Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oh my God si Harley!!!!"

"Shheeemay! Maganda ba ako ngayon?"

"Ang gwapo!!! Hi Harley!!! Anong kailangan mo???!!"

Nagtilian ang mga ibang babaeng nagchichismisan kanina ng makita si Harley na pumasok ng classroom.

"Fibs... si Harley nasa classroom." Binulong ni Jhone kay Phoebe na nakatungo pa rin sa desk.

"Please Jhone, ayaw ko ng kausap.... Please sige na..." mahinang sabi ni Phoebe.

"Isabelle?" nagsalita si Harley.

Lalapitan na sana niya si Phoebe pero nagtilian na naman ang mga tao sa classroom.

"Sheet end of the world na ba!!!!!!!!!! Bakit nandito sa classroom ang dalwang hottie????"

"Waaaah! Anong ginagawa nila dito? Kanina si Harley lang ngayon pati si Kent Eeeeeeek!"

"Oh my gosh!!!!

"Ano 'to?? May napanalunan bang price ang section D kaya nandito sila?

Kung anu-anong pinaguusapan ng mga tao. Sobrang star-strucked sa mga celebrity.

"Anong ginagawa mo dito?" bulong ni Kent kay Harley dahil alam niyang marami na ang mga nakatingin sa kanila.

"Ano na naman ang ginawa mo kay Isabelle?" pabulong na tanong din ang isinagot ni Harley.

Nagtinginan sila at sabay lumapit sa nakayukong si Phoebe.

Pero humarang si Jhone.

"Please. If you care for her hwag kayong gumawa ng eksena dito. Gusto niya daw mapag-isa." bumubulong din si Jhone.

Pero walang nagpapigil sa dalawa. Lumapit ang mga ito sa magkabilang upuan sa tabi ni Phoebe.

Lalong nagbulungan ang mga tao.

"Anong problema?? Bakit nila nilapitan si Bernal"

"Malay ko, baka isa dyan boyfriend nya???"

"Naku ha hindi pwede yun!!! Baka friends friends lang sila!!! Ang swerte naman niya."

***

"Phoebe."

"Isabelle."

Sabay na sabi nila Kent at Harley sa nakatungong si Phoebe.

"Please....." yun lang ang nasabi ni Phoebe habang nakatungo pa din.

"Hindi ako aalis dito hanggang di ka nakikipag-usap" sabi ni Harley.

Pero walang reaksyon si Phoebe. Nakatungo pa din ito. Masakit na ang ulo niya dahil hindi pa siya kumakain.

 Ah nahhihilo na ako ah! Nagugutom na rin ako.  Naisip ni Phoebe habang nakatungo. Kumakalam na talaga ang sikmura niya sa gutom dahil hindi siya nakapagalmusal at hinintay nga niya si Kent mag-lunch.

"Phoebe naman. Makinig ka muna. Hwag kang parang bata, tumingin ka sa akin" Bulong naman ni Kent.

"Ang dami na pong nakatingin baka hindi nyo alam" sabi ulit ni Jhone. Pati kasi sa labas ng classroom ay may mga tao na.

"Isabelle, ano bang problema mo? Sinaktan ka ba ni Kent?" tanong ni Harley.

"Dude kung magsalita ka parang wala ako dito ha" mahinang sabi Kent.

"Tsk! The truth hurts ah!" sabi naman ni Harley.

"Umayos ka ng pananalita mo ha!!" napapalakas na talaga ang boses ni Kent.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon