Chapter 26

1.8K 42 2
                                    

Ara's POV

Nandito kami sa kwarto ni Ye. Kasalukuyang ginugulo ni Ye ang kanyang wardrobe..

"Daks, tulungan mo naman ako.. ano bang isusuot ko?" Sabi niya sakin.

"Hmm.. kahit ano ye.." sabi ko naman habang sinusuot ko ang longsleeves ko.

"Kahit ano, tapos ikaw pormal na pormal yung suot mo.. saan ba kasi yung favorite restau mo?" Tanong niya sakin.

"Secret.. malalaman mo din mamaya.. basta wear something nice ye.. medj fine dining kasi yung pupuntahan natin.." sabi ko sa kanya.

"Eh, bakit naman kasi biglaan dating ng daddy mo.. di ako na orient ha.." sabi naman niya sakin.

"Pareho lang tayong di na orient uyyy.. sige na ye.. baba na ko.. baka mainip si dad.. hintayin ka na lang namin sa baba.." sabi ko sa kanya.

"Daks naman eh.. tulungan mo ko.. mamaya ka na bumaba.." sabi ni ye..

"Kaya mo na yan daks.. you'll look perfect kahit ano pa yung isuot mo.." sabi ko na lang sa kanya.

Bumaba na ako. Naabutan ko namang kausap ni Cams si Dad.. samantalang sina Cienne, Carol at Cienne ay nasa may dining area at busy sa kanikanilang assignment.

"Cienne.." tawag ko kay Cienne. Tumingin naman sakin si Cienne.. "tawag ka ni ye.." kahit hindi naman.

"Bakit daw?" Sabi naman ni Cienne.

"Patulong naman daw.." sabi ko sa kanya.. pinuntahan na ni Cienne si Ye.. Alam ko kasing pagdating sa mga ganito ay maasahan tong si Cienne.

Pinuntahan ko na si Dad at nakisali sa kwentuhan nila ni Camille.

"Yun nga tito... in short, muntik na siyang mamatay dahil sa wala.." sabi ni Cams.

"Oy, oy.. anong pinagkukwento mo kay Dad Camille?" Sabi ko naman.

"Wala anak.. inuupdate lang ako nito ni Cams.." sabi naman ni Dad.

"Nako dad.. wag kang maniniwala dyan kay Cams.." sabi ko naman.

"Anong wag, totoo naman mga kinukwento ko kay tito ah.." sabi ni Cams.

"Grabe nak, patay na patay ka talaga diyan kay Mika.. haha.." sabi ni Dad.

"Dad naman eh.." sabi ko na lang sa kanya.. ito talagang si Cams.. kung ano anong kinukwento..

"Oh, bakit parang nahihiya ka.. wag kang mag alala.. natutuwa nga ako eh.. kasi hindi lang kagwapuhan ko ang namana mo.. pati yung mga diskarte ko sa babae.. haha" sabi ni Dad.. "kaso nak, dati ako yung hinahabol.. hindi ako yung hinahabol.."

"Sus, kaya pala sinundan mo pa si Mommy sa london para lang mapasagot siya.." sabi ko naman.

"Iba yun nak.. true love yun eh.." sabi naman ni dad.

"Iba din to dad.. first love, true love, last love and my forever love.." sabi ko naman.

"Tama na anak.. corny mo na eh.." sabi naman ni Dad. "Oh, yan na pala yung forever love mo eh.."

Tumingin naman ako sa may hagdan.. pababa na si Ye.. teka bakit parang nagfast forward ang lahat.. teka.. nasa simbahan ba kami.. at si Ye.. bakit wedding gown yung suot niya.. at ayan.. naglalakad na siya papalapit sakin..

"Daks, okay lang ba yung suot ko?" Sabi ni Ye sakin.

"I do.." sabi ko.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon