1st.

12 1 0
                                    

"Dad, I really want to go to that concert," I cried. "Babayaran ko naman Dad yun eh. Actually nakaipon na ako ng almost 100 pesos."


"My decision is final." Bumagsak ang mga balikat ko sasinabi niya. "You're not going to that stupid concert."


Stupid? Stupid bang matatawag ang pagpunta sa isang concert ng mga pinakamamahal mong banda? STUPID BA YON?


Umakyat ako sa taas at nagkulong sa kwarto. Nag-open ako ng twitter ko sa laptop. Of course, merong trending topic na naman ang mga directioners na kami-kami lang ang nakakaintindi. 


Nakisama ako sa mga nagttweet about sa trend. Nakakilala na naman ako ng mga bagong friends from different countries. Umangat na naman ang bilang ng followers ko. Naks, peymus na ako.


Tumambay muna ako sa may timeline ng twitter ko. Scroll scroll lang. Retweet sa mga naliligaw na mga quotes. Magsasave ng mga meme pics ng boys. Siyempre pati na yung mga super hot photos nila sini-save ko din 'no. 


Nanlaki yung mga mata ko nang may maligaw na video ng isa sa mga pina-follow ko. Video ng mga batang umiiyak sa isang mahabang pila. Bakit sila umiiyak? OMG. Anong meron? Huli na ba ako sa balita? May trahedya na bang nangyari?


Nagreply ako sa tweet:

Why are they crying like they lost something so important?


Nagulat ako nung biglang nag-pop na sa lower right corner ng screen yung reply nung ate.


WE REALLY LOST SOMETHING SO IMPORTANT. HINDI MO BA ALAM NA SELLING NG TICKETS NGAYON NG OTRAMNL? SOLD OUT KAAGAD. KAIYAK.


Yes, isa po siyang Pilipina. Pero wait! Anong sabi niya? SELLING NG TICKETS NGAYON? HALA! Bakit hindi ko alam? Oh Jesus!


Nataranta ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.


Natulala ako sa hangin. Naaalala ko pa nung in-announce nila na makakapunta na sila sa Philippines. Grabe umiyak talaga ako nun. After almost 5 years of waiting, makikita ko na rin sila. Pero parang imposible pa ata ngayong mangyari 'yon.


Nangstalk ako sa account ni ate. Ang dami niyang uploads. May mga magulang na na-beastmode. Kasabay ng pagluha ng mga kabataan sa videos ay kasabay rin ng pagluha ko.


Parang kanina lang ay pinipilit ko pa si Dad na bigyan ako ng pera, pero ngayon na pala ang tickets selling. Ang sakit sa feeling. Sa pagkakaalam ko, 17,885 Pesos yung VIP nun. Pero kahit GenAd lang hindi pa ako pinayagan.


Umiyak pa ako nang umiyak. Hindi ko kaya to!


+++


"KELLY GUMISING KA NA! ABA GABI NA AH. MATUTULOG KA KUNG KAILAN MAGGAGABI NA. TAPOS KAPAG MATUTULOG IKAW NALANG MATITIRANG GISING. ANO BANG BALAK MO SA BUHAY MO HA?"


Nagising ako sa sigaw ng nanay ko. Tumingin ako sa bintana, gabi na nga. Hays. Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang pagmumukha ko. Yays, may tuyong laway pa sa may pisngi ko. Kinusot ko yung mata ko. Ay shit! Namamaga. Nako pag nakita ng nanay ko yung mata ko BOOM! Sermon na naman.


"HOY KELLY! HAPUNAN NA OH. PAG DI KA BUMABA MALILINTIKAN KA TALAGA SAKIN."


"Eto na po! Pababa na!" sigaw ko. Malamang kapag bumilang na yan ng 1-10 ay lagot na.


Nagmamadali akong bumaba. Pagtingin ko nandun na yung ate ko. Nakauwi na pala siya?


Umupo ako sa usual na seating arrangement namin sa dining table. Wala akong ganang kumain kaya naman kumuha nalang ako ng bowl at sabaw lang ang kinain ko. Nakakawalang gana. Hindi ko kasi kayang i-digest ang pangyayari. It's too much. Too much.


"Ticket selling ng grupong One Direction, dinumog. Concert tickets, sold out kaagad?"


Napalingon kaagad ako sa may T.V. Wtf! Andun yung boys. My honey, my sunshine, my bee, my world, my everything.


Pero nakakaiyak. Sold out. Huhu.


"Madaling araw pa lang ay mahaba na ang pila sa labas ng mall kung saan ginanap ang ticket selling ng bandang One Direction. Nabalitaan natin noong nakaraan ang pag-announce nila sa kanilang concert sa Pilipinas."


"Unang araw pa lamang ng ticket selling ay sold out na ito kaya naman mga magulang ay hindi napigilang hindi ma-beastmode. Mga bata, nag-iiyakan."


Sumakit yung puso ko nang mayroong vid ng boys na nag-flash sa screen. Isa sa mga concert nila. Kinginang yan. Nasasaktan ang aking puso.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Never EnoughWhere stories live. Discover now