Chapter 23 - Casually (August 03, 2011)

1.1M 14.4K 2K
                                    

DATE POSTED: August 03, 2011


Chapter 23 - Casually

"Kent naman eh hindi ako nakikipagbiruan sayo!"

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako?" mababa ang boses ni Kent

Ehhh? Bedroom voice?

Tapos medyo lumuwag ang yakap ni Kent. Akala ni Phoebe papakawalan na siya nito pero nilagay lang ni Kent ang kamay niya sa pisngi ni Phoebe.

Oh no!!! Di niya gagawin!! Ano bang iniisip niya?!?!?!

Kinilabutan si Phobe nung humaplos mula sa pisngi nya hanggang sa leeg niya yung kamay ni Kent.

Shit ano bang ginagawa niya?

Hinalikan ni Kent ang noo niya tapos ang tungki ng ilong niya.

Napapikit si Phoebe. Feeling niya hahalikan na naman siya ni Kent sa labi.

Pero mali ang akala niya. Dumerecho ang labi ni Kent sa leeg niya.

She felt as stab of panic.

Ohh! Shit! Oh my God!

"Kent...." Di niya napigilan. Nakikiliti siya sa pagtama ng hininga ni Kent sa leeg niya. At nababaliw siya sa halik nito. He's giving her a love bite. Bago sa kanya ang ganung pakiramdam.

Waaah he bit me? Vampire ba siya?

Niyayakap niya na rin si Kent ng...

They heard a knock on the door.

Biglang napaupo si Kent sa kama. Pahiyang-pahiya naman si Phoebe.

May kumatok lang pero sadyang gulat na gulat sila.

"Phoebe, nandyan na yung mga mag-aayos sa debut mo." Si manang Lourdes ang nagsasalita mula sa labas.

"Ahh. O-Opo, Opo manang susunod na!!" natatarantang sabi ni Phoebe.

Tinignan niya si Kent. Nakatayo na ito at nagpunta sa may bintana habang nakatingin sa labas.

Bigla na naman siyang na-awkward dito. Inayos niya ang damit niya. At lumabas na ng pinto.

"Kent.... Kent..." si manang Lourdes kumakatok sa kwarto ni Kent.

Sakto namang lumabas na rin si Kent mula sa kwarto ni Phoebe.

"Manang?" sabi nito.

"Ay! Nandyan ka rin pala?!"

Tumango ito. Naunang pang maglakad kina Phoebe at manang Lourdes na parang walang nangyari.

Tumingin naman si manang kay Phoebe. Nagtatanong ang expression nito.

"Kainis yan si Kent manang!" sabi naman ni Phoebe ng makababa na si Kent.

"Bakit?"

"Wala po ang gulo niya, masahol pa siya sa naglilihing babae, paiba iba ng ugali!!!!"

"Hay naku, alam mo namang ganyan talaga yang si Kent diba?"

"Hmpf! Tara na nga manang!"

Lumapit siya kay manang Lourdes at hinawakan ang braso nito.

Bigla namang napatingin si manang Lourdes sa leeg niya.

Nang napansin niyang nakatingin dito si manang lumayo siya bigla.

"Manang!!! Kagat lang yan ng lamok!!!!! Nakamot ko kaya ayan ganun, ayan ang nangyari."

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon