Chapter 22 - Settling scores (August 02, 2011)

1.1M 15.7K 3.1K
                                    

DATE POSTED: August 2, 2011


Chapter 22 - Settling scores

Narating nila Phoebe ang bahay nila. Humigpit muna ang hawak ni Kent sa kamay niya bago nito binitawan, ng makapasok na ang kotse nila sa may gate.

Natapos magpark si Kent.

Akmang bababa na sana si Phoebe ng magsalita si Kent.

"Stay."

Stay? Parang aso lang.  Sai isip-isip ni Phoebe.

Pinagbuksan siya nito ng pinto. Hindi siya natuwa. Naalala niya parin kasi si Elisa na pinagbubukasan ni Kent ng pinto.

Hinawakan na naman ni Kent yung kamay niya habang pumapasok sila sa loob.

Holding hands forever ang drama?


"Oh?? Suspended ang klase? Half day lang kayo?" gulat si manang Lourdes dahil maaga silang nakauwi.

Umiling si Kent. Magkahawak pa rin ang kamay nila kaya medyo napatingin doon si manang. Ngumiti ito.

"May pagkain manang?" tanong ni Kent.

"Meron. I-microwave mo na lang at kanina pa yan."

"Okay lang po."

Dinala siya ni Kent sa kitchen. 

Nang makarating sila doon, Hinila na ni Phoebe ang kamay niya.

"Bitiwan mo na ako. Aso ba ako na hihilahilahin mo lang?"

Hindi sumasagot si Kent. Busy ito sa pagaayos ng pagkain.

"Ano ba?! Kung makaasta ka dyan ah! Ikaw pa rin masungit? Forever ka ng masungit!" inis na si Phoebe.

Di pa rin umiimik si Kent, nakatingin lang ito sa microwave.

"Ewan ko sayo bahala ka! Sungit!!!" tuluyan ng nagwalk out si Phoebe.

"Ano ba Phoebe! Kumain ka nga muna eh, kaya ka nahihimatay niyan eh!" tska nagsalita si Kent.

Pero hindi nya ito pinansin.

Umakyat siya at pumasok sa kwarto, isasara niya na ang pinto ng humarang ang kamay ni Kent at naipit ito.

"Ouch!!"

Nagulat si Phoebe.

"Ikaw naman kasi! Sino ba naman kasi ang nagsabing ilagay mo yang kamay mo dyan?!"

"Papasukin mo na muna ako." sabi ni Kent.

Naawa naman si Phoebe.

Napansin niyang may kaunting dugo ang daliri nito.

Hala nasugatan siya

"Masakit ba?" tanong niya.

Pero di sumagot si Kent. Hinawakan ulti nito ang kamay niya.

"Listen Phoebe."

"Sandali lang, kukuha lang ako ng band aid." Sabi naman ni Phoebe.

Nilagyan niya ng band aid ang dumudugong parte ng kamay ni Kent.

"Phoebe." sabi ulit ni Kent.

Di makatingin si Phoebe. Kung kelan may time na para magkaliwanagan sila. Hindi niya alam ang sasabihin niya.

Anong itatanong ako? Itatanong ko ba kung ano ba ako sa kanya? Kung mahal niya ba ako? Mahal ko na ba talaga siya? Anoo???


Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon