eight.

11 4 0
                                    


"Bakit?" Tanong ko sa kanya.


Ngumiti siya at lalo pang lumapit. "Bakit?" Tanong niya pabalik. "Hindi mo ba ako kailangan?"


Tahimik ang paligid. It's just me and him. Sana kainin na ako ng lupa. Pero sementado ang apartment.


"Effective yung pick-up line ko sa'yo Aya!" Sigaw niya bigla-bigla. "Namumula ka na oy!"


Napahawak naman agad ako sa pisngi ko at napaharap sa salamin. "Kadiri ka kasi. Ang pangit mo pumick-up." Palusot ko sa kanya. "Magkakasakit ata ako sa trip mo."


"Ganun? Baka hindi rin yan umepekto kay Steph. Wag na nga." Nakasimangot niyang tugon. "Ita-try ko pa sana sa kanya."


---

Supermaket. Walang pinagkaiba sa school. Napapalingon ang lahat tuwing mapapadaan si Leo. Tapos titingin ng masama sa akin pag napansin akong kasama niya.


"Bilisan na nga natin. Ang creepy dito." Bulong ko kanya.


Hindi ko na tiningnan ang mga label. Kahit anong brand na ng ingredients ay ipinasok ko na sa cart.


"Mapapagastos ka niyan eh." Reklamo ni Leo habang isa-isang inaalis ang mga di kailangan sa Cart.


Nasa Dairy Section kami at namimili nang may biglang tumakip sa mata ko. "Guess who." Bulong ng bagong boses. Kinapa ko naman si leo at salamat... nasa tabi ko pa rin to.


"Who you ba? Wala akong pake." Diretsa kong sagot kung sino man ang nagtatakip. At inalis niya rin naman ang mga iyon kaagad.


"Sino ka?" Tanong ko nang makita kung sino ang may-ari ng mga kamay. Oo, gwapo. Matangkad, makinis at bihis mayaman. Artistahin for short.


Napatawa na lang siya. Hindi ko alam pero parang familiar. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tanong niya ulit ng isa pang beses.


"Magtatanong ba ako kung alam ko?"


"Shan Villanueva." Pagpapa-alala niya. "Classmate niyo nina Kiko at leo nung Grade 2."


Mula sa kabilang aisle, nagpakita na rin si Kiko at may dala rin itong cart. Pero groceries din ang laman. "Naaalala mo pa ba si Shan? Yung may crush sa iyo dati?" Natatawa niyang bungad.


Hindi ko alam. But this is one hell day.


---

After 1 hour ng pamimili, nakauwi na din kami agad ng bahay. Sumabay din si Shan at Kiko papuntang Apartment namin ni Mama.


Tahimik naming itinatabi ang mga pinamili nang tawagin ako ni Shan. "Aya, san ba malapit na Store. Pasama naman."


Nagpalipat-lipat muna ako ng tingin kina Leo at kiko. Para silang mga leon na handang lapain ang isa't-isa kahit ano mang oras.


"Hayaan muna natin sila at makapag-usap." Bulong ni Shan. "Mukhang may LQ eh."


Tumungo ako at isinenyas na sabay na kaming lumabas.


Malayo-layo din ang Sari-sari store sa amin kaya't nagkwento ng nagkwento si Shan habang naglalakad kami.


"Kaya kami nawala nung Grade 5 dahil dun sa Aksidente ni kuya. Pinagamot pa namin sa manila eh." Pagpapaliwanag niya.


"Ah. Okay naman na ba siya?"


"Yup. Puma-party na rin eh."


Nagtuloy-tuloy lang ang usapan hanggang makarating kami sa hindi ko gustong pag-usapan.


"Aya, may gusto ka ba kay Leo?" Tanong niya ng mga ilang dipa na lang ang layo namin sa store.


"Bakit mo nasabi?"


"The way you look at him. Iba yung dating." Pagpapaliwanag niya.


"Creepy ba?"


"No way!" Natatawa niyang sagot. "Actually, it's like a genuine love. Yung pure."


"Parang mineral water."


Nagtawanan kami hanggang tanungin kami kung anong bibilhin.


"1.5 liter pong Softdrinks. Tapos 4 na malalaking sitserya." Sagot ko sa tindera.


"Magdagdag ka ng Ice cubes." Utos ni Shan.


"Malamig na yun eh!" Suway ko sa kanya.


"I know." Pa-cool niyang sagot. "May theory kasi ako. Na kung tama ang hinala ko kay Kiko at Leo, magagamit natin yan."


Naguguluhan man ay hinayaan ko na rin siya.


Nasagot ang lahat ng tanong ko ng maabutan naming nagsusuntukan si Kiko at Leo. Tinulungan naman ako ni Shan sa pagpapatigil at pag-gamot sa kanila.


"See? Nagamit din natin!" Kantiyaw ni shan sa akin bago ilagay ang yelo sa mga ice pack para sa mga sugat na nakuha ng dalawa.


A friEndWhere stories live. Discover now