I'm wearing a black body hugging dress and stilletos. Sanay naman nako magsuot ng mga ganito since pag may party na pinupuntahan ang family namin eh talagang nag-aayos ako. Si Lev naman ay ganoon din but she's wearing a different color which is navy blue.

Kaliwa't kanan ang mga lalaki't babae dito na kung hindi umiinom, sumasayaw eh nagm'make out din. Ang mga babae dito eh halos mahubaran na sa ke-iiksing mga damit o di kaya eh mga revealing na kakapiranggot nalang ang natatakpan.

Umupo kami sa isang counter kung saan nandun yung bartender.

"2 shots of whiskey please." Levieza said dun sa lalaki. Agad naman niya itong inilapag sa harap namin at nilagok ni Bes yung kanya.

"Tititigan mo nalang yan Art? Uminom ka naman! I won't tell." Hindi naman ako natatakot na malaman 'to nila mommy, nahihiya lang kasi talaga ako na ngayon lang ako makakainom nito.

Nanginginig akong kinuha yung shot glass at inamoy 'ko pa ito bago inumin. Jusko!

Hindi 'ko alam kung anong dapat 'kong maramdaman halos maisuka 'ko yung ininom 'ko, oh my gosh ang init ng pakiramdam 'ko. Ganito pala ang lasa ng isang alak.

"Tangina ano yun?! Wala bang parang lasang juice?" Napatawa naman si Lev sa narinig mula sa sinabi 'ko. What? Is there something wrong?! Ganun ba talaga ang lasa ng lahat ng alak?!

"What the hell, still a baby. Teka pwede na ata sa'yo ang Tanduay Ice!" Humalakhak siya at tinawag yung bartender, may binulong siya doon at ewan 'ko tumawa siya. Nakakainis ha, pinaglalaruan nila ako.

May inilapag yung lalaki sa harap namin. Yung isa Jack Daniels ang nakalagay tas yung isa sakin color yellow na pitcher.

"Piñacoolada nalang para sa'yo kaawa ka naman eh!" Ibinigay niya sa akin yung baso na may yelo at naglagay ng piñacoolada doon sa basong yun. Siya naman ay naglagay ng Jack Daniels sa kanyang baso. Itinaas niya yung kanyang baso na tila ba nais makipag cheers sa akin. Ginaya 'ko yung ginawa niya kaya naman ngumiti siya sa akin pagkatapos ay ininom niya ng straight yung alak niya. Grabe! Paano niya nagawa yun! Eh ako hirap na hirap inumin 'tong binigay niya.

Nakakailang baso na siya pero ako dalawa palang, hindi 'ko kasi talaga kayang inumin 'to pero masarap naman siya. "Let's dance Art! Woooh!" Sigaw ni Levieza, she looks so drunk.

Hinatak niya ako papunta sa dancefloor. Nag-iba yung tunog at grabe parang naging mas lalong wild yung mga tao. Hindi 'ko alam kung anong dapat 'kong iasta. Dapat ba akong sumayaw?

Levieza's dancing her heart out. Masyado siyang nagpapakasaya na para bang wala ng bukas. Ang saya saya niya na tila ba wala siyang problema, na parang hindi siya iniwan ni Kirk. Ganito ba talaga nag epekto ng alak?

Hindi 'ko alam ang nangyari kay Bes kasi bigla siyang tumigil sa ginagawa niya at nakatingin doon sa may isang sulok. Teka, ano bang meron dun? I looked at the side kung saan siya nakatingin at nanlaki ang mata 'ko nung makita 'ko si Kirk na may kahalikang ibang babae. What the hell?! Is that Chaynna!?

I don't know what to do! Pupuntahan ba namin si Kirk? Aalis ba kami? Iinom pa rin? Magsstay ba kami? I'm confused!

"Let's go Lev, wag mo na silang tignan." Hinahatak 'ko si Bes pero hindi siya nagpapatianod sa akin. Nakatayo lang siya, umiiyak habang tinitignan kung paano mag isa ang labi ng kanyang gagong ex boyfriend at nang malanding cheerleader ng school namin. Ako yung nasasaktan para sa bestfriend 'ko. Ayaw 'ko ng ganito!

"Levieza! Let's go!" Naiinis 'kong wika sa kanya. She's hurting herself. Pag sa akin nangyari ito eh hindi 'ko masisikmurang makita ang taong mahal 'ko kasama ang ibang babae.

Bakit dito pa? Bakit dito pa sa bar na 'to?!

Hinatak 'ko na siya kahit nagpupumiglas siya. Agad 'ko siyang dinala sa may vacant na sofa at nagpa order ako ng 34 shots na nakita ko sa menu. Wala na akong pakialam, sasamahan 'kong uminom si Lev ngayon kahit nandito yang lalaking yan. Nabuhay ng ilang taon si Lev bago siya dumating, kaya mabubuhay parin si Lev hanggang ngayon kahit wala na sila. Hindi pag-aari nila Kirk 'tong bar na 'to para kami ang umalis.

NAPARAMI na ang inom ni Levieza at ako ay medyo tipsy na. Kanina pa maraming lalaki ang lumalapit dito pero I'm pushing them away. Nasa tamang pag iisip pa naman ako kaya ayokong may mangyari sa amin na masama. It's time, kailangan na namin umuwi at baka hinahanap narin ako sa mansion.

Kinapa 'ko yung phone 'ko sa dala 'kong pouch, I'm going to call our driver para naman safe kaming makauwi sa bahay.

Habang naghihintay ako sa driver namin eh may makulit na lalaki na pabalik balik sa may amin at gusto raw akong makasayaw. I just kept on rejecting him anyways, ayokong maiwan si Bes dito mag isa at baka pagbalik 'ko eh wala na siya rito.

"Ayaw niya nga diba?" Matigas na sambit ng isang pamilyar na boses. I found out that it was Lexter. Ohmygosh! Agad na umalis yung lalaki. Good thing.

"Anong ginagawa n'yo rito?" Nakakagago yung tanong niya ha infairness. Napatingin naman ako sa phone 'ko nang mag vibrate ito. Nakita 'ko ang message na nandito na ang driver namin.

"We have to go." Inakay 'ko patayo itong babaeng ito. Lexter insisted to help kaya naman madali naming nadala si Levieza sa sasakyan.

Bago ako pumasok sa loob ng kotse eh nilapitan 'ko si Lexter. He was looking at me playfully. Ang kulit talaga ng isang 'to.

"Thank you, Lexter." Those are the last words I said pagkatapos eh tumalikod na ako para pumasok sa loob ng kotse.

Truth or Dare (SPG)Where stories live. Discover now