Chapter 19

2K 66 2
                                    

Mika's POV

Yes! Panalo kami.. ibig sabihin pwede na! Pwede na kami ulet maging kaibigan ni Vic! Pero teka.. Pano ko nga ba sya kakausapin? Pano ko sasabihin na friends na kami ulet.. Alam ko na.. Paano kung ganito.. Naks, MVP.. Congrats Vic..! Pwede bang makipagkaibigan sa MVP?... pangit.. parang wala namang dating yung ganun.. eh kung, Hi Miss, nawawala kasi yung best friend ko.. eh sabi nila, sundin ko daw yung puso ko at dadalin niya daw ako kung nasaan yung hinahanap ko... dito kasi niya ko dinala sayo.. ibig sabihin ba nun ikaw yung hinahanap ko?... Ang corny naman nun ye.. Natigil yung pagiisip ko ng may biglang tumawag sakin..

"Ye, nasa labas yung family mo.." sabi niya.. Si Vic pala...Ano ba yan.. kanina nasa isip lang kita ngayon nasa harap na kita.. haha

"Ganun ba? Sige labas muna ko.. Thanks Vic..!" Sagot ko naman sabay binigyan ko siya ng matamis na ngiti..

Lumabas na ko ng dugout at pinuntahan sina Mama..

"Congrats Ye! Galing mo kanina ah.. Beast mode kung Beast mode ah.." sabi naman ni Kuya Perry.

"Eh panong hindi magbibeast mode yang kapatid mo, eh higit pa sa championship game at school pride yung pinaglalaban niyan.." sabi naman ni papa. Nako mukhang magsisimula na naman itong dalawang to.. Mag ama nga sila.. hahaha

"Eh ano bang pinaglalaban niyan pa?" Tanong ni Kuya kay Papa.

"Eh ano pa, eh di pag-ibig.." sabi ni Papa.

"Naks, grabe talaga si Vic, hindi lang MVP sa volleyball.. MVP din sa puso ni Mika..hahahahah" sabi ni kuya..

"Mama oh.. si Kuya tsaka si Papa.." sabi ko naman.

"Tigilan niyo na si Mika...." sabi ni mama at dinilaan ko naman sila kuya at Papa.. "Congrats anak ha.. Proud kami sayo" sabi sakin ni mama.. at yumakap na ko sa kanya.

"Thanks ma! Basta ma.. yung gift ko ha?" Panlalambing ko naman..

"Anong regalo?" Sabi ni mama.

"Ma naman eh.." sabi ko kay mama.

"Oo na, oo na.. basta yung bilin ko anak ha.." sagot ni mama.

"Opo ma.. thank you.." sabi ko naman.

"Oh, mika.. ayan na pala yung regalo ay este yung teammates mo eh.." sabi naman ni Kuya.. tiningnan ko naman siya ng masama.. baka mamaya ibuking pa ako nito eh..

Lumabas na kasi ng dugout yung teammates ko pati yung coaching staff..

"Ma, sabay na ko sa kanila ha.. Kita na lang tayo victory dinner ng team.." sabi ko at umalis na kami.

Pumunta na kami kung saan yung victory dinner namin.. Ang galing nila Coach Ramil.. Nakapagready agad sila ng ganito.. talagang inanticipate nila na mananalo kami.. Buti na lang at nanalo kami kung hindi, sayang itong pinahanda ni Coach Ramil. During dinner ay di ko nagawang kausapin si Vic... Hindi kasi ako makahanap ng tyempo.. ang dami kasinb gustong kumausap sa kanya.. Tapos nung nagiisa na siya, bigla namang tumawag yung daddy niya, tapos sumunod yung mommy niya.. Wala pala dito ngayon sa Pinas yung family niya.. next next week pa yung dating.. kaya maliban samin.. walang ibang kasama si Vic na magcelebrate.. at dahil dyan.. may plano ako.. hahahaha

Natapos na yung dinner at napagdesisyunan namin na umuwi na.. Sa dorm pa rin naman kami uuwi kasi may pasok pa rin naman kami..

"Sa wakas.. tapos na yung season! More time with Mela my loves.." sabi ni Kim.

Nandito kami sa sala ngayon at nagkkwentuhan.. samantalang si Vic.. ayun, umakyat muna sa kwarto namin.. ang paalam niya ay may kakausapin lang daw siya..

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon