Pagkarating ko sa bahay nakasalubong ko si Mama palabas ng main door. Nilagpasan ko lamang ito at patakbo akong pumunta sa kwarto ko.

"Oh bakit ka napabalik?" sabi ni Mama na palabas na sana ng bahay.

"May nakalimutan lang Ma!" sigaw ko mula sa kwarto. Kinuha ko na ang cellphone ko at I.D at agad bumaba.

"Bye Ma. Mwuah. I love you." sabi ko ng makadaan sa harap nya. Naiwan si Mama na katayo lang sa harap ng front door.

At dali dali na kong umalis. Di na ko nagtangkang dumiretso sa school parking lot at diniretso ko na dun sa kabilang kanto ang kotse ko. Pagkapark ko ay dali dali kong tinakbo ang daan patungo sa school. And yes! Time check its 7:20 am. 10 mins after magsimula ang klase ko. Walang kwenta ang paggising ko ng 6:00am.

Sa library na ko dumiretso at kumuha ng libro para sa history. At ng makarating ako sa room wala pa ang teacher namin dali dali kong binuksan ang libro at binasa at nagscan at lahat na ata ng pwedeng gawin   para lang maisuot sa utak ko ang mga importanteng detalye hangga't kaya ko. At ang resulta.

WALA AKONG NAINTINDIHAN!!!

Anak ng tokwa naman oh! Iniluluwa ng utak ko ang History. Napakasaya. Kung Math lang siguro kanina ko pang natapos to kahit pikit!

At pag-angat ko ng ulo nabasa ko lang naman sa board ang pinaka bumuo ng araw ko.

Classes for TODAY...

"HISTORY" -  1st period

......- 2nd period.

.....- Recess

....-3rd period

.....-4th period

.....-Lunch

.....-5th period

Processing...

Processing...

Processing...

(O___O)

Whaaaaaaaaaaaaaaat !?

Nanlaki ang mata ko ng makita ko un. Nakakabadtrip. Na ang sarap kumatay ng tao! Sino bang lintik na talagang pinagkasulat-sulat pa sa board ang schedule namin! Talagang gustong isampal sakin na mahalin ko  daw ang historing yan! Che! Wala na bang magandang mangyayari sa buhay ko ngayong araw na to? Gahd! Sarap sumigaw! Nagpakaeffort-effort akong gumising ng maaga just to make a review for this f*cking subject. At ito pa!? Talagang ewan ko lang hah, hindi ko alam kung binibigyan nya ko ng dahilan para lalo siyang intindihin o parang mas binigyan niya ako  ng dahilan para lalo siyang kasuklaman, kaayawan at higit sa lahat ISUMPA! Hayy History! Mamatay ka din! Dyosko! Bakit ngayon pa nakipagpalit si Ms. Gomez ng schedule. Asar sobra!

Crinnnnggggggg!

Tunog ng bell habang nakasubsub ako sa lintik na libro ng Historing ito. Kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Sana magka-earthquake or something. Sana maligaw ung teacher namin sa History. Sana magkaLBM. Sana. Sana. Puro masasamang 'sana' ang pinagdadasal ko wag lang matuloy ang klaseng to. Dahil ayaw ko mang aminin ee wala na kong paki-alam kong nakakahiya basta sasabihin kong...

"Wala akong alam na isasagot sa Historing yan!" hindi ko alam at naivoice-out ko na pala ang sinasabi ng utak ko.

Nagtinginan ang mga kaklase ko. And yeah! They heard it. Hayys. More on embarrasment ang nangyayari sa araw na to. Gahd please sa oras na pumasok ang teacher namin. Ipakain mo na ko dito sa upuan kong to.

He's my "SEATMATE" and also my "BOSS"!!?Where stories live. Discover now