Chapter 21 - Concern (August 02, 2011)

1.1M 14.5K 2.1K
                                    

DATE POSTED: August 2, 2011


Chapter 21 - Concern

Hindi napansin ni Kent na nasa may gilid ng parking space sina Phoebe at Jhone. Malalim kasi ang iniisip niya at naiirita siya sa katabi niyang salita ng salita.

Busy si Kent sa pagpapa-park. Kung hindi niya napapansin sina Phoebe sa gilid, napansin naman agad sila ni Elisa.

"Pagbuksan mo ako ng pinto ng kotse.... gentleman ka naman diba?" Request nito kay Kent.

"May kamay ka at paa, kaya kaya mong pagbuksan ang sarili mo" sabi naman ni Kent habang nagmamaneobra sa parking space.

"Bahala ka, di ako aalis dito sa kotse mo hanggang di mo ako pinagbubuksan!" pagmamaktol ni Elisa.

"Oo sige para ma-suffocate ka!" sabi naman ni Kent ng sandaling nakapagpark na siya.

Mabilis ang aksyon ni Elisa, kinuha niya agad ang susi mula sa ignition.

"What!!!? Give me that!"

"Ibibigay ko ang susi kapag pinagbuksan mo ako!!!" nakatawang sabi ni Elisa

Walang nagawa si Kent. Di niya pa rin napapansin sila Phoebe at Jhone dahil gusto niyang bugbugin si Elisa.

God damn you! Kung hindi ka lang babae eh!!! Naiisip ni Kent nang bumababa na siya at pinagbubuksan ito.

Inilahad niya ang kamay niya para sa susi.

Ngumiti si Elisa sa kanya habang nilalagay ang susi sa kamay niya sabay haplos pa dito hanggang hindi na binitiwan ang kamay niya.

Narinig ni Kent na may sumigaw.

"Fibs!"

Boses ni Jhone yun ah.

Lumingon siya at nakita niyang tumatakbo palayo si Phoebe.

Shit! anong nakita niya?

"Wait Phoebe!" tawag niya dito.

Biglang humarang si Elisa sa harap niya.

"DAMN YOU!" sigaw niya dito.

"Huwag kang mageskandalo Kent! Hayaan mo siya!" sabi ni Elisa.

"Get out of my way! Kapag hindi na talaga ako nakapagpigil makakatikim ka na!" sinigawan na talaga ni Kent si Elisa..

Mukhang natakot naman si Elisa at tumabi.

Tumakbo si Kent para sundan si Phoebe.

***

Hilam na ang mata ni Phoebe. Di niya na alam kung saan siya nagtatakbo. Di niya rin alam kung bakit siya umiiyak.

"Fibs!" nakasunod pa rin si Jhone sa kanya.                                  

Nakasalubong nila si Harley.

Napatigil si Phoebe pero naisip niya na sobrang magulo na ang utak niya kaya wala siyang panahon para makipag-usap dito.

Tumakbo siya ng classroom nila. Pinunasan niya ang luha niya dahil may iilang tao na rin doon. Mukhang hindi naman siya napansin dahil tuloy pa rin ang mga ito sa chismisan.

Sumubsob na lang siya sa desk sa ibabaw ng dalawang kamay.

"Fibs" narinig niya si Jhone sa tabi niya. Hinihingal siya pero mukhang mas hinihingal si Jhone.

Di siya sumagot. Gusto niya sanang mapag-isa pero wala naman siyang maisip na puntahan maliban sa classroom nila.

"KyyyyAhhhhh!!!"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon