"Ah, so may exams ka pa ngayon?" tanong ko.

"Oo, sa Trigonometry at English. Ikaw ba?"

Umiling ako. NSTP lang naman kasi dapat ang exam ko ngayon kaso na-resched pa. "Sige na, Tyrone. Mag-aral ka nalang dyan. Nakakaistorbo pa ako."

Marahan siyang natawa. Pati ang mga mata niya ay ngumingiti rin sa akin. Sa sobrang lapit ko sa kanya ay nagkaroon ako ng better view ng facial features niya. Gods, ang ganda ng combination ng genes ng Pinoy at Hapon. Siya ang resulta.

"Kahit kailan hindi ka naging istorbo sa akin," sabi niya na nagpangiti lalo sa akin. Napatitig tuloy ako lalo sa mga singkit niyang mga mata pero naputol din yun agad nang may tumikhim sa likod namin.

"Ehem."

Hindi ko iyon pinansin but instead nakisilip nalang ako sa librong binabasa ni Tyrone. "Misty," bulong na tawag ulit sa akin ni Tyrone. "Hindi tayo nagsabay maglunch kahapon."

"Oh, oo nga pala. Sorry, may nangyari kasing-"

He cut me off with a smile. "Ayos lang. Pwede ka ba ngayon?"

"Oo naman," sabay ngiti.

"Ehem." May ubo ba itong nasa likod namin? Kanina pa tikhim ng tikhim e.

Sinarado niya na ang libro at saka nagpangalumbaba paharap sa akin. Yung dating ini-stalk ko noon ay kaharapan ko na ngayon. Nag-iiba talaga ang takbo ng mundo. "Excited na akong matapos ang finals," bulong niya.

"Ako rin. Nakakastress e," I giggled pero yung mahina lang kasi baka punahin kami ng librarian. "At saka gusto ko nang magbakasyon."

Umiling siya kaya nagtaka ako. "Ako naman, excited ng matapos ang finals para next week ay University week na. Nabanggit ko ba sa'yo na may performance ang banda ko sa E.H.U Night?"

Nag-form ng 'O' ang bibig ko sa excitement. Hala, parang pati ako ay mas naglook forward na sa University week kaysa bakasyon. "Talaga? So, mapapanuod na kitang tumugtog kasama ang band mo finally?"

"Oo, teka ha." Nilabas niya ang kanyang wallet sa bulsa niya. Tapos may nilabas siyang papel at inabot iyon sa akin. "Ito yung ticket. Punta ka ha?"

"Ano 'yan, TJ?" sabat ni Eunice habang nakanguso sa inabot na papel sa akin ni Tyrone. Yay, I love bands! Nakakaexcite tuloy.

"Ticket sa E.H.U night."

"Ay, penge."

Ngumuso si Tyrone at saka umiling. Binasa ko naman yung nakasulat sa ticket. "Wala na e. Kay Misty lang kasi 'yon. Bili ka nalang."

"Ang daya neto," nakasimangot na sabi ni Eunice tapos may kung anong binulong kay Sab. Napailing nalang tuloy ako at binalingan si Tyrone.

"Thanks for this. Pupunta ako, promise-"

Kumunot ang noo ko nang may bumangga sa likod ko. Lilingunin ko sana iyon pero mabilis siyang kumilos at pumunta sa table namin. Napaawang ang bibig ko nang makitang si Badaf este France este Zion pala iyon. Seryosong-seryoso ang mukha. Kanina pa pala siya dyan sa likod namin?

Umiwas nalang ako ng tingin. Naiinis pa rin ako sa kanya!

"Pahiram ako nitong libro," sabi ni Zion kay Eunice. "Hindi mo naman ginagamit e."

"Sige-"

"Magbasa nga kayo dyan, Sab, Eunice. Ang ingay niyo, nakakaistorbo kayo sa mga nag-aaral. Kung wala kayong magawa, lumabas nalang kayo."

Tumaas ang kilay ko sa litanya ni Zion. Natamaan ako e. Sigurado ba talagang kina Sab at Eunice iyon o baka naman sa akin?

"Ay, sorry naman po, Zion ha?" sarkastikong sagot ni Eunice. Si Sab naman ay napapangisi nalang. Parang gusto ko tuloy mag-walk out pero nakakahiya naman kay Tyrone, so I decided to stay.

"Wala yata sa mood ang bestfriend mo," komento ni Tyrone habang nakangisi sa akin. Nakabalik na si Badaf sa likod namin. Para ngang ewan e, ang daming librong nakalapag sa table niya. As if naman na binabasa niya ang mga iyon.

"Beastmode-"

"Sshhh!" saway sa amin ni Badaf. Inirapan ko naman siya. Kainis ha! Beastmode ba o sadyang bitter lang?

Tumayo na lang ako at sumenyas saglit kay Tyrone. Makakuha na nga lang ng libro nang malibang-libang ako. Nagpunta ako sa business shelf pero umatras din ako dahil mukhang tatamarin lang ako kapag iyon ang babasahin ko. Nakuha ang atensyon ko ng cookbook sa HRM Shelf kaya iyon ang kinuha ko. Pagbalik ko sa table ay nagtaka ako dahil wala na si Tyrone sa pwesto niya. Maging si Zion ay wala na rin. As in, wala talaga. Nang-iwan?

"Girls, nasaan na si Tyrone?"

Nagulat ako nang hilain ako ni Sab sa tabi niya. "Kinakabahan ako, Misty. Niyaya kasi ni Zion si Tyrone sa labas. Nakakapagtaka diba? Ano namang gagawin nung dalawang 'yon?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakakapagtaka talaga. Si Zion, niyayang lumabas si Tyrone? What the.

"Sira. Malamang mag-uusap 'yon. Sabi nga ni Zion kay Tyrone; can we talk?' diba? Ano, tara?" Si Eunice.

Pinaningkitan ko sila ng mga mata. "Tara saan?"

"Sundan natin. Baka kung anong mangyari. Yung buhok mo kasi, Misty sobrang haba na. 'Di na namin keri," sabi ni Sab at saka nila akong hinila palabas ng library.

"Saan ba sila pumunta?" natatarantang tanong ko kasabay ng malalaking hakbang naming tatlo. Wala kaming direksyon. Basta kung saan may daan ay dun kami naghahanap.

"Ewan ko. Mag-uusap lang naman sila diba? So, malamang nandyan lang 'yon sa tabi-tabi."

Lumiko kami sa pasilyo. Diniretso namin ang hallway ng first floor. Nung makita naming may daan sa kaliwa ay tumakbo kami dun nang. . .

Bog!

Natigilan ako sa pagtakbo. Kitang-kita ng mga mata ko ang eksenang iyon. Maging sina Sab at Eunice ay natulala rin. Just infront of us were Zion and Tyrone. Nabigla ako nang dumapo ang kamao ni Zion sa labi ni Tyrone ilang segundo pa lang ang nakakalipas. Nakasalampak ito sa sahig habang si Zion ay matalim na tinitignan si Tyrone.

"Tyrone!" I hysterically shouted. Dinaluhan ko si Tyrone sa sahig. Dumudugo ang labi niya. "Zion, bakit mo sinuntok si Tyrone?!"

"Misty, okay-"

"Hindi okay yun, Tyrone!" Tumayo ako at tinulak si Zion na walang emosyong nakatingin sa akin. "Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi na kita kilala, Madrigal!"

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. "Hanggang ngayon hindi mo pa rin maintindihan? Tss," bumuga siya sa hangin at mabilis na umalis. Sinundan siya nina Sab at Eunice.

I was catching my own breath when they left. Inalalayan ko si Tyrone na makatayo. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Nagawa ni Zion na sapakin si Tyrone?

"Ayos ka lang ba, Tyrone?"

Pinunasan niya ang dugo sa kanyang labi at saka ngumisi. "Ayos lang ako," sabay pagpag sa uniform niya na nagusot. "Sabi na e, lalaki na yung bestfriend mo. Yun siguro yung bagay na sinabi niyang hindi mo maintindihan."

Kunot noo ko siyang tinignan. Umiling lang siya sa akin habang hindi pa rin naaalis ang ngiti niya kahit na alam kong masakit iyong sugat sa kanyang labi.

"May pagkamanhid ka pala talaga, 'no?" Manhid? Ako?




[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Where stories live. Discover now