The real story

87 3 0
                                    

naghiwalay na sa pagkakayakap ang mag ina.

" anak bakit narito ka? "


may pag aalala ang tono ng kanyang mommy.

" mom.. naalala ko na po ang lahat .. I'm not pearl ..I'm sapphire "

at nagsimula nanamang syang  umiyak.


"I-I know ..anak.."

sambit ng kanyang mommy na syang kinagulat niya.

"p-po? pa-paanong alam ninyo??"

natigil sya sa paghikbi ng marinig niya ang sinabi ng mommy niya. dinala sya ng mommy niya sa kanilang sala upang magusap.

"Anak.. mahal kita mahal na mahal ko kayo ng kambal mo .. kaya ng mawala sya labis ang pagsisi ko"

panimula ng mommy niya habang naguunahan ang mga luha nito sa pagbagsak.


"Hindi ko po maintindihan mommy.."

naguguluhang tanong ni sapphire.


"anak  .. si Carl naalala mo ba sya?"


malungkot na tanong ng kanyang mommy.

"yu-yung una niyo pong anak sa una niyo pong naging asawa..."


pagtatakang sagot ni sapphire.


" isang Dr. si Cielo .. matalinong Dr. akala namin ay hindi na kami magkakaanak pa .. ng dumating sa buhay namin si Carl ay labis ang saya na idinulot niya ..dahil sa wakas may anak na kami.. nasira ang lahat ng masasayang sandali na iyon ng mabaliw sa karunungan at kadakilaan si Cielo.."

tuluyan ng umiyak ang kanyang mommy..

"mom.. please ... kung hindi niyo pa po kaya mag kwento .. ok lang po sa akin"

pag aalala ni sapphire...ngumiti ng mapait ang kanyang mommy at itinuloy ang pagaalaala sa nakaraan.

" pinagexperimentuhan niya ang sarili naming anak na si Carl .. gusto niyang tumuklas ng kaalaman gamit ang puso ni Carl.. inalis niya ang puso ni Carl at may inilagay syang isang maliit na bagay dito upang hindi na daw mamatay ang tao ... hindi kinaya ng katawan ni Carl habang inooperahan niya ang anak namin upang ibalik ang puso niya ay binawian na sya ng buhay.."

naguumapaw ang lungkot, galit at sakit sa pag kwekwento ng mommy ni sapphire. Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang mommy at inaalo ito.

"hi-hindi po pala sila namatay sa paglubog ng barko?" tanong ni sapphire.

marahang tumango ang kanyang ina.

" Hindi ko ito matanggap kaya nakipaghiwalay ako sa kanya kahit ayaw niya halos masiraan ako ng bait sa ginawa niya .. nakilala ko ang papa mo  .. nagpakasal kami pag ka annulled namin ng una kong asawa at naging bunga ng pagmamahalan namin ay kayo ni pearl"

I borrowed the life of my sisterWhere stories live. Discover now