"Y-Yes. Inalalayan ako ni Hanz pagkababa namin ng taxi kahapon."

"Yun lang ba ang ginawa niya sayo o meron pang iba?" Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa armchair ng upuan ko. Mas lalo pa siya lumapit sa akin kaya nailang na ako.

"Wala na. Kasama rin naman namin sila Kim at Laurel ng pumunta kami sa bar."

Nawala na ang pagkunot ng noo nito and he sighed. Sinabi ko lang yung pangalan ng dalawa, kumalma na siya. May mali ba sa pagsama sa mga kaibigan ko. Bakit pakiramdam kong hindi na ako pwedeng sumama kay Hanz o Brix kapag nagyaya sila.

"Mabuti naman dahil kapag may ginawa sila na hindi ko nagustuhan ay matitikman nila kung paano ako magalit lalo pa na hindi dapat nila pinakikialam ang pag-aari ko."

Ako naman ang napakunot noo sa sinabi niya. Ano yung pag-aari niya na pinakialaman nung dalawa?

Umalis na sa harap ko si Clyde at nagtungo na sa pintuan. Babalik na yata ito sa office niya matapos ang  interrogation na ginawa niya sa akin. Nakakaintimidate siya kung makatingin kanina kaya talagang kakabahan ka kung paano ka sasagot sa lahat ng tanong niya.

"Always remember that you are mine, Sandra" he said and then he left. Umalis na siya pero nakatingin pa rin ako sa pintong nilabasan niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya?

May pumihit na naman ng doorknob kaya napatayo ako sa kinauupuan ko, bumalik siya. Pagbukas ng pinto ay nadismaya ako ng makita sila lang yung dumating, sila Kim lang pala.

"Anong nangyari sayo. Nang makita mo kaming pumasok bigla ka na lang sumimangot dyan, Cassandra. Sige aalis na lang kami para magsolo ka dito. Ang ganda ng bati mo sa amin."this time naman si Kim ang nakasimangot. Hindi ko na napansin ang itsura ko ng pumasok sila.

"Hindi naman sa ganon. May naalala lang ako. Kamusta naman kayo? Para kayong zombies ngayon?"

Parang hindi dinaanan ng suklay yung buhok ni Kim na dating napakaayos nito tuwing pumapasok siya. Si Laurel naman ay sobrang putla. Hindi man lang ito nakapaglagay ng lipstick na dati naman ay mapapansin agad ang red lips niya tuwing umaga at si Brix naman ay kung dati nakagel pa kung pumapasok ngayon naman ay parang pugad na yung buhok niya. Si Hanz lang ang normal sa kanilang apat.

"Maglalasing kasi hindi naman ayan ang napala niyong tatlo. Alam niyo na may pasok pa tayo kinabukasan tapos nagpakalango kayo sa alak" sita ni Hanz sa kanila.

"Oo na, Hanz. Huwag mo na kaming pagalitan. Masakit pa nga ang ulo namin dadagdagan mo pa" pagsusungit ni Laurel.

"Bago magkalimutan. Kayong tatlo bayaran niyo ang lahat ng ininom niyong alak kagabi. Naglasing kayo pero hindi man lang nagiwan ng pambayad."

"Magkano ba?" Tanong ni Brix.

"3500 kay Laurel,3000 kay Kim at 6000 sayo Brix"

"ANO! BAKIT ANG LAKI NAMAN NG BILL KO!?"

"Nagtanong ka pa yung pinasukan nating bar kagabi ay sikat na bar sa buong pilipinas. Anong tingin mo sa presyo ng alak nila dun katulad sa tindahan. Sarap na sarap ka sa kakainom kaya magdusa ka. Magbayad ka."

"May mark-up yata yung bill namin sayo. Tingin ko hindi man aabot ng 4000 yung sakin. Pinatungan mo no!!"

"Kung gusto mong magreklamo, bumalik ka sa bar para tanungin mo yung presyo ng mga nainom mo at kapag totoo ang sinabi kong bill mo ngayon. Doble na ang ibabayad mo sakin. Ano laban ka?"

"Oo na magbabayad na lang ako. Bwisit talaga wala na akong allowance nito." Nagsikuha na sila ng kaniya kaniyang pera sa mga wallet at nagbayad kay Hanz. Siguro madadala na sila.

Natapos na rin ang bangayan nila at ilang sandali ay nagsimula na kaming magtrabaho. Kahit masama ang pakiramdam nila ay wala silang magagawa kundi ang magtrabaho dahil may deadline pa kaming hinahabol ngayon. Sa ilang sandali lang ay nakalimutan ko rin ang nangyari sa pagitan namin ni Clyde kanina.

*********************
Kinuha ko na ang susi ng apartment ko sa bag ko. Kakauwi ko lang ngayon at may kailangan pa akong tapusin. Binaba ko na ang lahat ng files na bitbit ko at ang bag ko sa lamesa.

Pumasok na muna ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit dahil naiinitan na ako sa suot ko. Nang matapos ako ay umupo na ako sa sofa at kinuha ang files na bitbit ko kanina. May itatanong pala ako kay Laurel. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko. Mula pa kagabi ay hindi ko man lang nagalaw ang cellphone ko. Nakasilent rin ito dahil maingay sa bar kagabi at hindi ko rin naman maririnig.

Pagkaswipe ko pa lang sa screen ng cellphone ko ay may lumitaw na agad na messages at missed calls from unknown number

58 messages
76 missed calls

Sino kaya to!?

____________________________________
Sorry talaga sa sobrang late ng update ko. Naging busy lang sa competition na sinalihan namin kaya kailangan kong magfocus dun. Salamat sa mga nagvote sa mga chapters ng story ko. Sa mga bagong followers ko at lalong lalo na sa mga comments niyo. Sobrang saya ko kapag nababasa ko ang mga comments niyo dahil naappreciate niyo ang story ko.

Sana suportahan niyo pa rin ang story nila Cassandra at Clyde. Magcomment na rin kayo. Salamat ulit.

Do vote, comment and follow me. :)

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon