two.

11 3 0
                                    



"Bullshit. Shit shit. Out na!"



Pinanlisikan ko ng tingin si Kiko na kanina pa tawang-tawa sa akin.


Akmang hihilahin niya na naman ako kaya naghulog ulit ako ng isang token sa PacMan Machine. "One more." Ngumisi ako bago pindutin ang start.


"Halika na nga. Kanina ka pa jan eh. Nagtetext na si Troy, nagmumukha na daw siya third wheel kasama yung si Steph at Leo eh!"


"Eh ako? Sa tingin mo gusto kong makita yung dalawang yun. Naku, babatuhin ko ng bomba yung babaeng yun eh. Gago naman si Leo, Barkada Day Out tapos magsasama? Shit lang. Halika na nga. Out na ako."


"Finally." Napa-buga siya ng hangin. "25 minutes ka na din jan eh. Tagal ah."

"Gusto mo isa pa?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hindi na nga. Mabait ka kako."

"Good." Palaro ko namang ginulo ang buhok niya na agad din niyang inayos.



Naglakad naman kami papunta sa race machines. Ang fave corner ni Leo. Naabutan namin siyang tinuturuan si Steph mag-drive. Si Troy naman ay halos malaglag na ang nguso sa kakasimangot.

"Problema mo?" Tanong ko kay Troy.

"Kanina third wheel, ngayon fifth wheel. Sana nagsama din ako ng babae." Bulong niya.

"Anong fifth wheel?" Tanong naman ni Kiko. "Tayo ang magka-date. Ayoko kay Aya."

Halos mapaubo ako sa ginawa ni Kiko. Hindi siya nahihiyang i-holding hands si Troy na pumapalag naman.

"Sinabi ko bang gusto kita?" Pagtataray ko sa kanya.

"Kakasabi mo lang. Hahaha! Ikaw ah. Crush mo ko eh. Sus inamin mo din." Pang-aasar lalo ni Kiko.


Nagpalingon-lingon naman ako at napansing pinagtitinginan na kami ng tao. "Gago ka talaga Kiko." Bulong ko sa kanya.

"Change topic Aya, ano feeling makasama ang dalawang yan?"


Napatingin ako kay Troy dahil sa tanong niya. "Sino?"


"Them." Mahina niyang sagot habang isinesenyas si Leo at Steph.


"Masakit yan for sure." Sagot naman ni kiko.


"Yeah." Sagot ko din. "Parang may drill sa dibdib ko." Pag-aamin ko sa kanila. "Wala eh, sila na ba?"


"Hindi PA."



Tumungo na lang ako. So niligawan niya pa talaga si Steph. Sana nga seryosohin siya nito. At ingatan, dahil kung hindi, ako mismo ang maglilibing sa kanya.


A friEndWhere stories live. Discover now