10

622 9 0
                                    

ARA


"This house was built in 1935." Panimula ko habang dini-discuss yung architecture ng bahay nila Thomas.

Ako: Sta. Ana was the Tagaytay of that era. That's why if you notice the architecture of the house, it resembles that of the villa. Big doors, big windows, sprawling garden, verandas, big and wide spaces. But its very simplicity is what makes it. Homey, warm, and as Thomas' lola used to say----

Pinigilan ako ni Thomas sa pagsasalita.

Thomas: Teka.... Ano 'to? Akala ko ba, nagkaintindihan na tayo na modern ang gusto ko? 'Wag mo kasing ipilit na restoration dahil 'yan ang specialization mo.

Sunget! Parang hindi siya naging sweet nung isang araw ha! May pa-yakap yakap effect pa! Hmp!

Ako: Ay, hindi Thomas. Hindi. Hindi dahil don.

Sinubukan kong mag-explain. Pero biglang sumingit si Jeron.

Jeron: Thomas, why don't we give Ara a chance? I mean, everything she seems to be saying right now is quite interesting.

Andrei: Oo nga, tsaka, uso na talaga 'yung sinasabi nilang 'old houses being turned into restaurants'. 'Yung pinakauna nun 'yung sa San Juan, diba? 'yung kay Chef Cerveza?


awkward silence


Ako: Thomas, please? Kung pagkatapos ng presentation na 'to, hindi mo pa rin gusto 'yung idea, pwede mo na kaming palitan.

Napatingin silang lahat kay Thomas.

Ako: Ang dami ko na kaseng pin-resent sa'yo na ideas pero wala ka naman napili. Naisip ko nga na, baka naman meron ka na talagang gusto. Pero ayaw mo lang aminin dahil ayaw mo nang balikan.

Napatingin sa'kin si Thomas ng masama. Kinuha ko 'yung drawing ko dati na hitsura nung bahay nila na naging restaurant na at pinakita sa kanila.

Ako: Naaalala mo pa 'to? Diba, dito nagsimula ang lahat? Ilang buwan tayo nagbatuhan ng ideas, ilang gabing pinagpuyatan yung plano... Kase diba, sabi mo? "This restaurant is going to be special."

*flashbacks*

Thomas: This will be our future, babe. Ganda talaga ng misis ko!

Napatingin ako sakanya na parang gulat na gulat.

Thomas: Bakit? Ayaw mo bang maging Mrs. Torres?

Ngumiti ako sa kanya at tinawanan niya ako. Napansin ko na may chocolate pala sa ngipin ko.

*end of flashback*

Ako: And as your customers eat, they will not only experience your family's legacy, they will also have a chance to add to the many memories that this house holds.

*flashbacks*

Nagluto kami ni Thomas ng Seafood Pesto dito sa bahay nila.

Ako: Kaya sa bawat subo mo ng niluluto naten, tandaan mo, na para lang sa'yo ang bawat tibok ng puso ko! MWAH MWAH MWAH!

Sinubuan ko siya nung pasta at niyakap ko siya. Siyempre may kasama na rin na halik. :-)

*end of flashback*

Ako: Remember? It's your dream? It will honor your grandfather's philosophy that cooking is generosity. And cooking is your way of giving love... And love.... And love... And love.


//


THOMAS

Starting Over Again | Completed √Where stories live. Discover now