five.

12 3 0
                                    


"Alam mo yung mashakit ha? Yung iba yung gusto niya eh! Hindi mo man sabihin yun. Nafe-feel ko naman. Mashakit. Mashakit talaga." Mangiyak-ngiyak si Leigh habang binibitawan ang mga salitang yun.


This might sound rude, pero tawa ako ng tawa habang hawak ang celphone at tinatapat sa kanya. "Bakit? Mahal mo na ba?" Tanong ko sa kanya.


"Oo naman! Tagal na kaya!" Sagot niya bago lumagok ulit sa bote ng alak na kanina niya pa hawak-hawak. "T*ngina lang. Iba gusto niya."


Napahagikhik ako lalo sa pag-amin niya. "Kelan mo pa ba siya nagustuhan Leigh?"


"Anong tanong yan Aya?" Parang galit niyang tanong. "Ang love, walang schedule. Biglaan na lang. Wala siyang pake kahit may masagasaan. Kahit may plano ka na. Kasi pag nanjan na si Love, guguluhin niya ang utak mo. Ang puso mo. Pati pa schedule mo."


"San mo kinukuha yan? Lalim ah." Pang-aasar ko sa kanya.


"Ssssssh. Wattpad lang yan." Nakangisi niyang sagot.


Pasimple kong pinindot ang Camera at pumulot sa mga pulutan ni Leigh na nakahilera sa mahaba naming mesa. Napalingon naman kaming dalawa nang pumasok ng apartment si mama.


"Hi girls! Inom na naman? May pasok pa kayo bukas ah!" Pabiro niyang bungad bago ako halikan sa noo at bumeso sa lasing na lasing nang si Leigh.


"Si Tita naman eh!" Suminok si Leigh bago magpatuloy sa pagsasalita. "Para makalimot. Ng slight."


"Slight lang ha!" Paninigurado ni Mama.


"Yes Mam!" Sagot naman ni leigh na pilit pang tumayo. But she ended up laying on the bare floor.


Napailing na lang si Mama. "Pasok mo na yan sa kwarto mo. At matulog na kayo."


"Ma naman. Mabigat si Leigh!"


"Tulungan na kita."


Magkasangga naming binuhat ang damulag na si leigh. Matangkad kasi siya kaya may kabigatan. At maganda. Bagay na Model kaso tulad ko, hindi mahilig sa pormang pam-bongga.


"Bahala ka na jan. Goodnight Baby ko." Hinalikan ako ni Mama bago kami iwan ni Leigh na kasalukuyang nakahiga sa kama.


Pagod na pagod akong gumapang at humiga sa tabi niya. Nakita kong gising pa siya at nakatingin pa rin sa labas ng pintuan.


"Aya, alam mo. Masama kutob ko sa ngiti ng Nanay mo." Pagsisimula niya. "Yan yung mga ngiting kinikilig at may pinanghuhugutan."


Tahimik ko namang nilingon si Mama. Mula sa maliit na uwang ng pinto ay nakikita ko siyang nagliligpit ng mga kalat ni Leigh kanina. "Hindi naman siguro masama kung ganon." Bulong ko sa sarili.


Hindi magiging masama kung may magustuhan man ngayon si mama. Hindi naman ako sarado sa posibilidad na dahil bata pa siya ay makakakilala pa siya ng ibang lalaki bukod sa Tatay ko. Pero tuwing bumabalik yung mga panahong iniwan niya kami, parang bumabalik din yung takot. Takot na masaktan ulit si Mama. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang makita siyang umiiyak dahil sa isang taong di siya kayang ipag-laban.


Parang ako kay Kiko. Nasaktan ko siya pero wala akong magawa. Mahalaga siya sa akin pero di ko kayang magsinungaling. Maybe we're friends now. Pero minsan, napapaisip na lang ako. Ano kayang mangyayari pag tumagal kami at nalaman ng lahat? Magagalit ba si Leo? Magseselos ba ito?


"Leigh. Masama ba akong tao?" Tanong ko sa kanya pero napalingon ako sa naka-nganga at humihilik nang si Leigh.


Ganito na lang siguro kami. Tatagal at mananatiling umaasa sa mga taong may mahal na. Ang buhay namin ay masaklap at walang kwenta. Pero wala eh, ito na siguro yung main reason ng pagkapanganak sa amin. Ang umasa sa mga taong hindi namin abot at ang manakit sa mga taong nakapaligid sa amin.



A friEndWhere stories live. Discover now