"Alison??"

Napatuwid ako ng upo nang marinig ko na naman ang boses ni Arthur. Isa pa siya sa iniisip ko. Wala siyang alam tungkol sa tunay na buhay ko. Malaking problema kung nakita ako ni Garrett at mas lalong malaking problema kung malalaman ni Arthur ang tunay na katauhan ko. Nakaka-stress naman itong pinasok ko!

"Alison, buhay ka pa ba dyan?"

Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. He gave me way to step out of the bathroom. Dumiretso ako sa kama at dun nahiga.

"Here, take this." Bumungad sa paningin ko ang gamot sa palad niya. I gulped down thinking about how I'd reject that thing. Paano ko iyon iinumin kung wala naman talaga akong LBM?

Ngumiwi ako at pumikit. "Arthur, I'm fine."

"Inumin mo 'to. Baka madehydrate ka dyan," sabi niya at saka umupo sa gilid ng kama. May hawak na siyang baso ng tubig sa kabilang kamay. "C'mon, Alison. Take this."

"Thanks pero no need na. I'm fine already."

"Alison, you really need to take this. Hindi ko alam kung anong nakain o nainom pero siguro ay dahil yan sa contaminated food or drink na na-take mo. May improper functioning lang siguro ang digestive system mo. Pagkatapos nito ay uminom ka ng green tea. It will help your internal system to function well."

Hindi ako kumibo. Gusto kong mapag-isa. Mas lalo lang akong hindi makapag-isip kapag kasama si Arthur. Para bang nahahati ang utak ko sa dalawa. Ano ba 'tong pinagsasabi niya? Para siyang doctor kung magsalita. Information overload na tuloy!

"Alison-"

"I said I'm fine! Hindi ako umiinom ng gamot, Arthur." I said as I covered my body with a comforter. I moved my body in a fatal position and squeezed my eyes close. "Just. . . leave me alone for awhile, please."

I felt his warm palm over my forehead. I bit my lower lip to supress the unfamiliar feeling inside me. "Okay. Rest well," he worriedly said and the next thing I heard is the creaking sound of the door closing.

***

I've been grumpy for the entire weekend. Ni hindi ako lumabas ng kwarto o nakipag-usap man lang kahit sino sa penthouse. Para akong bed-ridden mula Sabado ng gabi hanggang Linggo. Ni hindi man lang ako sumama sa pagjojogging ng mag-ama kahapon. It's just a relief because Arthur let me rest kahit na nagiging unreasonable na ako lately. LBM lang naman itong dinadanas ko pero daig ko pa ang bagong panganak.

Really, Alison? When will you get over what happened and just move your arse off the bed?

Today's Monday. Reality strikes again. Pasimple kong pinapanuod ang paghahanda ni Arthur para sa pagbabalik trabaho niya sa office. He would move around the room and fixed his things over his table while fixing his tie around his neck. Gusto ko sana siyang tulungan kaso wala pa rin ako sa mood. Kailan ba ako magiging ganito?

One week siyang naka-leave kaya marahil ay sang-katerba ang paperworks na naiwan niya dun sa table. Habang ipinapasok niya sa bag ang laptop niya ay bumaling siya sa akin. Nakahiga pa rin ako sa kama at nakabalot ng kumot. "Morning. How are you feeling now?"

"Ayos na ako."

Umiling lang siya at binalik na ang tingin sa mga papeles na inaayos niya. "You kept telling me the same thing pero hindi ka naman umaalis dyan sa kama. Why don't you go to the clinic? Sasamahan kita."

Bumangon na ako sa kama at hindi nalang siya sinagot. Papasok na sana ako sa walk-in closet nang magsalita siyang muli.

"... or visit an OB. Para kang buntis. Ang moody mo." Nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. Nagkibit-balikat naman siya't nagsuot na ng coat. "Malay mo. Baka may nangyari sa atin habang tulog tayo, hindi lang natin alam kasi nga tulog tayong dalawa."

Let's Talk About Us [Completed]Where stories live. Discover now