Chapter8: The She First Love

28 5 0
                                    


Samantha

Damnit!

Kapag minamalas ka nga naman oh. Letche talaga.

Nandito lang naman ako ngayon sa isa sa mga selda dito sa kulungan, naghihintay ng back-up person ko. Paano ba naman, dahil sa sinabi ng pesteng Angelo na iyon ay mas lalong lumala ang mga kaso ko! Dahil nga sa nakuha nilang baril sa hita ko, eto ako ngayon nakakulong na talaga.

I'm damn pretty sure na din na malilintikan ako nito ngayon kay Drew. Well, kung hindi naman dahil sa Angelo na iyon ay hindi magkakandaloko-loko ang pag aakyat-bahay ko imbyerna! Buti nalang talaga at sosyal ang kulungan dito sa lugar namin. Sari-sarili ang kulungan ng mga kriminal. Hindi yung hati-hati.

Napatayo nalang ako mula sa sulok na kinauupuan ko sa loob ng masikip na selda na ito ng biglang may pulis na magbukas sa selda ko. Mukhang nandyan na si Drew ah? Grabe ang bagal talaga nya kahit kelan. Naniningil agad sa kasalanan ko sa kanya?

"Laya kana. Pwede ka na lumabas." Wala ng tanong tanong akong lumabas agad sa selda na iyon. It's like grabe ang init kaya sa selda na iyon saka alam ko na naman kung sino nagpyansa sa akin e. Sino pa nga ba? Eh sya lang naman tinawagan ko. Naglakad na ako palapit sa table ni Ins. Guevarra.

"Thank you tito. Pasensya napo ulit kayo sa bestfriend ko." Narinig kong sabi ni Drew kay Ins. Guevarra. Napahinto naman ako sa paglapit ko dahil doon. What the fuck?

"Ok lang yon. Pasalamat naman ako at ikaw naman pala ang may-ari ng baril na dala ni Samantha. Kampante ako na legal iyon." Sagot naman ni Ins. Guevarra. Hindi pa kasi nila ako napapansin e.

Tumayo nasa kinauupuan nya si Drew bago nakipagkamay kay Ins. Guevarra ng nakangiti. After nun ay napagdesisyunan ko ng lumapit sa kanya. Kaya naman agad syang napabaling sa akin.

"Tara na. Iuuwi na kita kay Tito." Seryoso nyang sabi sa akin na nagpalaki naman sa mga mata ko. Mabilis akong umatras palayo sa kanya. Bigla ay nagbago ang timpla ng aking pakiramdam dahil sa sinabi nya.

"Ayokong umuwi! Alam ko iyan!" Galit na galit kong sigaw kay Drew. Hindi naman sya nagreact. Ganun din si Ins. Guevarra. Mukhang ayaw na nito makisiksik pasa usapan namin. Hindi na ako nakapalag ng mabilis akong nilapitan ni Drew at hinatak sa braso.

"No. I'll take you home. And btw, you can't do anything about it now. Since, you still have so many things to explain to me. Pag-usapan natin lahat on the way sa mansion nyo." Papalag pa sana ako kaso bigla na nya akong hinatak palabas ng presinto.

"Ayoko sabi umuwi! Akala ko ba kaibigan kita?! Ano ba!" Nagpupumiglas parin ako habang papalapit na kami sa pinark-ingan nya ng kotse nya. Pero parang wala lang rin sa kanya ang pagpupumiglas ko. Para syang si Angelo! Ano to?! Pati sya unknown creature na din?!

"Get inside." Kalmado nyang sabi sa akin, saka ako mabilis na pinagbuksan ng pinto sa passenger's seat ng kotse nya. Hindi ako agad pumasok at nakipagtitigan lang ako sa kanya. Wala na rin akong nagawa kasi marahan na nya akong itinulak papasok.

"Letche." Naibulong ko nalang sa sarili ko bago sya nakapasok na rin sa driver's seat. Mabilis nyang binuhay ang makina ng sasakyan nya at agad na pinaharurot iyon. Seryoso lamang syang nagmamaneho kaya naman pinili ko nalang na tumingin sa labas ng bintana.

"Fuck it. What the fuck just happened today, badass?!" Hindi na nakapigil ang loko. Hindi ko parin sya tinitingnan. Expected ko na kasi na magagalit talaga sya sa akin ngayon.

"Nahuli ako. What's new?" Patay-malisya kong sagot sa kanya, still looking outside. Narinig ko ang marahas nyang pagbuntong-hininga. Napakagat-labi nalang ako. Galit talaga sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Angel Falls Inlove (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon