Chapter 2

4 0 0
                                    

Andy’s POV

“Hello?” sabi ko.

[…]

“Sino to?”

[…]

“Kung ayaw mong magsalita, bahala ka.” Biglang sabi at bago ko pa man ibaba ang telepono, nagulat ako sa nagsalita.

“Andy.”

Bigla kong binababa yung telepono. Nanginig ang buong katawan ko. Alam ko. Kilala ko kung kanino ang boses na yun. Bakit nya ko tinawagan? Madalas kasi na nakakareceive ako ng mga tawag na di naman nagsasalita yung kausap ko kaya binababaan ko lang. At ngayon, first time na may sumagot. Hindi kaya iisa lang ang taong laging tumatawag sa akin?

Pagkatapos ng 10 taon, ibinaon ko na sa limot ang lahat. Masasabing kong sobrang tagal naman ng 3 taon bago ako naka-fully recovered sa mga nangayri noon. Siguro bata pa ako noon kaya naging masyado akong emotional. Pero pagkatapos non, sapat na rin ang 7 taong iginugol ko para sa sarili ko.

Lunes. First day of school.

Celine’s POV

Papasok na ako ngayon kasama si best. Sobrang saya ko ngayon kasi sa wakas, hindi na puro sa bahay ako magi-stay. Pero sure ako, mas gusto ni best dun. Mas gusto niya magkulong sa kwarto niya pero di ko siya masisisi.

“Panigurado ako, ang saya-saya mo kasi makikita mo na mga kaibigan mo.” Sabi ni best.

“Syempre naman best, tsaka kasama naman kita eh.” –Celine

“At si James.”

“Andy!”

“Bakit ba kasi naghiwalay kayo? Eh di sana 3 years na kayo.” –Andy

“Eh?! Kailangan ba na banggitin mo yan? Best naman eh..” sagot ko.

“Kung inaalala mo ako, wag na. Kaya ko sarili ko. Trust me.”

“Pero best..”

Hindi na kumibo si best. Nakatingin na lang sya ngayon sa bintana ng kotse. Alam ko na ibig sabihin nun. Ayaw pa nya na pag-usapan pa ulit kung ano man ang nakaraan.

Nakarating na din kami sa University. Dumeretso na lang muna kami agad sa room namin dahil medyo on time na nung dumating kami kaya baka maagang pumasok ang professor namin.

Habang naglalakad kami, may nakabunggo kay best kaya ayun nahulog yung iphone nya.

“Ano ka ba?! Mag-ingat ka naman!” sabi ni best, as usual naman kasi lagi na syang ganyan outside our house. Naging ganyan na sya ka-cold kahit kanino.

“Sorry. Di ko-“ naputol na sagot nya.

Nagulat kaming tatlo pare-pareho. Di naming inaasahan na mangyayari to kaya naalala ko yung napag-usapan namin nila mommy kahapon.

“Vincent?!” pagulat kong sabi.

“Celine? … Andy?” –Vincent

Umalis na si best. Dire-diretso lang sya kaya sumunod na din ako, papunta na kami sa room namin. Hindi na sya nagsalita. Hinayaan ko na lang kasi panigurado mag-uusap kami mamayang gabi. Ano ba kasi talagang nangyari at naging cold na si best? Ang kototohanan, si Andy at si Vincent lang ang may alam.

PORTRAYERS OF LOVE (On-going)Where stories live. Discover now