41. Payong Kaibigan

Start from the beginning
                                    

Pinandilatan ko siya. Pinapressure niya naman kasi ako. "Hindi ako nagmamadali. Pwede ba?"

"So, hanggang kailan ka makakapaghintay na siya ang unang umamin?"

Natahimik ako. May point siya. What if mag-debut nalang si Venice pero hindi pa rin umaamin si Arthur sa akin? Sh1t! Nakakapraning naman 'to.

Humalakhak siya. "See? 'Di ka makasagot. Ganito nalang, Alison. Kung aamin ka at i-reject ka n'ya, accept your defeat. Kapag umamin ka naman at umamin din siyang the feeling is mutual, accept each other in your lives. Whatever it takes, the important is you tried. Baka kasi sa huli ay magsisi ka. Alam mo naman ang pagsisisi, laging late."

Ngumuso ako. What she said is the best way to face whatever is bothering me. Bumuntong-hininga ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Dahek, forget your ego and confess to him!

"Okay," hingang malalim. "Hindi lang talaga ako makapaniwala na mabilis akong nahulog sa kanya. Ginayuma yata ako nung lalaking yun, Emma."

Nahampas niya ako ulit sa braso. Nakakailan na siya sa akin ah! "Gaga! Sino ba namang hindi maiinlove sa kanya? Mukha siyang Greek God for the love of God!" Natawa ako nang natulala siya sa ere witho those dreamy eyes. "Kung ako nga sa posisyon mo, baka mahulog din ako. Hindi lang puso ko ang mahuhulog, alam mo na! Baka ma-loose thread ang lahat ng panty ko dahil sa kakisigan niya. Haayyy!"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at humagalpak nalang ng tawa. "How vulgar, Emma! Ano ba 'yang words mo!" pailing-iling na sabi ko.

"Eto naman. Pa-innocent effect," sinundot pa niya ang braso ko na para bang nang-aasar. "Tell me, Alison. Paano mo nagagawang magtimpi sa kanya?"

"What the-"

Sumabat siyang muli. "At paano niyang nagagawang magtimpi sa'yo?" Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Look at you! For sure, matinding pagtitimpi ang ginagawa niya. You know, boys will always be boys."

Tuluyan nang nag-init ang buong mukha ko sa pinagsasasabi ni Emma. Now, I'm starting to get conscious of Arthur. Darn, nagkaroon tuloy bigla ng malisya.

"Emma, gentleman si Arthur." Kinuha ko ang laptop mula sa center table at ipinatong sa lap ko.

"Mukha nga. Okay, balik tayo sa kaninang topic. Hindi sa pinepressure kita, Alison. Ang akin lang, kapag pinatagal mo pa yan, ikaw lang din ang mahihirapan," sabi niya habang nakangiti sa akin ng makahulugan. "Pero bago mo gawin yan, i-consider mo muna yung ex mo. Have you already moved on completely?"

Speaking of, ex. Napakagat ako sa isa ibabang labi ko. Sh1t, si Garrett nga pala!

"Buti pinaalala mo, Emma. I saw him last Saturday!"

"Oo nga pala. Nagtext ka sa akin nun e. Sorry, 'di ako nakapagreply. Wala akong load e." Napaawang ang bibig niya. "Pero seryoso? Nakita ka niya?"

"Thank God, hindi! Kasama ko pa naman ang mag-ama nun sa mall. Kung nagkataon na nagkita-kita kami nun, geez, katapusan na ng mundo ko."

Umiling siya sa akin. "Mukhang 'di ka na safe dito sa Maynila, Alison. Hanggang kailan ka magtatago sa kanya?"

Nagkibit-balikat ako. Kumilos ang kamay ko para i-on ang laptop. Yan din ang nasa isip ko. Ang hirap ng may pinagtataguan. Feeling ko, isa akong bilanggo. "Ewan ko, Emma. Ayoko pa siyang harapin," mahina kong sabi.

"Naka-move on ka na ba?"

Bumaling ako sa kanya. "Oo naman."

"Kung ganun, kailangan mo siyang harapin. Magkaroon dapat kayo ng closure lalo na't 'di naging maganda ang paghihiwalay niyo. At closure para makapag-umpisa ka na ulit ng panibago."

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now