Chapter 6

4 0 0
                                    

Celine’s POV

Saturday.

“Good morning best. Okay ka na ba?” bati ko pagkagising ni Andy.

“Yes.” –Andy

“You cried kasi last night tapos nakatulog ka.”

“I know.”

“Sige kain ka na ng breakfast mo then pag may time ka tsaka tayo mag-usap. Pinahanda ko na yung pagkain mo dyan sa sala. Hintayin na lang kita mamaya best.”

“Sige.”

Yun lang ang sagot nya kaya iniwan ko na sya sa kwarto nya. Pumunta naman ako sa kwarto ko para doon magpalipas ng oras. Wala kasi ako magawa. Siguro nagtataka kayo what happened 10 years ago? O kaya kung ano yung nangayri kay best after ng party na yun?

Eto lang ang alam ko. Kinabukasan ng umaga, pinatawag ako ng parents ni Andy. Nagtataka rin ako that time kung bakit. I was accompanied by my parents. Naririnig ko sila na nag-uusap. Narinig ko na walang tigil sa pag-iyak si Andy at di pa sya lumalabas ng room nya. Ang sabi din ng maid, nasa isang sulok lang daw sya at doon umiiyak. Hahawakan daw sana sya nung maid pero hinampas nya to at kitang kita daw ng maid na takot na takot ito kaya agad nyang tinawag nung parents nya.

Nung parents naman daw nya yung pumasok sa room, huminto naman daw sya sa pag-iyak. Ganun din ang nangayari nung lolo na nya yung pumasok. Pinatawag nila ko para tanungin kung ano yung nangayri. Wala akong nasabi kasi di ko rin alam kung ano talaga. Ang nasabi ko lang ay si Vincent ang huli nyang nakausap bago sya umiyak. Buti naman ng ako na yung pumasok sa room nya, din a rin sya umiiyak. Siguro I’m really had a big part on her family na. tumigil lang sya sa pag-iyak pero as usual lagi syang nagi-stay sa sulok ng room nya.

To protect their daughter, hindi na nila na hahayaan na magkita pa daw ang dalawa. So much pain na daw kasi ang naidulot nun kay Andy kahit di nila alam kung ano yung nangyari between sa kanilang dalawa. Nang umabot ng isang taon na ganun si Andy, napilitan na tumira ako sa bahay nila. Well, my parents were not against it. Hindi na kasi pumapasok sa school si best kaya nagho-home study na lang sya. Dahil ako lang ang kaibigan nya, naghome study na rin ako para may kasama sya.

Nung ika-2 years na ganun sya, medyo nagkaroon din naman na ng mga pagbabago. Lumalakad-lakad na rin sya pero sa loob lang ng room nya pero madalas pa rin sya magstay sa sulok na yun. To make things easier for her, lahat ay sa room nya ginagawa. Doon na rin sya kumakain, nagcecelebrate ng mga okasyon kasama ang family nya at nag-aaral, sa room nya lahat yun ginagawa. Pero at the same time nakikita pa rin namin sya at naririnig na umiiyak kapag gabi. Madalas magyari yun kapag nasa sulok sya ng room o kaya kapag nasa bed kapag natutulog.

Puro ganun lang yung nangyayari pero at least there’s a little improvement naman. Nagtry din yung parents nya na ikonsulta sya sa doctor pero nagalit sya. Akala tuloy namin na nabaliw na sya kasi sa room na nya lang sya nagi-stay lagi. Pero things changed after 3 years and 2 months after that incident. She spoke to me.

*flashback*

Nasa sala kami ng room ngayon ni best. Napagkatuwaan ko lang na ipakita sa kanya yung mga albums sa room nya. Ang sarap din kasi na balik-balikan ang nakaraan lalo na nung bata ka pa.

“Celine.” –Andy

I was shocked tha time. Si best nagsalita na rin after so many years.

“Best? Andy? Totoo ba to? You speak to me just now.” –Celine

“Yes.”

I hugged her really really tight. She hugged me back.

After ko ibalita yung nangyari, they prepared a little party for Andy’s recovery. Alam ko na di pa okay sa kanya ang lahat pero at least she can be herself now. Celine na kasi ang tawag nya sakin hindi na best, pero nagets ko naman situation nya kaya ako na madalas tumawag sa kanya ng best. Isa pa, hindi na rin sya madalas ngumiti. Hindi ko pa nakikita ulit yun.

“I love myself and my family including you that’s why I came back but from now on, no trust on everyone.” –Andy

Yun lang ang huling sinabi nya sakin nung hinug ko sya. I want to ask her pero for now, I want her back. I promise myself that I will always stay by her side.

*knock*knock*

“Mam Celine, pwede na daw po kayong pumunta sa room ni Mam Andy pag wala na daw po kayong gagawin.” Sabi ng katulong.

“Sige, salamat po”

Eto na yung pinakahihintay kong pagkakataon. Malalaman ko na kaya lahat ngayon? I hope so. Pero di ko sya bibiglain baka kasi bumalik na naman sya sa dati, mahirap na. nag-ayos na ako at pumunta sa room nya. Pagpasok ko, I saw her looking outside her window na parang malalim yung iniisip.

“Best?” sabi ko.

“Gusto mo bang malaman what happened 10 years ago?” biglaang tanong nya.

Nagulat lang ako kasi after all these years ngayon lang sya magsalita about it.

“Yes” yun lang ang naisagot ko sa kanya.

Umupo na ako agad sa sofa kasi nag-umpisa na syang magkwento. Dun sya nagumpisa sa kung ano yung nanyari sa party nung magkausap sila ni Vincent. I find it really hard to believe kasi ibang-iba yung Vincent na nakausap ko back then sa Vincent na kinukwento nya. Sinabi nya rin sakin yung nararamdaman nya. Wala akong masabi sa kanya kasi deep inside her may pumapatay nap ala sa kanya.

Because of what happened, I know na the reason why she stopped smiling. I remember now, the last thing she said when she recovered- “No trust on everyone.” Alam ko na why she sid that to me, dahil na rin sa sinabi ni Vincent. I don’t blame anyone pero I might agree on Vincent with that thing. I know kasi na masyadong mabait bestfriend ko para sa ibang tao. Tsaka masayahin din sya kaya kahit gusting-gusto sya ng ibang tao mayroon din na totoong may ayaw sa kanya. Sabi nga ni Vincent, pera lang ang habol sa kanya.

PORTRAYERS OF LOVE (On-going)Where stories live. Discover now