahaha.. Infairness.. Kahit corny ay napapatawa niya ako.. Pagnakita ko talaga yung may pakana nito.. Lagot yun sakin.

Sa sobrang enjoy ko sa pagbabasa hindi ko naman namalayan na nandito na ako sa dulo.

Pagdating ko dito ay lalo akong namangha. Ang ganda nung pagkakaarrange nung table.. Tapos may pictures na nagflash sa screen. Mga pictures namin ni daks to ah.. Hindi nga ako nagkamali.. Siya nga yung may pakana nito. Pero bakit?

Nakatitig lang ako sa mga pictures namin na nagflash sa screen. Hindi ko maiwasang mapangiti..

"Ang sarap tignan no.. ang sarap balik balikan.." tumingin naman ako dun sa nagsasalita.. Si Vic pala.. Ang gwapo talaga niya.

"Oo nga eh.." sagot ko sa kanya.

"Upo ka ye.." inalalayan niya naman ako sa pagupo..

"Thanks.." sabi ko.. umupo na rin si Vic.. tapos ay nagsnap siya ng finger at dumating yung mga waiter at sinerve yung pagkain namin..

"Woooow... favorite ko lahat to ah.."  sabi ko nung makita ko yung pagkain.

"Syempre.. gusto ko kasi maenjoy mo yung dinner eh.." sabi niya sakin.

"Kahit wala namang ganito Vic eh... basta kasama kita.. nag eenjoy ako.." sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? Eh di sige.. paalis na natin to.." sabi niya sakin.

"Teka.. bakit mo ipapaalis.. sayang naman.." sabi ko..

"Eh sabi mo, kahit wala nito mageenjoy ka naman.." sabi niya sa akin..

"Ikaw naman... masyado kang ano... syempre mageenjoy din ako lalo na pag may ganito... Tsaka sayang naman tong hinanda mo kung di natin susulitin.." sabi ko sa kanya.

"Haha.. nagbibiro lang naman ako.. ikaw talaga..sige.. kain na tayo.." sabi ni Vic. Nagsimula naman na kaming kumain.

"Vic.. pano mo pala nagawa ito?" Tanong ko sa kanya.

"Alin?" Tanong niya rin sakin.

"Ito.. paano mo ito naihanda? Eh, buong araw tayong magkasama ngayon tsaka nung mga nakaraang araw.." sagot ko sa kanya.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon