Buti nga hindi kami nagkikibuan ni Kuya nung hinatid niya ako ehh.

Kahit nung paghatid niya sakin sa loob ng condo ko di din kami nag usap.


Nagtext lang siya. Sabi niya Ingat ka Sabi ko naman Ingat ka din. Hahahaha kasalanan ko to eh! Sinapian ata ako kaya nagawa ko yun! Huhuhu


"Oh! Good morning! on time talaga si Stef." si Mrs. Doyee.


"Goodmorning guys..." bati ko sa kanila at agad umupo sa dressing room.


"Marimar ayusan mona si Stef. "


Lumapit na sakin si Barney at inayusan na ako.


Messy hair pala ang peg ko ngayon.


Shempre yung outfit namin ay bagong labas ng bench.


I still can't believe na Model na ako ngayon!


Nung nakaraan lang daw nakuhaan sila Jhai. Hindi kasi kami sabay sabay.


Nang matapos nako 5 shots ang pagpipilian. After one month, makikita na kami sa billboard.


Ang saya saya!

Naglakad lakad muna ako sa mall saglit bago umuwi.


6pm na. papadeliver nalang siguro ako ng pagkain..


Nasa elevator na ako naririnig kong kumakanta yung tiyan ko. Hahahah buti wala akong kasabay.


*TING!*


Tinatype ko na ang password sa room ko nang bumukas ang pinto ng kabilang room.


Shit! Si Kuya!


Pinagpapawisan na naman ako. Mali mali na yung na ta type ko bwisit naman oh!


Nagkatinginan kami. "K-kumain ka na?" Great! nagkasabay pa kami ng pagtanong. Hahaha


Katahimikan.


"Magpapa deliver nalang siguro ako..." sabi ko sa kanya.


"A-ako nalang....dyan nalang tayo." namula naman agad ang mukha niya. Hahaha ang cute talaga tingnan pag yung lalake yung namumula.


"Sige..." pumasok na kami sa loob at siya naman nagpadeliver na.


"Kumusta yung shoot niyo?"


"Ok lang..."


"Ahh..."


Nagkatinginan na naman kami. Bakit ba ang awkward!!!!!!!!!!


Kung wala pang nag doorbell ay magtititigan nalang ata kami.

Yung foods na pala..


Nanonood kami habang kumakain dahil hindi ko ata kaya na sabay kaming kumakain tapos yung pagnguya lang naming dalawa yung maririnig namin kasi nga di kami nag uusap. Hahahaha Boset yan!


Pag nahuli ko siyang nakatingin sakin iniiwas naman niya ang tingin niya.

Tapos pag ako naman ang nahuli niya ako naman ang iiwas. Hahahaha ene be nemen yen!


Pagtapos naming kumain ay nagpaalam na din siya.


"Uhm. Goodnight...." sabi niya ng makalabas na siya.


"Goodnight din...."


Para kaming tanga nag tatanguan. Hahaha


"Sige goodnight..." sabi niya ulit at napakamot ng ulo.


"Goodnight.... Matt...."


Oh my! Hindi na Kuya! Hahahahaha


"Sige...Goodnight Stef...." napakagat labi siya.


Wala na atang katapusan ang pag gu goodnight namin. Hahahaha


Hindi pa rin siya umaalis at hindi ko parin sinasara ang pinto.


"Damn! Di ako makakatulog pag diko to nagawa!" sabi niya at hinalikan ako mga 10 seconds.


Bilang ko shempre!


Ang lambot ng lips niya..... Ang bango at ang init ng hininga.......


Pagtapos ay nagmamadali siyang pumasok sa room niya.

Oh my gosh!!!!!!!


Napakapit pa ako sa pinto dahil mawawalan nako ng malay sa kilig! Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!


Paano na kaya kapag lips to lips na??? Baka isugod na ako sa Hospital! Hahaha


Pagkasara ko ng pinto ay nagaya ko ang pag wo walling ni Ryzza. Hahahaha


Hinaplos ko ang bibig kong hinalikan niya! Diyos kopo! Di ako mag totooth brush! Hahahahaha


Ano ba kami?


Hindi ko rin alam.


Basta ang alam ko.


Nag kiss kami yun lang!


My Knight (de la Vega Brother's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon