"Kadiri ha." She made a face. I feel blissful.

            Umalis kagabi si Zade pagkatapos niya kaming ipagluto. Nangako siya sa akin na babalik siya dito mamaya. Kailangan lang daw niyang i-check ang mga nangyayari sa dalawang kumpanyang hinahawakan niya ngayon.

            "Ang bitter mo talaga!" pang-aasar ko. Hinatak niya ang buhok ko. "Aba, ang lakas mong mang-asar ng ganyan ngayon ha. Paalala ko lang po sa 'yo, ilang taon kang brokenhearted. Lokang 'to. Kapag 'yang si Zade nagloko uli, lagot 'yan sa'kin." Natawa na lang ako.

            Buong araw kaming busy sa pagtitinda, maganda naman ang benta namin. Nang dumating ang hapon at malapit na kaming magligpit ay may pumarang black and red na sasakyan sa tapat.

            "Yung gago ba 'yan? Bakit iba ang kotse?" nakakunot ang noong tanong ni Jen. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya kay Zade, pero para raw sa akin ay susubukan niyang hindi masyadong ipahalata ito.

            Bumukas ang pintuan at bumaba ang pinakagwapong lalaki sa mga mata ko. He was wearing a black shirt and casual shorts. Nakatsinelas lang siya. Simple lang ang suot niya pero ang lakas ng dating sa akin. He waved at me and I smiled in return.

            "Landian galore pa more," patutsada ni Jen bago sumalampak sa isang upuan. Lumapit sa akin si Zade at hinalikan ang noo ko. Matangkad kasi siya kaya sakto ang noo ko sa labi niya. His cool lips were pressed on my forehead and I felt my heart thrumming peacefully.

            "I missed you so much," he whispered.

            "Namiss din naman kita." Naamoy ko ang pabango niya. I love Zade's scent. It's not too strong with just the right amount of manliness.

            "At hello rin sa 'yo, Zade!" sarkastikang sabi ng kaibigan kong hindi yata mabubuhay kapag hindi niya pinandilatan si Zade. He nodded and gave her a smile.

            "Hi, Jen. Nice to see you again." He gave her a formal greeting which she shrugged off.

            "E 'di hello."

            Inakabayan ako ni Zade. "May gusto akong ipakilala sa 'yo."

            "Sino?" nagtataka kong tanong. Is there someone else inside the car? I hobbled beside him while he aided me. Nang nasa tapat na kami ng kotse ay namulsa siya.

            "Ricardo, I want you to meet this very beautiful lady over here. Sam, meet Ricardo, my trustworthy car. He is a very reliable friend."

            Tinaasan ko siya ng kilay bago tinignan ang kotse niya. "Um, hi Ricardo, you look..." I struggled for an adjective that is suited for cars. "Awesome. Nice bumpers."

            Zade laughed beside me. "He said thank you and that you have nice bumpers as well."

            Pinandilatan ko siya at hinampas sa balikat. "Zade Andrei!"

            "Blame September. Nahahawa na ako sa kanya."

            "Julius September is still a playboy?" tanong ko.

            He nodded. "Yes, in fact, pag-uwi ko kagabi ay may bago na naman siyang babaeng iniuwi sa resthouse niya. You'll never hear the end of it."

            "And how are Lyric and Ash?" I met them before and they were all good-looking men. Mababait naman sila, maloko nga lang. Pero sa kanilang apat ay si Julius September ang pinaka pasaway, madaldal, at maloko.

            "Lyric and Ash are in Manila. Successful na si Lyric sa pagbabanda, si Ashford naman ay busy sa flight school. A pilot. Can you imagine?"

Love Until It Hurts (Monteverde Series 4)Where stories live. Discover now