78: Magic Word: Sorry ='>

Beginne am Anfang
                                    

"Meet Daryl Bryler and Kim Brielle" halatang naguluhan sya sa sinabi ko.

"Our twins" biglang may tumulong luha sa pisngi nya, kahit ako man din hindi ko na napigilang maluha.

Karga nya si Bry habang nakatitig saming dalawa ng anak nya, tuloy tuloy ng bumagsak ang luha ko, "Patawad Mike, tinago ko sayo ang baby naten. Patawad dahil pinaniwala kitang patay sila.. I'm so sorry"

 

Umiling sya pero hindi pa din nagsalita. Nakaramdam agad ako ng takot, takot na baka magalit sya. Paano nga kung magalit sya? Paano nga kung kamuhian nya ako?

"Patawarin mo ako Mike, hindi talaga anak ni Sena si Bryler, wala syang anak.. Anak naten sila, patawad." napahagulgol na ako sa sobrang tensyon, natakot ako sa reaksyon ni Mike. Hindi sya nagsasalita, tanging luha lang ang sagot nya.

"I'm very sorry.. Please forgive me.." kasabay ng muli kong pag-iyak ang syang pag-iyak ni Kim, pakiramdam ko nakikisabay din sya sa nararamdaman ko.

Lumapit sakin si Mike, gamit ang kanang kamay nya hinawakan nya ako sa ulo at hinalikan ako sa noo.

"You don't have to say sorry baby, this is not your fault.." maluha luhang sabi nya, inangat ko ang ulo ko at tinitigan sya sa mata

"I don't have words to say, masyado akong masaya, akala ko ikaw lang ang babalik, hindi ko akalain na tatlo pa pala kayong babalik sakin.." hinawakan nya ako sa pisngi at saka pinunasan ang luha ko.

Wala akong masabi, masaya ako, masayang masaya ako.

"Ilang beses kong kinausap ang Diyos, ilang beses kong hiniling na sana ibalik ka na nya sakin, masyado pala talaga syang mabait dahil ikaw lang ang hiningi ko pero tatlo kayong binigay sakin.."

My words are empty, tears are full, but my happiness is over flowing.

 

"I'm sorry baby, hindi kita nasamahan sa delivery mo, hindi ko nabigay yung mga gusto mong kainin, sorry kung wala ako sa tabi mo habang naglilihi ka, patawad kung hindi ko nahawakan ang kamay mo bago ka manganak, sorry kung hindi ko nahawakan ang tiyan mo habang sumisipa sila, patawad kung wala ako sa tabi mo kung kelan kailangan mo ng asawa, patawad Gabril.. Patawad.."

 

Mas lalo nya pang nilapit ang mukha nya sakin, ako nama'y nanatili pa ding nakatayo.

 

"Mylabs wala kang kasalanan, ako ang lumayo sayo, kasalanan ko dahil hindi kita hinayaang magpaliwanag, alam ko na ang lahat Mike, pinaliwanag na sakin ni kuya. Yung tungkol kay Andi pati na din yung kay Erosh. I'm so sorry, sana hinayaan kitang magpaliwanag, e di sana hindi---"

Nanlaki ang mata ko at halos hindi ako nakagalaw. Bigla nya kasi akong hinalikan, natameme ako sa ginawa nya.

Hawak ng kanang kamay nya ang batok ko habang ang isang kamay nya naman ay karga si Bry, ako? Eto karga ko si Kim. Kasabay ng pagtahimik ko ang pagtahimik ng dalawang baby, parang nakikisama sila kay Mike.

Bed Romance (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt