Chapter 3

3 0 0
                                    

Little Andy’s POV

“May bagong lipat tayong kapitbahay ah.“

“Talaga daddy? Nakilala mo na sila?” sabi ng isang batang babae.

“Not yet sweetheart. Pero they invited us for dinner tonight.” Sagot ng daddy nya.

“Kaya maaga kang umuwi mamaya pagkatapos mo makipaglaro sa best friend mo.” –Mommy

“Yes mommy.”

After ko makausap sila mommy at daddy, pumunta na ko kina best. Lagi ko tong ginagawa kaya sanay na rin ako. Nalaman ko na halos lahat ng kapitbahay dito sa subdivision ay invited tsaka parang welcome party na rin sa bagong kapitbahay namin kaya sure na pupunta din sila best.

“Best, sino kaya yung batang lalaki na yun oh?” tanong ko.

“Di kaya sya best yung anak ng bago nating kapitbahay?” sagot niya.

“Baka nga pero parang sakitin naman ata sya kasi may kasama pang syang nurse.”

“Oo nga no? Eh malalaman din natin yun mamaya kaya hintayin na lang natin.”

Katapat kasi nung bahay nila best yung bahay nung bagong tira dito. Kaya nakikita namin sya kasi medyo malapit din. Napansin ko na nakita nya akong nakatingin sa kanya. Napatitig na lang din ako tapos bigla nya akong nginitian. Kaya nginitian ko na lang sya. Mukang mabait naman pala sya eh. Nasabi ko tuloy sa sarili ko, “Tonight, he’ll be my new friend.”

That night, inayusan ako ni mommy for dinner. Gumawa din sya ng baked macaroni for the neighbors. Dinala namin yun pagpunta namin sa bahay nila. Winelcome naman kami ng Conjuangco Family, to be specific, sila yung bagong lipat dito. “So nag-iisa lang pa lang syang anak?” tanong ko sa sarili. 3 lang kasi sila na sumalubong sa amin malapit sa pinto. Nginitian ko lang naman sila pagpasok namin.

Hinanap ko agad si best ko at nakita ko naman sya agad. Nilapitan ko sya at kumuha na rin ng makakain para sabay kami. Maraming magulang at bata rin ang nandito. Niyaya ko si best sa bandang pool area after naming kumain.

“Best, tara dun oh? Sa may pool.” Tuwang sabi ko sa kanya.

“Opo, tayo sa gilid ng pool. Haha”

Pumunta na kami at umupo sa gilid ng pool. Sa tuwa namin, inilublob namin ang paa namin sa tubig nang may biglang nagsalita.

“Kayo yung bata sa tapat kaninang umaga di ba?” Tanong nya.

“Oo kami nga.” Sagot ni best.

“By the way, I’m Vincent. And you are?”

“I’m Celine.”

“And I’m Andy.”

“Can I join you?”

“Sure.” Sagot namin ni best.

That time, nagkwentuhan lang kami about sa mga sarili namin. Lahat ng tungkol samin, parang close na agad kami parang ganun. Nagkayayaan pa nga na maglaro kami sa park every weekend. Ang saya ng gabi ko nun kasi nadagdagan ang friends ko. Hopefully, masundan pa.

Pero may isa pang nakakapagtaka. I saw someone at their terrace. Parang halos ka-age lang namin. Alam ko lalaki sya kasi parang si Vincent lang pero I’m not sure. 7 years old kami ng best ko at 8 years old naman si Vincent, actually mage-eight palang sya, nang magkakila-kilala kami. Kaya puro laro lang nasa isip namin, hehe. Pero syempre nakafocus din kami sa studies namin kasi pare-pareho pala kami honor students.

“Uy, attend kayo sa birthday ko ha?” tanong ni Vincent.

“Oo naman, kelan bay un?” sagot ko.

“Medyo matagal pa naman pero sinabi ko na total you’re my friends di ba? I heard din kasi na my parents were planning about it na so is it a deal?”

“Deal!” sagot ni best.

 Nagtawanan lang kaming lahat kasi parang that time yung naging isa sa masayang araw namin kasi nagkakila-kilala kami. After nun, lagi na kami magkakasama kasi magkakilala na rin parents namin. Kahit sa school, pare-pareho kami. Para ngang din a kami mapaghihiwalay na tatlo eh. Pero dumating yung time na sumubok sa friendship namin, lalo na ako.

PORTRAYERS OF LOVE (On-going)Where stories live. Discover now