Naabutan kong isa-isa nagsisialisan ang mga kaklase ko. Kunot-noo akong pumasok ng room. Hinahabol ko ang hininga ko sa sobrang hingal. Pagtingin ko sa white board ay may nakasulat na announcement.

Reschedule Final Exam for NSTP I

When: Thursday, 10AM

Where: Room #306

"What the? Ni-reschedule pa?" Kung kailan ready na ako e! Pabagsak akong naupo sa armchair. Nakuha ang atensyon ko ng babaeng pumasok sa room.

"Misty!" Si Eunice pala. Nahalata niya yata yung pagkabadtrip sa mukha ko. "Tinext kita tungkol dyan sa reschedule ah. 'Di mo ba nareceive?"

Pinaypayan ko ang sarili gamit ang palad ko. Grr! Pawis na pawis ako. Ang layo ba naman ng tinakbo ko e tapos ganito lang pala ang maabutan ko. "Nawala phone ko kahapon," sagot ko sa kanya.

"Aw, sayang. Tara sa library?" Lumapit siya sa akin saka niya ako pinaypayan ng binder na hawak niya. "Palamig tayo dun. Nakita lang kitang pumasok dito e, kaya ako bumalik dito."

"Okay."

Mabuti nalang ay malapit ang Business college sa Admin building kung nasaan ang Main library ng E.H.U. Habang naglalakad ay nagkwento sa akin si Eunice sa nangyari kahapon. Nagulantang daw sila nang hindi na nila kami naabutan ni Badaf sa table nang makabalik sila ni Sab.

"Sorry, Eunice. Nabadtrip kasi ako kay BAdaf kahapon. Kaya ayun, umalis nalang ako."

Ngumisi siya. "At umalis din si Zion."

"'Di kami sabay ah. Nauna akong umalis bago siya," paliwanag ko. Mabuti na ang maliwanag. Baka kung ano pang isipin nila e. Hmp!

"Akala nga namin ni Sab ay nagdate na kayo," humagikhik siya kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Yun talaga ang akala namin! Malay ba namin kung nagkaayos na kayo."

I rolled my eyes in annoyance. Sa tuwing naalala ko si Badaf ay naiinis ako. Mas malabo pa sa Pasig river ang utak ni Badaf! "Paano kami magkakaayos kung in the first place ay hindi ko alam kung ba't siya galit sa akin? Alangan namang dahil lang yun seating arrangement nung Outbound tour ah, kasi kung iyon aba e, ang babaw niya."

She raised her arms in surrender. Papasok na kami nun sa baggage section ng library. "Basta ayaw nalang namin magsalita ni Sab tungkol dyan. Diskarte na 'yan ni Zion," sabi nito at kinuha na ang bag ko para ibigay sa student assistant.

Pagpasok namin sa library ay bumungad agad sa akin ang malamig na air-con nito. Nilibot ko ang tingin sa paligid para maghanap ng bakanteng table pero mukhang puno yata ngayon. Ang daming tao e.

Hinawakan ko si Eunice sa palapulsuhan niya. Mukhang tumitingin din ng pwesto. "Wala na yatang bakante?" sabi ko sa kanya.

"'Di, dun tayo o."

Naglakad na siya pakaliwa. Sinundan ko naman siya hanggang sa huminto siya. Nabigla ako nang makita si Tyrone dun kasama si Sab. Magkaharapan sila at may dalawang bakanteng upuan sa tabi niya.

"Misty," bati niya sabay ngiti. Ngumiti din ako pabalik, tapos nakita kong tinapik niya ang upuan sa kaliwa niya. Hinila naman ni Eunice palapit kay Sab yung isa pang upuan. "Dito ka, Misty o."

Tumabi ako sa kanya. Kaharap namin sina Sab at Eunice. Kumaway ako kay Sab at ganun din siya sa akin, at pagkatapos ay bumaling na ulit sa binabasang libro.

Tinignan ko naman si Tyrone sa tabi ko. May binabasa siyang Math book. Nakisilip ako pero nagbawi rin ng tingin dahil nalulula ako sa numbers, lines at hinaluan pa ng abc.

"Na-resched daw ang NSTP exams niyo?" mahinang tanong niya sa akin. Tumango naman ako. "Sabay-sabay na raw kasi pag-eexam-in ang lahat ng may NSTP 1."

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon