Chapter Seventeen

35 4 1
                                    


I thank the gods dahil Saturday ngayon, but instead na magmukmok ako sa bahay, I chose to drive around the city. Repeating Days by R5 is on my stereo, smooth driving, I just watch the scenes as I passed them by. After the talk with Castille, ay nakapagdesisyon ako, I will entertain boys, naisip ko si Clark, well, he's a good catch.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Clark just sent me a message. Napangiti naman ako, he says he wants to meet up sa The Stairs, nag-ok naman agad ako, matagal-tagal na rin simula nung magkausap kami. After this, wala ng Castille, wala ng heartaches, pero sasaya ba ako?

Nakakainis lang kasi eh! Kung kelan ba naman tumibok ang puso ko, sa tao namang hindi tao! Ugh! Ang gulo! Pero ang nakakalito, hindi na nakakapasok sa utak ko si Castille, posible kayang dahil ito sa damdamin ko sa kanya? Papalapit na ako sa The Stairs, I park my car at lumabas na, I'm quite excited dahil alam ko namang pangangaralan ako ng engot na si Clark. I plastered a smile habang papasok na ako ngunit nabitin ito sa nakita ko.

Si Castille, masayang nakikipag-usap sa babaeng ngayon ko lamang nakita, ang ganda niya, nakakamangha, ang medyo may kalakihan niyang mata ay kumikinang sa tuwing tatawa siya, ni walang kolorete ang mukha niya pero namumukod tangi ang ganda niya. Then insecurity hits me, ang layo.. Sobrang layo ko sa babaeng yun, bagay siya kay Castille, isang perfect para sa perfect. At parang hinalukay ang tiyan ko, I bit my lower lip para hindi ako mapahikbi o mapangiwi man lang ang mukha ko.

"Tory!" Nagulat pa ako sa boses na tumawag sa akin, I search the whole cafe at nakita kong kumaway si Clark sa dulo. Mabilis akong naglakad tungo sa kanya, ramdam ko ang titig ni Castille pero ni hindi ko siya tinapunan ng tingin.

"H-hey.." mahina kong bati sa kanya. Tumayo naman agad siya at pinaghila ako ng mauupuan. Nagpasalamat ako sa kanya ng makaupo ako.

"Order ka muna!" Masigla niyang alok. "Ahm.. Cheesecake na lang tsaka milktea.." kimi akong ngumiti kumunot naman ang noo niya. Shet! Mukhang ramdam ata niya ang pakiramdam ko. Bumuntong-hininga siya at napatingin sa pwesto nina Castille.

"You know what? Castille has his point on that." Nagulat ako sa sinabi niya at napatungo. Alam ko naman eh, kaya lang, mahirap talagang pigilan. Kagat ang labi na napatingin ako kina Castille na ngayo'y ngumingiti sa babaeng animated kung magkwento sa kanya. Napangiti ako ng mapait, pero paano kung ma-in love din sa kanya ang babaeng yan? Sasaktan niya lang din kaya ito?

"Yeah.." mahina kong sambit, napatingin naman ako sa pagtayo niya. "Tinawag na ang order natin, kunin ko lang.." naglakad siya tungo doon sa counter, napabaling ako sa glass wall na makikita ang malimit na sasakyang dumadaan. Biglang umihip ang malamig na hangin, napakapit pa ako sa sweatshirt ko.

Biglang nangamoy red roses ang paligid, napapikit ako and when I opened my eyes, I saw a very as in very beautiful woman standing across the street, she had this late 60's fashion, so as her hair, her lips were brick red and what shocked me was she is smirking at me. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko at halos hindi ako makagalaw, she is creepy!

"Tory!" napakurap ako at napatingin sa mukha ni Clark na ngayo'y nakatunghay sa akin. "H-huh?!" gulat kong tanong.

"You okay?" takang tanong niya. "Uh--" napailing ako at napabaling sa kabilang bahagi ng kalsada, wala na ang babae. Kinunot ko ang noo ko at mabilis pa sa alas kuwatrong tumayo ako at patakbong tinungo ang pintuan ng The Stairs. Narinig ko pa ang pagtawag ni Clark sa akin pero hindi ko siya nilingon, I need to see the woman! Mukhang siya lamang ang makakasagot sa mga tanong ko. Napalingon ako sa kaliwa't kanang bahagi ng street pero walang sign ng babae, maingay lamang na tunog ng mga sasakyan.

"What's wrong, Tory?" a very familiar soft baritone voice asked, I felt myself stiff. Rumagasa ang samot saring emosyon sa puso ko, emotions which I prefer hidden beyond the depths of my heart. Kilig, kaba, fondness etc. pero nangibabaw pa rin ang sakit.

Walang lingong naglakad ako patungo sa sasakyan ko, I didn't bother to answer him, baka isang salita ko lang ay bumuhos ang maiinit na luha sa mga mata ko, I don't want to have that headache again.

"Tory!" I felt his hand grab my arm. Napapiksi naman agad ako, dumaloy ang pamilyar na kuryente mula sa maiinit niyang palad patungo sa puso ko.

"B-bitaw.." ang tanging namutawi sa mga bibig ko. "No! Tell me! May problema ba?" I sense the concern in his voice, pero imbes na kiligin ako ay halos magwala ako, mas masakit, he cares for me, pero alam mong bawal, dahil habang pinapakita niya sa akin ang ugali niyang yan, mas lalo ko lang nararamdaman ang awa sa sarili ko.

"B-bitaw, Castille.." ipiniksi ko ang braso ko, nanginginig na ang boses ko. "Pero, Tory, you have to tell me! Dahil habang pinapakita mo sa akin na may problema ka at hindi mo pinapaalam sa akin, pinaparamdam mo lang ang kawalang kwenta ko sa buhay mo!" nagulat ako at napangisi ng mapait.

"Akala ko ba, mababasa mo ang isip ko, bakit huh? Hindi mo na ba alam ang nilalaman nito?" lumuwang ang paghawak niya sa braso ko. "Yun din ang pinagtataka ko, ni hindi ko na napapasok ang iniisip mo. Ano ba ang nangyayari, Tory?" naguguluhan niyang tanong. Piniksi ko ang kamay ko at hinarap siya.

"Bakit? Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw nga yang supernatural di ba? Simula ng magpakita ka, ginulo mo na ang buhay ko! You don't just barge into my life and pressure me to fall in love with someone dahil yun ang inakala mong magpapasaya sa akin! Kasi mali ka, Castille! Sobrang mali mo! Kasi ang pinagkamali ko sa paggawa sa'yo, ginawa kitang bobo, manhid at walang puso, count being selfish in! Sarili mo lang ang iniisip mo! Sariling kaligayahan mo! And that hurts, Castille! Inakala mo kasi lahat naka-schedule! Lahat according to plan! Pero hindi mo alam ang nararamdaman ko! That's what makes you imperfect! And I hate myself for making you! Paulit-ulit lang tayo eh! Nakakapagod na.."
There.. I said it!

CastilleWhere stories live. Discover now