Return

47 1 0
                                    

Hindi mapakali si sapphire sa kaiisip ng kaganapan kahapon sa pagitan nila ni Harold naguumapaw sa tuwa ang damdamin niya sa isipang malapit na sya nitong maalala. Masayang masayang pumasok si sapphire sa trabaho dala nanaman niya ang ginawa niyang cookies.. bago pa niya inilapag ito sa lamesa ni harold ay biglang may tumikhim mula sa likod niya.

"So., tama nga ang hinala ko ikaw ang nagbibigay niyan?" Madilim ang mukha ni cassandra ng sabihin niya iyon.

Binalingan din ito ni sapphire ng mas matalim ng tingin.
"Ako nga dahil ako ang asawa niya at hindi ako nagpapanggap katulad mo-"

Bago pa naituloy ni sapphire ang sasabihin ay isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya.

PAK!

"how dare you! I trusted you! Now I know everything sinabi na lahat sakin ni lola! Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari!!!" Galit na singhal nito sa kanya.

"Hindi rin ako makakapayag na hindi niya kami makilala kami ang totoong pamilya niya!" Bulyaw din ni sapphire ng biglang pumasok si Harold

"What's going on here?" Takang tanong ni Harold.. nagsimula ng umiyak si cassandra at yumakap kay harold

"Honey! I really miss you that girl!" Sabay turo kay sapphire ni cassandra

"Balak niyang paghiwalayin tayo magkasabwat sila ni lance!! Honey! I trusted her much hindi ko akalain na me plano pala sila!!" Humagulgol na ng iyak si cassandra

"Your a liar! Don't beleive her ziek pls-" naluluhang pagmamakaawa ni sapphire

"Get out" yun lamang ang tanging nasabi ni harold at litong hindi makatingin sa mga mata ni sapphire

"But harold pls.." tumulo na ng tuluyan ang luha ni sapphire. Hinarap sya ni harold sa napakadilim na ekspression hinawakan nito ang magkabilang balikat niya.

" all this time iniisip mong ako si harold? I'm not him!!! Stop fooling me.. umalis kana at wag niyo na kaming guguluhin pa!!"

Isang malakas na sampal ang isinagot ni sapphire bago ito tuluyang umalis. Naiwang tulala si harold ng daluhan sya muli ni cassandra.

I borrowed the life of my sisterWhere stories live. Discover now