Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala naman akong sinasabi Phoebe ah bakit hindi ka mapakali dyan?"

"Wala manang. Sige!!!!"

Tumakbo si Phoebe pababa.

Napakamot na lang ng ulo si manang Lourdes.

Naabutan ni Phoebe na nakikipagusap na si Kent sa mga bagong dating.

Mga italyano ang mga ito.

Naku mapapasabak na naman tayo sa inglisan ah!

"Oh yes, she's the debutant" sabi ni Kent sa mga ito ng lumapit siya.

"Hi! I'm Phoebe."

Nakilala ni Phoebe ang dalawang dumating. Mabuti na lang at parehas italyano ito at hindi nila kilala na artista si Kent. Conversational naman ito sa wikang ingles.

Ang pangalan ng babaeng designer ay Cristiana. Bubbly siya at natutuwa siya kay Phoebe. Nagpromise ito na papagandahin niya daw si Phoebe sa araw ng debut. Ganun din ang escort na si Kent.

Ang events organizer naman ay si Stefan. May feeling si Phoebe na bading ito dahil sa pagkilos at salita.

Doon muna makikituloy ang dalawa hanggang debut ni Phoebe.

"We will tour tomorrow to find the best venue!" masiglang sabi ni Stefan.

"So it wouldn't be held here in our house?"

"Of course not!!! You're house is big, yes. But we'll find the best place for you my darling." Sabi na naman ni Stefan

"Tomorrow also we'll make the invitations, I believe it's only less than a month so we have to dole out them to your guests." Sabi ni Cristiana.

Naging busy sila sa usapan pero conscious na conscious si Phoebe dahil magkatabi sila ni Kent sa mahabang sofa habang ang kausap nila ay katapat nila. Ang pinaka-nakakaconscious ay ng umakbay si Kent sa kanya sa harap ng mga bisita.

"You're such a sweet couple!" sabi ni Cristiana.

Ngiti lang ang sinagot ni Phoebe. Ang nakaakbay kasi na kamay ni Kent ay nakahawak sa tenga niya. Nakikiliti siya.

"Tigilan mo please.." bulong ni Phoebe. Kunwari sweet gesture.

"Umarte ka na lang, kaibigan yan ng tatay mo."

Ang alam din kasi ng tatay niya ay super in good terms sila ni Kent. Pero nainis si Phoebe ng sinabi ni Kent na umarte na lang.

Umarte? Bwisit talaga! Ano ba talaga ang totoo sa kinikilos niya? Artista talaga siya.

"So let's not waste our time!"

Napag-usapan nilang susukatan sila ni Kent ng damit ngayong gabi.

Di na naman sila nagiimikan ni Kent.

Badtrip na naman si Phoebe. Tapos na silang sukatan at umakyat na lang bigla si Phoebe.


Sinundan na lang ng tingin ni Kent ang asawa.

Problema nun? Badtrip na naman? Naisip ni Kent.

"You can stay at the guestroom if you want!" sabi ni Kent sa dalawang italyano.

"No we're fine. Phoebe's father booked a hotel for us. Thanks for the offer anyway!" sabi ni Stefan.

"Yes, we'll go now"

Nang makaalis na ang dalawa. Umakyat na rin si Kent.

Hindi niya maintindihan kung bakit nabadtrip na naman si Phoebe.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon