Chapter 20

2K 49 1
                                    

Ara's POV

Goooooooooooooood Mooooorrrniiing! May mas good pa ba sa umaga na ito? Hanggang ngayon eh hindi pa din ako makapaniwala.. okay na kami ni Mika.. Magkaibigan na ulit kami.  Dati iniimagine ko lang na magiging magkaibigan kami ulit, pero ngayon totoo na talaga.. and this time, siya yung gumawa ng paraan para maging friends ulit kami.. haay.. naalala ko tuloy yung unang araw ng pagbalik ko dito sa dorm.. pinipilit ko pa nun na ibalik yung friendship namin, ngayon kusa na niyang binalik.. Sobrang saya ko talaga ngayon...

Tinignan ko si Mika.. ayun ang himbing ng tulog.. Maaga pa naman kasi at excused pa rin naman kami sa klase namin today kaya kahit late na kami gumising ay okay lang... Lumapit ako kay Mika at hinalikan siya sa noo.

"Good morning daks! I promise to make this day extra special.. dahil first day ng friendship natin ulet..."

Bumaba na ako. Naisip ko kasing ipagluto si Mika ng breakfast.. Nagluto rin ako para sa team para naman wala silang masabi... wala pa rin nga pala silang alam tungkol sa pagbabati namin ni Mika.. hehe.. secret muna... gusto ko magulat na lang sila pag nakita nila kami ni yeye.. Natapos na akong magluto.. Wala pa ring gising.. Hinanda ko na yung breakfast ni Yeye at nilagay ito sa tray..

"Hmmmm.. parang may kulang ah... alam ko na.."

Kinuha ko yung phone ko at may tinawagan ako..

"Kuya JV... buti gising ka na.. may available na po ba? ....Yes po, yung tulad po ng dati... hindi po.. ako na po pupunta dyan.. sige po. Thank you.." 

Binaba ko na yung phone ko at dali dali akong pumunta kay Kuya JV... si kuya JV, yung may ari nung flowershop malapit dito sa school.. sa kanya ako bumibili madalas ng bulaklak para kay Mika.. hehehe... Nakarating na ko sa bahay ni kuya JV.. sarado pa kasi yung shop ng ganitong oras.. buti na lang at naging close kami nito kaya kahit di pa sila bukas ay nakakabili na ko, minsan nga nakakapagpadeliver pa ko.. Kinuha ko na yung white na longstem rose at saka tumkakbo pabalik sa dorm... Pagdating ko sa dorm ay wala pa ring gising..

"Buti na lang at wala pang gising, para wala na rin munang magtanong.. hehehe"

Umakyat na ko sa kwarto namin ni Mika at nilapag ko muna yung dala kong pagkain sa may side table.. nilagay ko na rin yung white roses sa tabi nung food.. Umupo ako sa may gilid ng kama niya.. Tinitigan ko lang siya at hinaplos ang kanyang buhok..

"Ang ganda ganda mo talaga daks.."

Maya maya pa ay dinilat na niya ang mata niya.

"Vic, a-anong ginagawa mo dito?" Sabi niya.

"Gusto ko kasi daks pag gising mo ako yung una mong makikita.." sabi ko naman ng nakangiti.

"Ha? Bakit ko naman gugustuhin yun.. teka akala ko ba malinaw na sayo ang lahat.. akala ko ba malinaw na sayo na hindi mo na maibabalik yung dati?" Wait.. Anong pinagsasabi nito..parang kagabi lang eh okay na kami..

"Pero Mika, diba nagusap na tayo kagabi.. sabi mo okay na?" Tanong ko sa kanya.

"Anong kagabi.. hindi naman kita kinausap kagabi.. Baka nananaginip ka lang.." sabi niya.. panaginip lang ba lahat? Pero parang totoo eh.. "ano pang ginagawa mo dito?" Tanong niya ulet..

"Ahm, so-sorry Ye.. baka nga nananaginip lang ako.. si-sige alis na ko.. sorry ulit.." sabi ko.. tumalikod na ko sa kanya... kinuha ko yung pagkain na nilagay ko sa side table.. ibababa ko na lang to.. Hindi niya naman to kakainin.. kaysa masayang ako na lang kakain nito sa baba.. Patayo na sana ako ng bigla siyang nagsalita..

"Ops, anong gagawin mo diyan?" Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya..

"Ibababa ko na.." sabi ko.

"Bakit? Kanino ba yan?" Sabi niya. Bakit ba ang daming tanong nito..

"Para sayo sana.." sagot ko..

"Sakin pala yan eh.. bakit mo ibababa?" Tanong ko.. ang gulo naman kausap nito eh

"eh diba galit ka sakin kaya sigurado ako na hindi mo kakainin to.. kaya kesa masayang eh, kakainin ko na lang to sa baba.." sabi ko sa kanya.

"Eh, syempre joke lang yun daks... hehehe good morning!" Sabi niya naman sakin.. "tara na dito, akin na yan.. mukhang masarap pa naman yan.."

"Ayoko! Ibababa ko na to.." sabi ko.. syempre tampo mode muna ko.. niloko ba naman ako..

"Asus, wag ka na magtampo daks.. sorry na.. sige na please.. akin na yan.. gutom na ko eh.. tsaka namiss ko din yang luto mo eh.." sabi naman niya sabay nagpout...

"Yung luto ko lang?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre pati ikaw.." sabi niya naman with matching puppy eyes.. Ayun na.. white flags up na.. surrender na po.. Grabe ka ye.. alam na alam mo talaga kung ankng weakness ko.

"Haaay, ano pa nga bang magagawa ko.. eto na po.. kain ka na.. niluto ko naman to para sayo eh.." binigay ko na sa kanya yung food..

"Yey, thanks!" Sabi naman niya. Nagsimula na siyang kumain.

"Hmm.. shawap naman nito daksh... bakit mo nga pala naisipang ipagluto ako.. at tsaka bakit may flowers pa?" Tanong niya

"Syempre, first day natin ngayon bilang mag best friends ulet.. Kaya gusto ko sanang gawing extra special yung umaga mo.." sagot ko naman.

"Thank you.. ang sweet talaga ng best friend ko.."  sabi niya.

"Anything basta para sa bully kong best friend..." sabi ko.

"Hahahahaha... sorry naman daks.. eh, namiss ko kasing ibully ka...hahaha.." sabi ko.

"Apology accepted." Sabi ko naman sa kanya.

"Daks, tungkol nga pala dun sa sinabi ko kagabi.. seryoso ako dun ha.. sama ka sakin sa Bulacan para sa celebration namin sa pagkapanalo natin.." sabi sakin ni Mika.

"Eh, ye, paano mama mo? Baka magalit yun pag nakitang magkasama tayo.." tanong ko naman.

"Haha, ngayon ka pa natakot, eh balita ko madalas kang pumunta samin.." sabi niya naman.

"Eh syempre iba yun.. hindi naman kita kasama noon eh,.. tsaka nung hindi nga kita kasama eh, sinusungitan ako ni mama mo.. paano pa kaya pagkasama na kita pagpunta doon.. eh baka magbeast mode yun.." sabi ko.

"Wag kang mag alala.. nandito naman ako.. this time, i got your back... nasa likod mo lang ako.. para pag nagalit si mama. Ikaw pa rin sasalo lahat ng galit niya... hehehe." Sabi naman niya.

"Ye naman eh.."

"Joke lang.. wala ka naman dapat ikatakot daks eh.. may blessing na ni mama yung friendship natin.. kaya she won't mind kung isama kita sa celebration namin.." sabi niya.

"Talaga? Buti naman.. paano mo napapayag?" Tanong ko.

"Ako pa ba? Syempre ginamitan ko ng charm si Mama.. heheheh" sabi niya.

"Daks, pakapit naman parang medyo lumakas yata yung hangin" sagot ko.

"Ah, ganun ha.. ayaw mong maniwala ah.." sabi niya at kiniliti naman ako..

"Hahaha..,tama na.. hahahaha.. naniwala na po... hahaha" sabi ko.

"Good! So pano daks.. sumama ka na ha!" Sabi niya.. parang hindi naman tanong yun eh.. parang command naman yun eh..

"Oo na, makakatanggi ba ko sayo.." sabi ko na lang.

"Hindi.. hehehe" sabi niya.

Eh hindi naman talaga ko makakatanggi sa kanya.. pero sa totoo lang kinakabahan pa rin ako.. Tulad ng sinabi ko kay Mika.. sanay na akong sinusungitan ng nanay niya pag pumupunta ako dun.. madalas din niya akong hindi pansinin.. kaya siya lang yung hindi ko nakaclose sa family ni Ye.. pero this time.. impossible naman na magiwasan kami... celebration nga diba.. pangit naman kung hindi kami magpapansinan ng mama niya.. pero saan ko naman kaya kukunin ang lakas ng loob para harapin yung nanay ni Mika.. suggestion.. anyone?

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon