Chapter Thirty Seven- "Yes"

Start from the beginning
                                    

Iniunat nila ang kamay nila para alalayan akong maglakad. Papa, Ivan, pilay po ba ako? Hindi naman ah.

Pero inilahad ko parin ang kamay ko at bumaba kaming tatlo pababa at sabay. Agad na huminto ang musiko at kumanta silang lahat ng sabay-sabay na 'Happy Birthday'.

Nginitian ko parin sila pero feeling ko hindi naman ako masaya. Siguro dahil hindi kami kumpleto. Wala kasi si John, may nangyari ba sa kanya? Sayang naman. Birthday ko ngayon pero wala siya. Absent siya. T___T

Pagkatapos nilang kumanta, bumalik na ang music at iba naman ang tinugtog. Kanina 'Chandelier' ngayon naman 'Shut up and dance with me'.

Nagsimula nang magkainan ang lahat. Haaaysss, ewan ko ba. Pero para sa akin bored ang birthday ko. Hindi naman sa sinasabi kong namiss ko bigla si John, ayaw ko lang kasing... May kulang. *pout*

Tapos nilapitan ako ni Tita Jamie at ni Ivan. Pinapapak ni Tita 'yung chicken tapos si Ivan may dalang tubig. "Gusto mo?" Inalok ako ni Ivan ng tubig. "Hehe. Okay lang. Hindi namab ako nauuhaw pero salamat narin" Sabi ko.

Umupo sila sa tabi ko. "Pamangks. Sabihin mo nga sa amin, may problema ka ba?" Tanong bigla ni Tita. "Oo nga. Kanina ka pa kasi hindi masaya" Dagdag ni Ivan. "Wala naman po Tita. Hindi Ivan. Masaya ako, ngumingiti nga ko"

"Ngumingiti ka nga pero alam ko ang totoong ngiti mo kapag masaya ka" Sabay pa sila Tita at Ivan. Bumuntong hininga ako. "Si John po kasi wala" Napangiti si Tita at si Ivan naman nagiba bigla ang itsura. Mula sa pagiging nakangiti naging malungkot. Anubayan, pati tuloy si Ivan nalungkot dahil sa'kin. Bakit ko pa kasi sinabi? Ang t*nga ko talaga.

"Yiieee. Ikaw pamangks--"

"Ibig ko pong sabihin ayaw ko ng may kulang. Lalo na at kaarawan ko ngayon. Gusto ko ng kumpleto, hindi naman po kasi sa namimiss ko siya. Mabigat lang ang pakiramdam ko at wala siya. Tinanong ko si Mama kanina kung bakit wala si John pero iniba niya ang topic"

"Baka naman hindi niya lang narinig" Walang ganang sagot ni Ivan. "Hmm, baka nga" Sabi ko.

Inakbayan ako bigla ni Tita Jamie. "Gusto mo sayaw kayo ni Ivan?" Nagulat naman ako sa tanong niya. Pero tumango ako at nilapitan ni Ivan saka inabutan ng kamay. Hindi naman ako nagpakachoosy kaya pumayag narin ako.

Tapos sumayaw kami.

"Ivan" Tawag ko sa kanya. "Bakit Abigail?" Nakangiti siya at mukhang masaya. Sabihin ko kaya sa kanya?

"Uhm, wala" nagsmirked naman siya. "Sabihin mo na" Sabi niya. "Wala nga 'yun. Hehe" Palusot ko. "Kilala kita. Alam ko namang importante 'yan eh"

"Paano mo nalaman?" Tanong ko tapos umikot ako. "Simple lang. Actually alam ko na ang sasabihin mo" Nagulat naman ako bigla. A-Alam niya?

"Alam mo?" Tumango siya tapos huminto siya kaya huminto rin ako. Possible kayang alam niya talaga?
O baka naman tinitrip niya ko?

Medyo nalungkot ang mukha niya ng magbitaw kami. Hinila niya ako palabas ng bahay habang ang mga tao tuloy lang sa pagsayaw at pagkain. Hindi naman ako napansin ni Tita kasi todo kain ng friend chicken.

Dumiretso kami sa garden. Tapos umupo kaming dalawa sa bench. Tuloy parin ang pagtugtog pero iba na naman. 'I wouldn't mine' By: He is we. Unang tugtog palang ay nakakalungkot na. Kaya naman kinabahan kaagad ako.

Merrily we fall, out of line, out of line~~

I'd fall anywhere with you~~

I'm by your side~~

Hinawakan ako ni Ivan sa mga kamay ko. "Ang lambot ng kamay mo... Sana mahawakan ko ito muli" Ngumiti siya ng mapait. Nagtaka naman ako.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now