Chapter 7

1 0 0
                                    

Celine’s POV

“Uy, kilala nyo ba yung bagong transfer dito sa school natin na magaling sa basketball?” –Girl1

“Hindi nga eh. Balita ko gwapo daw.” –Girl2

“Naku, oo gwapo nga. Nakita ko na sya kahapon sa gym kasi may practice yung basketball team, yun nga lang malayo sya. Pero gwapo pa rin, haha. Tsaka magaling maglaro.” –Girl3

“Puntahan nga natin mamaya nang makita natin.” –Girl2

“Sige, tara mamaya.” –Girl3

Naku, kahihilig sa gwapo talaga nitong mga classmate ko. Hindi pa rin sila nagbabago, ang dami-dami pa nilang crush dito sa campus. Pero sino kaya yung bagong transfer na yun at mukang pinagkakaguluhan ng mga girls. In what year na kaya sya in college, pag nalaman na naman ng mga classmates ko info nya mag-start na sila huntingin yun. Lol.

Gusto ko tuloy makita yung guy na yun, yayain ko kaya si best? Katabi ko sya ngayon, andito kasi kami sa classroom. As usual, nagbabasa lang sya lagi ng notes nya. Okay lang siguro kung kausapin ko muna sya.

“Best, gusto mo daan tayo saglit sa gym mamaya before umuwi?” –Celine

“Bakit? You’ll look for the transfer student or for James?” –Andy

“Ha? Bakit naman nasali sa usapan na ‘to yung taong yun.”

“…”

“Basta punta tayo mamaya, kahit saglit lang.haha.”

“Ang bitter mo.”

“Well, who’s talking.”

“…”

Itinuloy nya na yung pagbabasa nya. Galing talaga ni best, nainis nya ko dun ah. Bakit ba kasi lagi nya nababanggit yun. Ayaw ko na nga sya maalala eh, past is past na. Siguro nagtataka kayo kung sino si James. Siya lang naman yung ex boyfriend ko. Kung di kami nagbreak, sana 3 years na kami together. Pero that’s life eh. Para sakin siguro meron pa na mas importanteng tao sa buhay ko kaysa sa kanya. Hayaan na nga muna natin sya. Makakapagdrama lang ako.

Natapos na rin yung last subject namin. Pwede na kami pumunta sa gym. At dahil may bagong gwapo sa campus, ayun naunang nagsipulasan yung mga classmates naming girls. For sure puno na naman ng mga babae yung gym kasi laging may practice yung basketball team.

“Girls, baba na tayo. Dali!” –Girl1

“Wait, teka. Nag-aayos pa ako!” –Girl2

“Tama na  yan.” –Girl1

“Konti na lang, madami kayang tao dun?” –Girl3

“Alis na nga tayo baka maunahan pa tayo.” –Girl2

“Best, samahan mo ba ko?” –tanong ko.

“May magagawa pa ba ko? Eh sabay tayong umuuwi.” –sagot nya habang nag-aayos ng gamit nya.

“Salamat.” –sabi ko naman habang nakangiti sa kanya.

Eto nakababa na rin kami, sa 2nd floor kasi yung room namin. Dumeretso kamo agad sa may gym kasi saglit lang naman talaga kami dun. I-check ko lang kung sino yung bagong guy dun tsaka kahit papano makita si James kung okay naman sya.

Pagpasok namin, umupo kami sa bleachers. Nanood kami saglit ng practice game nila. Sabi ko na nga ba eh, ang daming babae dito ngayon at galing pa ng iba’t ibang college. Meron pa atang mga outsider kasi di sila naka-uniform eh.

“Sino kaya dyan yung transfer student na yun?” –Celine

“…” –Andy

Si Andy naman di ako pinapansin :3 ayun, nagbabasa lang ulit sya. Ako naman eto hinahanap yung sinasabi ng mga classmates ko. Siya yung naka-shoot ng bola sa ring kaya tilian yung mga girls. Tumingin ako kay best pero wala lang sa kanya. Di sya apektado ng mga tao sa paligid.

“Look out!”

Nagulat ako nang may sumigaw ng malakas. Tapos akalain mong tatamaan pala ng bola si best. Naku magagalit to panigurado. Masyadong mabilis yung mga pangyayari. Nakita ko na lang hawak nya yung bola at yung mga gamit nya nakalaglag na sa sahig. Napatingin sya sakin. Laking gulat ko nang dahan-dahang tumutulo ang dugo mula sa kanyang ilong. “Tinamaan ba sya sa mukha?” tanong ko sa sarili.

Agad naming nagsilapitan yung buong team sa lugar namin at nakita nila yung nangyari kay Andy.

“We’re very sorry girls.” – sabi ng coach nila.

“Huwag po kayong magsorry sa sakin., sa kanya po.” Sabi ko naman.

“I’m sorry.”

Sino yung nag-sorry? The transfer student lang naman. So, dahil sa nangyari lahat ng tao nakatingin samin. Hindi pa rin kumikibo si best nang bigla siyang tumayo. Nakayuko sya at inabot sa transfer student na yun yung bola ng patulak, may pwersa. And because of that I know nag alit sya. Kinuha nya lang agad yung gamit nya na hawak naman ng isang player kasi nagkusa naman syang kunin yung mga gamit na nalaglag.

Marami ang nagulat. Sino ba naman kasi di magagalit sa nangyari pero pag ganun ang ginawa mo sa isang tao lalo na’t bago lang sya dito at di mo pa kilala eh magtataka ka. Naisip ko lang, madadagdagan na naman popularity ni best dahil sa transfer student na yun. Kasi both of them ay kilala sa campus.

Third person’s POV

Sa locker room…

“Hey, kilala mo ba yung girl na tinamaan mo?” –Guy1

“Not really.” –matipid na sagot ng transfer student.

“Well, kung papansinin mo hindi sya yung ganung kagandahan kasi di sya pala ayos.”-Guy2

“Pero kilala sya within tha campus. Ang naririnig ko, marami ang nagagandahan sa kanya yun nga lang may pagkamasungit.” –Guy3

“You can say that but that’s true. Last year, kinukuha kong syang manager for the basketball team but she turned down my offer. She said that she’ll think about it first pero the next day umayaw na sya.” –Coach

“Hindi rin sya madalas sumali sa mga party at pageants kahit maraming may gusto na sumali sya kasi sure na panalo nya kasi maganda sya at matalino. Lagi lang kasi nakafocus sa studies nya kaya ganun. Well, we can prove it all right here. Lahat ng sinasabi natin about her were true, right James?” –Guy4

Lahat ng tao sa room na yun ay nagtinginan kay James, ex ni Celine.

“Yeah, that’s true. Ewan ko ba sa babaeng yun kung bakit ganun. Alam nyo kasi kung mapapansin nyo nasa kanya na lahat, mabait, matalino, maganda, hindi maarte, matulungin, pero maliban lang sa pagiging masungit.” –James

“Tumpak! Sinabi nyo pa.” –Guy2

“Bakit sya ganun?” –tanong ni transfer student.

“Alam ko lang, may past sya na yun ang naging reason for her to be like that. “ –James

“Sayang naman, kung hindi lang sya ganun matagal ko nang niligawan yun eh.” –Guy1

“Madami kayang nagbabalak manligaw dun pero lahat sila natatakot kasi masungit sya at di palakibo.” –Guy4

“Kayo ha, kung sino yang maisipan nyong pag-usapan. Rememeber, we still need to say our sorries as a team.” –Coach

“Yes coach.” –Guy3

“Kahit pagkakamali ng isa, we need to do it as a team, okay? And I’m also planning to ask her again about being the team manager. All of you need discipline and she’s a good fit for it.” –Coach

“Yes coach!” sabi nilang lahat.

PORTRAYERS OF LOVE (On-going)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora