Chapter 12

1.8K 52 4
                                    

Mika's POV

Sa totoo lang hindi ako makamove on sa nalaman ko. Hindi ko akalaing nagawa ni Vic yun para sakin. All this time ang akala ko kinalimutan niya na ko, ang akala ko hindi niya na ko mahal, ang akala ko hindi niya ko pinaglaban, at ang akala ko iniwan niya lang ako ng basta basta. Mali pala yung nasa isip ko. Gulong gulo yung nararamdaman ko.. Hindi ko na maintindihan.. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko parang nawala, lahat ng galit sa puso ko biglang naglaho.. Pero parang bigla akong natakot, bigla akong kinabahan... haay ewan.. magulo.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo." nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita at humalik sa pisngi ko.

"Ay, magulo.... Ano ba je? bakit ba nanggugulat ka?" sabi ko naman.

"Kanina pa kasi tinatawag.. hindi ka sumasagot.. hehehe Nga pala for you." sabay abot niya sa long stem na red rose.

"Hindi naman ako yung may birthday ah.." sabi ko.

"Kailangan ba may okasyon para bigyan kita ng bulaklak? I just want to make you feel special." sabi niya. At kinilig yata ako. hahaha 

"Thank you Je." sagot ko naman dito. Masaya naman talaga ko pagkasama ko tong si Je eh.. Lagi niya kong pinapatawa. He never fails to make me feel special and loved. Sa totoo lang, nasa kanya na ang lahat ng katangian na gusto ng isang babae sa isang lalaki.. Mabait, gentleman, caring, thoughtful at higit sa lahat nirerespeto niya ko. Hindi siya mahirap mahalin. Pero hindi ko ba maintindihan dito sa puso ko, kung bakit hindi niya magawang mahalin si Je.

"Tara na miks, malapit na magsimula yung party ng kapatid mo.." yaya naman sakin ni Je sa may party area.

"Sige, tara." sabi ko naman.

Naglakad na kami papunta kung saan gaganapin yung party.

"Ah Je, salamat nga pala at nakapunta ka ha." sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba? Wala yun.. Gusto ko din namang mapalapit sa pamilya mo." sabi niya.

"Bakit mo naman gustong gawin yun? tanong ko.

"Syempre, para pagsinagot mo na ko, matanggap agad nila ko.. hehe" sabi niya.

"Je, diba napagusapan na natin to." sabi niya.

"Alam ko Miks... pero tulad ng lagi kong sinasabi... Handa akong maghintay hanggang maging handa ka na ulit magmahal..." sabi naman niya. 

"Ayoko kasing umasa ka... sa ngayon hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo... Tsaka hindi ko kasi alam kung kailan ulet ako magiging handa.. Baka maghintay ka sa wala" sabi ko.

"Haha.. ganito pala yung pakiramdam ng mabasted ng pangalawang beses.." sabi niya. Para namang naguilty ako... Naalala ko tuloy yung araw na yun.

Flashback

"Hello Cienne.. nasan ka? Sabi mo sabay tayong maglulunch?" kausap ko ngayon si Cienne sa telepono.

"Ye, puntahan mo ko dito sa Park pleasse.. huhuhu" sabi niya naman sakin.

"Bakit Cienne, anong nangyari sayo? umiiyak ka ba?" ano kayang nangyari dito.

"Please ye.. puntahan mo na lang ako dito.." sabi naman ni Cienne.

Binaba ko na lang ang telepono. Agad agad naman akong pumunta sa park. Pagdating ko sa park, nagulat ako sa nakita ko. May nakaset na table for two.. tapos may bulaklak sa dadaanan papunta sa nakaset na table,.. marami ding balloons sa paligid. May naaninag akong lalaking nakatayo sa dulo ng daanan na puno ng bulaklak. Si jeron ba yun? Unti unti akong naglakad papunta dun sa lalaki, para i-confirm kung sya nga yun.. At hindi nga ako nagkamali.. Nung malapit na ako sa kanya, bigla naman siyang nagsalita.

One Last TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon