Napapikit ako sa sinasabi ni Ara. Parang lahat yata ng sinasabi niya, bumabalik eh. Lahat ng sinasabi niya, may kasunod na flashback.

*flashbacks*

3rd anniversary na namin ngayon ni Ara. Plano ko nang mag-propose sa kanya. Kase alam ko na. Alam na alam ko nang siya na talaga. Kinausap ko na 'yung parents ni Ara at pinaalam ko na rin sa family ko. Kilala naman nila si Ara.

Sobrang perfect ng set-up. May nagva-violin, nandun lahat ng friends namin. Siyempre nandun yung teammates namin. Hindi pa ba mawawala sila Jeron and friends? Nandun din yung pinaka-bestfriends ni Ara. Siyempre, sila Mika at Cienne. Sobrang saya naming lahat. Everything was perfect.

Magkaharap na kami ngayon ni Ara. Binigyan ko siya ng bouquet of white roses dahil alam kong ayun yung gusto niya. Lahat sila nanonood lang samin.

Ako: Victonara S. Galang, mahal na mahal kita. I want to spend my whole lifetime with you. Ikaw ang gusto kong makita pag gising ko at bago ako matulog. Ikaw lang ang hinahanap-hanap ko. Ngayong 3rd Anniversary natin, may hihilingin sana ako sa'yo. *smiles*

Kinakabahan ako pero sure naman ako na magye-yes si Ara. Kahit gano pa katagal bago kami magpakasal, okay lang.

Ako: Babe, will you marry me?

Nakita kong umiiyak si Ara sa harap ko. Napatingin siya sa singsing habang umiiyak. Tumingin din siya kina lola at sa father niya. Tumingin din muna siya kina Jeron at Mika bago sabihing...

"I'm sorry."

Tumakbo siya palayo at hinabol naman siya nila Mika. Naiwan niya ako dun na parang tanga.

-

"What did I do wrong? Ba't nagkaganito? Ang labo naman eh! Pinagmumukha mo na akong tanga eh! You're so unfair. Kung gusto mo, sasama na ako sa'yo sa Barcelona."

(Diba sabi mo ayaw mo dun, Thom? Ang gulo gulo mo naman kasi eh!)

"Okay na ako! Okay na akong sumama!"

(Ang labo mo kase. Tsaka nagalit na si mama.)

call end

-

Nasa kotse ako ngayon at papunta na ako sa dorm nila Ara. Ang lakas ng ulan at traffic pa, pero di ko sila ininda. Kailangan kong makita si Ara. Kailangan ko siyang pigilan. Kausap ko ngayon si Mika sa phone ko. Hinahanap ko sa kanya si Ara.

"Utang na loob, Mika. Parang awa mo na! Sabihin mo sa'kin, ngayon ba 'yung alis ni Ara papuntang Barcelona?!"

(Hindi ko talaga alam, Thomas.)

"Galing ako ng Pampanga. Wala yung tatay ni Ara don! Lumuwas daw, ihahatid si Ara sa airport. Totoo ba yon?!"

(Wala dito si Tito, Thomas. Hindi ko talaga alam. Sorry.)

"PUTANG INA ANO BA?! WAG NIYO NA AKONG GAGUHIN!"

Binaba ko yung telepono ko at tumakbo na lang ako papunta kela Ara. Iniwan ko yung kotse ko sa gitna ng kalsada dahil traffic. Basta ang mahalaga, makapunta ako kela Ara.

Pagkadating ko kela Ara, paalis na yung taxi sa dorm pero pinigilan ko. Huminto ako sa harapan ng taxi at nagmakaawa ako.

"Sandali! Sandali! Itigil niyo 'to!"

Sigaw ko at pumunta ako sa may bintana kung saan nakaupo si Ara.

"Ara! Ara, buksan mo tong pinto! Mag-usap tayo!"

"Ara, wag kang umalis! Mag-usap tayo! Buksan mo tong pinto!"

Paulit-ulit kong sinasabi yon na parang batang hinid nabilhan ng laruan. Pumunta ako sa bintana ng Tatay ni Ara at doon nagmakaawa.

"Tito! Sandali lang, yung anak niyo, tito! Buksan niyo tong pinto, please!"

Bumalik ako sa pwesto ni Ara at kinatok ulit yung bintana niya.

"Babe. Wag mong gawin sakin to, please. Babe, maawa ka naman."

Grabe na yung pag-iyak ko non dahil hindi ko na napigilan. Umandar na yung taxi pero hinabol ko pa rin.

"Ara! Wag mo akong iwan!"

"ARA!"

"ARA!"

Ilang ulit na sigaw, pagmamakaawa, hinabol ko hanggang sa makaya ko, pero wala. Iniwan parin ako ni Ara.

*end of flashback*

//

HI GUYS. SORRY PO KUNG MAIKSI AND MABAGAL AKO MAG-UPDATE. MEDYO MARAMI NA PO KASE AKO GINAGAWA SA SCHOOL. YUN LANG HEHE. SANA PO NAGUSTUHAN NIYO. :) SALAMATSU :)))

Starting Over Again | Completed √Where stories live. Discover now