"Kaya sumama na din ako."


"Parang buhay prinsesa ako diba? Kasi abroad yung Tito ko at may kaya sila." napahinto siya at tumingin sakin.


"But I was wrong... Nung una mabait. Pero sabi nga nila. Saka mo lang makikilala ang tao pag nakasama mona sa bahay ng matagal. Mga wala pang isang buwan lumabas na ang totoong kulay ng Tita ko.."


"Bukod sa maldita ang anak niya. Para niya akong, hindi naman sa inaalila... pero you know.. Lagi siyang galit. Lagi akong sinisigawan. Hindi lang ako maghugas ng plato agad akala mo sobrang laki na ng kasalanan ko."


Hindi ko naisip na sa likod ng kakulitan ni Stef marami palang nangyari sa kanya.


"Isang beses nga pumasok ako sa school na basa at gusot gusot ang uniform ko ehh.." Napansin ko ang hinanakit sa boses niya.


"Ginabi na kasi akong naglaba. E hindi natuyo. Kaya kinaumagahan plinantsa ko. Kaso yung demonyita kong Tita tinanggal sa plug yung plantsa at pinagalitan ako. Kaya nasuot ko yung uniform ng basa. Mangiyak ngiyak ako nun pero hindi ako nag reklamo.


"Hanggat maaari nagtitiis ako."


"Ang pinaka worst na nangyari ay yung may project kami sa school. Yun na yung exam namin sa subject na yon at kapag di kami nakagawa. Bagsak na agad yung Grade namin. So ang nangyari diko pa kasi alam ang exact price ng project kaya nung nalaman kona ay yung mismong day na gagawa na kami ng project."


"Nanghingi ako sa kanya hindi panga yon umabot ng isang daan ehh. Sabi ko ngayon ko lang nalaman yung price at ngayon na namin gagawin sa school. Galit na galit siya. Hindi niya ako binigyan."


"Umiyak ako sa school nun. Kaya tinext ko si mama. Sinabi ko 'Ma kelan kayo uuwi?'


"Siguro napansin niya.. napapadalas na kasi ang tanong ko kung kelan sila uuwi kasi nga sa trato ni Tita sakin...


"Nagtanong si mama kung anong problema. Mama ko yun eh. Dun ako galing kaya nakakaramdam siya. Nasabi ko lahat sa kanya nagalit siya.


"Pinadalhan niya ako ng 500 pesos para pang gastos ko. Tapos nun nakausap niya din si Tita sa phone kaya nalaman niyang nag sumbong ako.


"Kaya nung nakauwi si Mama. Umalis agad ako. Ang saya ko nun. Nakawala na ako sa wakas. Ngayon ok na naman kami. Hindi naman nagtatanim ng sama ng loob si mama at ganun din ako."


"Gising kapa Kuya?" tanong niya sakin.


"Yeah... nakakagulat lang yung mga kinuwento mo..." diko talaga akalain.


"Hahaha wag ka magulat. Marami kapang hindi alam." napatitig ako sa kanya base sa itsura niya nag aalangan siyang magkuwento pa sakin.


"Continue....." sabay halakhak niya.


My Knight (de la Vega Brother's)Where stories live. Discover now